VENUS'S POV
sa pagkabigla at lito na nginginig akong yakap ang aking sarili. hagulgol at pag hikbi hindi kona magawa tumingin sa palasyong na susunog..
balikawas akong napalingon sa likuran ko ng makarinig ako ng mga taong nag sasalita na hindi kalayuan sa pwesto ko.
"tu--tulong! tulong!," sigaw ng paos kong boses pinilit kong makatayo sa pag kakaluhod na nginginig pa. sinundan ko ang boses kung saan nag mumula.
ika ika akong humihikbi para mapigil ang emotion ko sa pag iyak.
"Tuh--?!," ganon nalang ang pag tataka ko ng maabutan ko ang mga taong narinig ko kanina mga nagtatawanan sila habang pinapanood na nasusunog ang le cielo at mga nagpapalakpakan pa...
napakuyom kamao ako ng makita sila kung paano nag didiwang lalo na ang babaeng hindi tumitigil sa nakakatakot na Tawa..
sila ang may kagagawan sa pag sunog sa palasyo namin at pumatay sa mga taong na andon pa sa palasyo.
"Umpisa palang yan LOUIE!,"
dinig kong sigaw ng babae hindi ko masyadong maaninag ito at napapalibutan siya ng mga lalaki.
may mga hawak sila ng kagaya sa mga nag babantay sa palasyo.
bigla lumingon ang babae kung saan ako naka pwesto at walang pakundangan bigla akong pinaputukan.
"BANG!" tulala akong napapitlag ramdam ko pa ang impact ng pagtama ng bala sa punong katabi ko..
lalo nanghina ang tuhod ko at napa tiyahayang natumba laki mata akong napapa atras dahil unti unting lumalapit sa akin ang babae.
nag sinyales pa ang babae sa mga lalaking kasama niya na pinatitigil kumilos..
"ako na ang tatapos sa kanya?!," wika nito sa mga kasama niya halos maihi na ako sa takot at pangangatal ng bibig ko.
isang babae hindi ko mawari kong bata paba ito o matanda na nakalugay ang mahabang kulot nitong buhok.
umupo ito ng Dahan dahan para tapatan ako hindi ko makita ang buong muka nito dahil naka mask ang Bibig niya.
"this will be your last good night greetings Sweety?,"
malambing na pag kakasabi pero nakakatakot lalo na ang malumanay niyang pag tawa.
tuloy tuloy nagsibagsakan ang luha ko ng maramdaman ko ang malamig na metal na itinututok nito sa noo ko nararamdaman kong may masamang mangyayari na sa akin.
"ayah!!,"
hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas pero bigla ko winasiwas ang hawak nitong tinututok sa noo ko at pinangkalmot ko sa kanyang muka ang sangang kanina ko pa hawak.
"AHHH! DAMN U! F*CKING b***h RAT!,"
pag mumura nito sa akin alam kong malalim ang nilikha kong sugat sa muka niya ramdam ko sa kamay ko ang likido galing sa kanya.
napabalikawas ako ng tayo ng mag umpisa na akong sugurin ng mga lalaki kasama niya..
napapadaing ako sa mga matutulis na maliliit na sanga tumutusok sa paa ko bawat pag takbo at sa hindi ko malaman dahilan ay nagagawa ko parin maiwasan ang mga balang pinatatamaan nila sa akin wala na akong lingon lingon pa.
importante sa akin ay ang makatakas..
saglit akong tumigil sa pag takbo at sumandal sa malaking puno.
yung hingal kong kulang na kulang pa sa pag higop ng hangin para makahinga ng maayos.
gusto ko umiyak pero hindi ito ang tamang oras para gawin ko yon papatayin nila ako!. pinag patuloy ko pa ang pagtakbo ng makarinig na ako ng mga kaluskos na papalapit na sa akin..
napaluhod ako sa buhanginan ng makarating ako sa dagat gumapang ako papunta doon dahil sa pagkaramdam ng uhaw inilubog ko ang aking muka sa tubig,..
"UUUwakkk!," halos gusto ko ilabas ang laman loob ko ng malasahan ko ang tubig dagat dahil sa sobrang alat ilang beses ko pinilit iluwa ang nainum ko na ikinaluha ko na.
hingal akong napahiga sa buhanginan at napahagugol uli ng iyak hindi kona alam ang gagawin ko.
"Dama elen! Camille!."
patuloy kong pagtawag sa kanila parang gusto ko nalang sumama sa pag sabog nayon dahil sa nararamdaman kong takot ngayon..
napa igtad ako ng makarinig ako na parang may nag uusap nagpalinga ako sa paligid at patakbong nag hanap ng tataguan.
" bakit naman kasi dito pa tayo ang dilim dilim dito?!,"
"ang dami mo namang ang arte! mamili ka ipang hohotel ko yung ipambabayad sayo o dito tayo?."
" ang laki ng sinasahod mo pero napaka saksakan mo ng kuripot!."
"bakit maayos naman dito ah? malamig pa.?"
matapos ko mapakingan ang pinag uusapan nila hinanap ko kung saan galing yon. alam kong hindi sila kasama ng mga taong yon base sa naririnig ko.
sa pag hahanap ko sa mga boses nayon ay napahinto ako ng pag lalakad at napa atras ng makita kong masasalubong ko ang mga lalaking humahabol sa akin.
"ayon!."
pabalik akong tumakbo at muntikan pang madapa dahil sa pag kataranta dahil nakita na nila ako.
patuloy akong nagtatakbo.
"Tulon----!." bigla nalang ako napatid dahil sa mga nakaharang nakatawan at magkapatong sa dinadaanan ko pabagsak akong nadapa sa likuran ng lalaki.
"tulungan nyo po ako!,"
sumamo ko sa kanila habang gulat pa silang nakatulala sa akin at saglit na hindi nabago ang posisyon.
"BANG! BANG!."
"WAhhhh!." sigawan namin ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril!.
napahagis ako sa pag kakadapa sa lalaki ng bigla itong kumilos! tumayo agad ito at nagmadaling sinuot ang pantalon..
"T*NGINANG YAN!. pati ba naman dito may kalaban!." dinig ko sa kanya.
"BANG!." napatakip ako sa tengga ko ng marinig ang ganting putok ng lalaki ng may papalapit sa amin..
"SAAN KA PUPUNTA GAGO KA! IIWANAN MO AKO DITO!." pigil ng nagmamadaling babae na nag bibihis..
"anu bang tinutunganga mo dyan tara na!."
"opo!." sunod ko sa babaeng sumigaw!
agad nga akong tumayo at sumunod sa kanilang tumatakbo..
"kasalanan mo to e! dinaladala mo pa ako rito! wahh!!."
paninisi ng babae sa kasama niya pareho kami nag sisikan sa likuran ng lalaki.
ng meron na naman nag pautok muli sa amin..
"bumitaw nga kayo Dyan! mauubusan na ako bala kailangan na natin makalayo dito!."
bulyaw sa amin ng lalaki na hindi makakilos dahil nakakapit kami sa panatlon niya.
patuloy kaming tumatakbo patungong dagat..
"naandon ang jet ski mo moreno!."
turo ng babae sa may di kalayuan mga batuhan agad kami nagtakbuhan papunta doon.
"dali!."
pag mamadali sa akin ng babae ng saglit akong mamangha sa nakita kong sasakyan sa dagat.
"bilisan mo iiwanan ka namin dito!."
igtad akong napakilos makasakay doon ng marinig ko ang banta sa akin ng lalaki.
muntikan pa akong mapatihayang mahulog ng bigla itong paandarin kung hindi ako nakakapit agad sa likuran ng babae..
magkasabayan kaming nakahinga ng maluwag ng makalayo agad kami sa isla dahil sa bilis ng andar ng jet ski sa pag karinig kong tawag doon.
tumingin ako sa likuran ko at napapikit ng mariin ng makita ang pag layo ko sa isla kong nasan andoon ang mga kinikilalang kong pamilya.
"aray!,"
sigaw ng lalaki ng hampasin ito ng babae sa likuran niya ng maihinto na ang jet ski sa buhanginan..
sumunod ako sa mabilisan pag baba ng babae sa sasakyan.
"hindi ka na talaga makaka ulit sa aking n***o ka! akina ang bayad mo!."
hindi ko pinansin ang nag sisigawan sa likuran ko ng patulala akong naglakad dahil namangha na man ako sa nag liliwanag na mga ilaw na kanina kopa tinatanaw nung nakasakay ako sa jet ski papalapit sa bagong isla..
"Ang ganda!,"
mangha kong sabi habang nililibot ko ang paningin sa nag tataasang pahabang palasyo.
"ngayon kalang ba nakakita ng mga building?,."
gulat akong napalingon sa tabi ng makita ang babaeng tumulong sa akin kunot ang kilay nitong nakatingin at may halong pag tataka..
"taga saan kaba? at paano ka napunta lugar nayon?,"
tanong sa akin nito ng tinitingnan pa ako mula ulo hangang paa..
" Loida!."napalingon kami sa babaeng may edad. papalapit ito sa amin at parang galit..
"kanina pa kita hinahanap ah! San ka galing? alam mong may costomer ka ngayon gabi tiba?,"
pandidilat ng babae dito sa kasama ko. masyadong makulay ang muka nito at napaka pula ng bibig nag ningning din ang damit nitong hapit at may hawak na stick na may lumalabas na usok.. napairap ang babae dito saka muli nag salita..
"Madam iofer mo nyo nalang po siya sa iba at napaka biolente ng costomer nayon! halos mabutas ang pwet ko sa kapapalo ng matandang yon!."
padabog na sagot nito sa matandang babae.
"pero ikaw gusto niya Loida! sa ayaw sa gusto mo sasama ka sa kanya ngayon."
matapos masabi ng babae yon ay napatingin ito sa akin..
" sino siya?."
alalang napatingin sa akin ang babaeng kasama ko ng mag tanong ang matandang babae dito..
"wala po madam nag tatanong lang siya..,"
sagot nito sa matandang babae bumaling ito sa akin at tinulak ako..
"umuwi ka na baka hinahanap kana sa inyo."
pagkasabi nito sa akin ay pilit nito pinatatalikod ang matandang babae na hindi nawawala ang titig sa akin at parang inoobserbahan.
"tara na madam baka nag aantay na ang matandang manyakis nayon!,"
" wala na po akong uuwian!,"
sigaw ko sa kanila ng akma na nilang ako iiwan.. sabay silang napalingon sa akin.. naglakad ang matandang babae papunta sa akin at sa hindi ko maintindihan ay nakangiti ito sa akin..
"Madam hayaan napo natin---"
"tumigil ka Loida! narinig mo naman sinabi niya tiba? wala siyang uuwian.."
bumaling muli sa akin ang babae at napangisi ng ngiti..
" doon ka muna tumuloy sa amin.. at akong bahala sayo.." sabi nito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko at inaamoy pa..
" ilan taon kana?," malumanay na tanong nito sa akin ..na hindi parin binibitawan ang paghaplos sa buhok ko..
"17 po..?" lumapit sa amin ang loida at pumagitna sa amin dalawa ng matanda..
"madam masyado papo siyang bata maawa naman po kayo kanya?,"
nakita kong nanlisik ang mata ng matanda dito..
"kung hindi mo tinakasan ang matandang costomer mo hindi ko makikita ang daligitang kasama mo? kasalanan moyan umalis ka dyan!,"
hinawi ng matandang babae si loida at hinila ang kamay ko palakad walang nagawang napasunod si loida sa amin habang hawak ako ng matandang babae..
napatingin ako sa likuran ko at hinanap ang lalaki kasama ni loida,..
"nasan po yung lala--." agad tinakip ni loida ang bibig ko..
"huwag mo ng hanapin umalis na siya,"
bulong na pag kakasabi nito at napatingin sa matandang may kinakausap na sa cellphone habang nag lalakad kami..
" pag sisihan mo lang na sumama ka pa sa amin," wika nito sa akin na napapailing pa..
***
nakarating ako sa isang bahay.. tumingin ako sa paligid ko na puro mga babaeng abala sa pag aayos sa sarili.. nakasunod lang ako sa babaeng tinatawag nilang madam..dahil hindi na namin kasama si loida.
taka akong nanapailingon sa ang mga babae nasa paligid at nakatingin sa akin..
"Jackpot! yan madam ah!."
wika ng isang babaeng nakangisi sa amin naka tapis lang ito ng tiwalya at boblower ng buhok niya,..
" manahimik ka dyan! ikaw ugaliin mong mag lagay ng tawas! ah ligo ka ng ligo umaalingasaw parin yang putok mo sino gaganahan sayo niyan!."
nag ingayan ang tawanan sa paligid ko ng pagalitan niya ang babae na parang hindi naapektuhan sa sinabi.. umiirap irap pa ito at nag salita.
" Sino kaya ang mas mabaho sa atin?," bulong kong dinig nito.. na tumayo at pumasok salid..
" dalian ninyo mag si kilos at matatapos na ang First batch! don na kayo mag landian at walang T*TI dito!."
halos mabingi ako sa bulyaw ng babae sa mga nagtatawanan pang mga kababaihang naandon bumaling ito sa akin ,..at mariin hinawakan nito ang muka ko ganon nalang ang pag tataka ko ng pati mga ngipin ko ay tiningnan.. ngumisi ito sa akin at tinatapik tapik ang pisngi ko..
" napakagandang babae ano nga pala pangalan mo?," tanong sakin nito..
" Venus po.." nakayukong sagot ko naman dito.
" Virgin kapa ba?.."
saglit akong napa awang ng bibig dito dahil hindi ko alam ang tinatanong niya?
" ano pong Virgin?,"tanong ko sa matandang babae.. na imbis na sagutin ako ay tumawa pa ito..
"magpahinga kana at bukas tayo mag uusap ito ang magiging silid mo mag kasama kayong dalawang ni loida dyan,.."
binuksan nito ang tinutukoy niyang silid at bumungad nga sa akin ang hindi kalakihan kwarto.. dalawang kamang maliit ang nakitang kong nakapwesto doon.