Chapter 9 "I caught you "

2114 Words
Venus POV isa isang nilalatag ni te loida ang mga makukukalay na papel sa harapan ko meron din itong kasama mga bilog na metal lahat yon ay may mga numero. " ang tawag dito venus pera.. marunong ka naman siguro mag bilang tiba?" marahan akong tumango dito ilang saglit pa ay may pinakita itong mga bagay at resibo inabot nito sa akin ang isang kahon powder ng sabon panlaba. "hanapin mo sa resibong yan ang sabong to? at sabihin mo sa akin kung ano numero ang nakalagay sa tapat niya?" tanong sakin nito binasa ko nga resibong hawak ko at nakita ang numerong tinutukoy sa tapat non.. "256.75" sagot ko sa kanya. "sige ibigay mo sa akin ang halaga ng sabon sa pera na nakahelera sa tapat mo?" utos nito muli sa akin ni te loida, tiningnan ko nga ang numero nakasulat doon at kinuha ang kailangan niya.. ngumiti sa akin ito ng maibigay ko iyon, marami pa siya bagay na ipinakita sa akin kung paano magpalitan ng pera... At doon ko naisip kung bakit inaral namin sa palasyo ang "MATH". pero kahit kailan ang pagamit ng pera ay hindi kailan man itinukoy o ipinakita sa amin.. "te loida bakit kailangan pa ng pera? " kunot noo na tanong ko dito ng isa isa na niyang nililigpit ang mga pera sa lamesa huminga ito ng malalim bago ako sinagot. " noong una... yan din ang tanong ko ng makapasok ako sa letcheng trabahong to?!," Anya nito sa akin. nafocus lang ang tingin ko dito ng mag iba ang expression ng muka niya at para pa itong may inaalala tumingin ito muli sa akin. "kailangan sa buhay ng tao ang pera para makapagpatuloy sa mga plano na gusto nating matupad masama man yan o makakabuti," bumalik muli sa pagbibilang si te loida matapos makapag paliwanag sa akin.. "kaya ba ganon kahigpit si madam sa akin at yung lalaking pumunta dito ng dahil ba sa pera? para ba matupad ang mga gusto nila sa buhay?," marahan tumango sa akin ang kausap ko... "kahit ako venus, ikaw lang kasi ang pag asa ko na makapag pabago ng buhay ko dahil binili kana ni Mr. marcos, kailangan ko ng malaking halaga para makapag umipisa sa bagong buhay na gusto ko mangyari at saka makakabuti sayo iyon, dahil kapag nakasama mona si Mr. Marcos hindi kana mag hihirap at mag kakaroon kapa ng maraming pera mabibili mo ang lahat ng mga gusto mo," nakikinig lang ko dito at ang tanging naiintindihan ko lang ay ang halaga ng pera na sinasabi niya. Pero ayoko ng mabibili ang lahat ng gusto, kung di ang matupad ang lahat ng gusto ko at yon ay ang mabuhay ang pamilya ko sa lecielo.. **** katatapos lang namin kumain sa sala agad ako dumiretso, matapos akong makapag hugas ng plato. lunes ngayon at ngayon araw din mag uumipisa ang pinapanood ko.. kinuha ko ang remote at mabilis na binuksan ang T.V, pag upo ko ay nag uumipisa na ang palabas.. " Venus?" nabaling ang tingin ko sa tawag ni te loida sa akin.. "sa makalawang araw ay dadating na ang sundo mo dito at next month uuwi na si philipinas si Mr. marcos," wika nito sa akin nakatulala akong nakatingin lang dito. para kasing ayaw kong humiwalay na kay te loida, kahit na madalas akong pinag gagalitan nito ay maganda ang trato niya saakin. tumalikod na ito at mag tutungo na sana silid niya , ngunit bigla itong napatigil sa pag lalakad na ikinataka ko? "te loida bakit?" alalang tanong ko dito dahil parang namimilipit siya sa sakit na tinitiis lang niya?..hawak nito ang sikmura at nanlaki ang mata ko ng makita may nag aagusan ng dugo papalabas sa short niya.. " te loida dinudugo ka!," taranta akong nagtatakbo sa kanya ng tuluyan na itong matumba lalong nag kalat ang dugo sa sahig ng mahigaan na niya.. "kuya n***o! kuya!," sigaw ko dito puro bahid narin ng dugo ang kamay at paa ko ng pinipilit kong iangat si te loida.. mabilis na lumabas si kuya n***o sa silid. "Loida! anong nangyayari dito?! bat puro kayo dugo?," " hindi ko po alam basta nalang po siya dinudugo huhu,"Iyak kong sagot dito. nanginiginig akong nakatingin kay te loida dahil bigla itong namutla at nawalan na ng malay, agad itong binuhat ni kuya n***o at sa sobrang taranta ay muntikan pa siyang madulas sa dugo habang buhat si Te loida.. ** "venus?.." mahinang tawag at tapik ang nakapag pagising sa aking pag iidlip. dahan dahan ko iminulat ang aking mata at nakita kosi kuya n***o sa harapan ko. luminga ako sa paligid napagtanto ko nasa hospital ako at nakatulog sa pag aantay.. " naipasok na si te loida mo sa silid niya halika doon kana kumain?" aya sa akin nito na may dala plastick bag at naamoy ko ang letchong manok. pag pasok namin ng silid ay nakita ko si te loida na nakahiga at wala parin malay. " kamusta po siya kuya?," tanong ko dito namay pag aalala dahil hindi parin nababago ang pamumutla ng muka ni te loida huminga ng malalim ang kausap ko. " may tumor sa matress ang te loida mo at kinakailangan matangal yon dahil ung mismong bukol nayon ay namamaga na kaya siya dinugo kanina.." mahabang paliwanag sa akin nito medyo nalalabuan parin ako sa sinabi niya pero ang tanging alam ko lang malala ang sakit ni te loida.. " bakit hindi papo tangalin para hindi na hihirapan si te loida?," ulit kong tanong sa kanya umupo ito sa kalapit na mesa at pinakititigan ang pasyente namin.. "kung ganon lang sana kadali, kaso kinakailangan natin ng malaking pera para sa operasyon niya at bukod pa don napaka hirap hanapin ang type ng dugo ng te loida mo?," sagot ni Kuya n***o sa akin na pahilamos ito sa muka niya na tila namoroblema, nabaling muli ang tingin ko kay te loida at napabungtong hininga, ngayon ko naisip na kahit pala sa kalusugan mo ay kailangan ng pera .. " maligo kana dyan at magpalit ng damit pasensiya kana ah? damit ni te loida mo ang na bibit kong susuotin mo," paumanhin sa akin nito na papakamot pa ng ulo "ayos lang po damit naman po talaga niya ang sinusuot ko.." sagot ko dito ng inaabot sa akin ang supot nitong dala.. "Ikaw na muna ang mag bantay sa kanya, aalis na muna ako susubukan kong makaheram ng pera sa mga kasamahan ko," tumango ako dito bilang pag tugon inabutan ako ng pera ni kuya n***o bago ito umalis. pang gastos daw sa pangangailangan namin te loida.. kinaumagahan nasa harapan ako ng isang pamilihan ng gamot, hindi ako nahirapan mag hanap dahil nasa tapat lang yon ng hospital. inutusan ako ng isang nurse na bilhin ang mga gamot na nakasulat sa papel para daw yon kay te loida. nasungitan pa nga ako ng babaeng nurse nayon dahil sa dami ng tanong ko.. habang inaantay ko ang tindera para sa mga gamot na binili ko nilibot ko ang aking paningin sa loob ng tindahan inaaliw ko ang sarili sa mga nakahelerang gamot nasa paligid ng botika.. "Ehem.. hi?" isang tikhim ang narinig ko at naagaw pansin ang dalawang lalaki na parang kaedaran ko lamang. kunot noo akong naka tingin sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala pero mga naka ngiti.. nagtulakan pa itong mga nag si lapit sa akin.. " hi.. nakikita kasi kita doon sa hospital halos mag katabi lang kasi tayo ng Room ng Mom ko I'm alex?" Pagpapakilala sa akin ng lalaki napatingin ako sa pag lahad ng kamay niya at marahan konaman yon tinugunan.. "Venus ate ko ang naandyan sa hospital nayon?.." sagot ko sakanila na tinuturo ko pa ang building ng hospital.. "ako si josef?! hehe " agaw ng kasama niya sa kamay ko para makipag kamay din hinampas ito ng kasama niyang si alex? at pinilit ipabitaw ang kamay nito sa akin.. sa hospital ay nakakatuwaan kong kakwentuhan ang bagong kakilala kaibigan.. "venus? bukas nga pala uuwi na kami pwede? koba hingiin ang number mo?" tanong sa akin ni alex na parang nahihiya, napatahimik naman ako dahil may bago na naman sa pandinig ko ang hindi ko alam anong Number ang hinihingi niya sa akin? inabot nito sa akin ang cellphone niya na katulad ng ginagamit nila te loida at kuya n***o. nahihiya ako dito at pati sa mga taong nasa paligid ko dahil sa nakikitang kong reaction nila sa tuwing nagtataka ako sa mga tanong nila , pakiramdam ko napakadami ko talagang hindi alam sa simpleng bagay na meron sa labas ng palasyo namin.. napalunok ako at dahan dahan kinuha ang cp sa kanya muli akong napatingin dito para makita kong napansin niya ang itsura ko na walang alam sa numerong gusto niya? kaso ganon nalang ang pag tataka ko ng seryoso itong naka titig sa likuran ko.. "Who is he venus?" tanong nito na hindi nawawala ang tingin nito sa likod ko.. "ha?," Pagtatakang sagot ko dito. lumingon ako sa likuran ko para makita ang tinutukoy ni alex, bumungad agad sa akin ang malapad na dibdib nahahapitan ng polo shirt at bahagya kopang nasilayan ang buhok na meron don dahil sa iilan bitones na naka bukas.. unti unti kong inangat ang muka ko para makita ang nag mamay ari ng magandang katawan nayon? nabungo ko si alex dahil sa pabalikwas kong atras, nanlalaki ang mata kong nakatingin sa lalaking parang gustong manlapa para siyang tigre.. lalo pang tumalim ang tingin niya ng bigla akong hilahin ni alex at dinala sa likod niya.. "sino kayo?!," tanong nito na may pagka matigas "Toy?... kasama ko yang babaeng nasa likuran mo? wag muna subukan makeelam at masasaktan ka lamang," wika ni kuya n***o na nasalikuran naman ng lalaking tigre.. sa takot ko ay mabilis akong tumakbo papunta sa silid ni te loida..hindi ko na nilingon ang pag tawag ni alex sa akin.. " te loida! andyan na naman siya!," naiiyak kong tawag dito, sinusubukan ko siya gisingin narinig ko ang pag bukas ng pinto at nataranta akong umakyat sa higaan ni te loida nag sumiksik ako sa gilid niya.. "Ve-venus?! ano bang ginagawa mo baka mapano ang te loida mo dyan?," alalang sabi sa akin ni kuya n***o ng bigla itong mapalapit sa higaan namin.. "anong ginagawa niya dito kuya?.." utal kong paiyak na tanong sa kanya napatingin si Kuya n***o sa lalaking tigre nayon, na naka sandal lang sa pader at naka cross arm ito pero hindi parin nababago ang tingin niya sa akin na lalo ko naman ikinatakot para niya akong kakainin.. "when she will be taken?," seryosong tanong nito kay kuya negro.. " bukas napo Lord Larry yon kasi ang nasabi sa akin ni Loida nung huling pag uusap namin," tumango ang lalaking tigre sa kanya ng marinig ang sagot ni kuya n***o, kunot noo lang ako nababaling ng tingin sa kanila.. " return the money and tell them that woman is mine now?!" napa higpit ang kapit ko sa kumot ng marinig ko ang sinabi ng lalaking yon.. "kuya n***o ayoko ko pong sumama sa kanya dito lang ko kay te loida!," pakiusap ko sa kanila .. "Venus?.. kailangan mong sumama sa kanya para maoperahan ang te loida mo?ma-- mabait naman si Lord larry eh." naiilang pang sagot sakin ni kuya n***o at mas lalo ko siya hindi mapaniwalaan dahil sa sinabi niyang mabait ito, dahil kahit mismo siya hirap masambit yon sa taong yan?. "ayoko po!," todo pag iiling ko ng akma na akong lalapitan ni kuya n***o at ng isang kasama nito.. "Venus wag kana mag alala kay te loida mo ako ng bahala sa kanya? sige na wag ng matigas ang ulo mo.." " ayoko!," tumayo ako agad sa pag kakaupo at hinakbangan ang nakahigang si te loida. bumama ako sa kama at mabilis na tumakbo mapuntang pinto, bigla akong hinaklis sa braso ng lalaking tigre para pigilan ako.. "bitiwan mo ako ayoko sumama!" pag pupumilas ko sakanya na mahigpit ng hinawakan ang baywang ko.. " don't try to run away young lady! akala mo ba palagpasin ko ang ginawa mo sa ak! aw!!!," napikit ako sa lakas ng boses nito ng tinapakan ko ng mariin ang paa niya at alam kong masakit yon dahil may maliit na takong ang sapatos na suot ko. mabilis akong nag tungo sa pinto ngunit bago ako makarating doon ay may bigla nalang nag takip ng panyo sa bibig ko mula sa likuran at nakalanghap ako ng gamot na nakapag palihilo sa akin. unti unti nag dilim ang paningin ko pabagsak sa matigas na dibdib, naramdaman kopa ang pag lutang ko at nakita ang lalaking tigreng yon na buhat na ako bago ako mawalan ng malay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD