CHAPTER 4: And The Winner Is....

2775 Words
-=Annalise Marie’s Point of View=- "Hoy! Huwag na huwag ninyong kakalimutan na ilike ang post ni Annalise ah!" ang halos pasigaw na sinabi ni Carmela sa bawat nadadaanan at nakakasalubong namin na tao sa school. Parang pakiramdam ko ay tinalo ko pa ang tumatakbo sa student council sa ginagawa nitong pangangampanya para sa contest na sinalihan ko. Aaminin ko medyo nahihiya din ako lalo na at hindi naman ako sanay sa ganito, pero dahil sa kagustuhan kong manalo ay nilakasan ko na lang ang loob, at sobrang laki ng pasasalamat ko kay Carmela sa tulong at suporta na pinapakita nito sa akin, at manalo o matalo ay tatanawin kong malaking utang na loob ang tulong nito sa akin. Lunes ng umaga, sakto naman na wala ang Professor namin sa una naming klase kaya naman naisipan ni Carmela na samantalahin ang pagkakataon na iyon para mas makahanap ng mas maraming maglalike sa post ko na iyon sa f*******:. Actually, sobra akong natutuwa at natatouched sa mga patuloy na sumusuporta sa akin sa pagpindot ng like button sa post kong iyon at maliban pa doon ay sobrang dami na din ang nababasa kong comments bilang pagsuporta nila sa akin. Pangarap ng isang fan na makita nila ng personal ang kanilang iniidolo at isa na nga ako dito, kaya nga kahit hindi ako sanay ay lakas loob akong sumali sa pacontest na iyon. Hindi din naman maiiwasan na makabasa ako ng mga negative comments mula sa mga bashers online, sa totoo lang ay medyo masakit ang mga nabasa kong iyon, pero minabuti kong huwag na lang pansinin ang mga iyon, dahil kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang manalo, para personal na makapagpasalamat kay Treyton dahil sa mga movie nito ay nakahanap ako ng lakas para magpatuloy sa buhay at dahil dito ay hindi ako nawalan ng pag-asa. "Ano ba naman yan Annalise, baka naman puwede mo akong tulungan dito?" ang mataray na sinabi nito sa akin. Pinigilan ko naman na matawa ng makita ko ang nakataas na kilay ni Carmela habang nakatingin sa akin, hindi ko kasi namalayan na nag-space out na naman ako ng dahil sa pag-iisip kay Treyton. "Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko dito nang tuluyan ko ng ituon ang atensyon ko dito. "Well... natatandaan mo ba iyong naging kaibigan mo na isang cyber idol... iyong si.. ano nga bang pangalan ng taong iyon?" napapalatak nitong sinabi habang pilit na inaalala ang tinutukoy nitong cyber idol, mas lalo pa tuloy nagsalubong ang mga kilay nito sa ginawang pag-iisip. "Si Alodia Raymundo ba ang sinasabi mo?" tanong ko naman dito, bigla naman nagliwanag ang mukha nito ng sa wakas ay marinig ang pangalang binanggit ko. "Oo! Siya nga ang tinutukoy ko, imagine kung siya ang magpromote sa iyo ay siguradong madaming susuporta sa iyo sa dami ba naman ng follower ng taong iyon." nakangiti nitong bulong sa akin. "Sige susubukan ko siyang imessage mamaya, kaso matagal tagal na din kasi siyang hindi nag-oonline kaya hindi ako sigurado kung mababasa ba niya ang message ko." sagot ko naman dito, pero naisip ko naman na  wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko ngang imessage ito mamaya. Nagpatuloy si Carmela sa pangangampanya sa akin sa mga nakikita naming mga estudyante sa school, natigil lang iyon ng mag-bell na to signal the next class, kaya naman agad kaming naglakad papunta sa susunod naming klase. Agad kaming dumiretso sa usual na puwesto namin at matapos lang ang ilang minuto ay dumating na din ang Professor namin sa subject na iyon. Sinubukan ko namang ituon ang atensyon ko sa lecture ni Prof sa harap, ngunit kahit anong gawin ko ay maya't maya pa din sumasagi sa isip ko ang guwapong mukha ni Treyton, para pa ngang nanadya na naiimagine kong nakangiti ito sa sakin habang matiim itong nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Naiimagine ko pa na hinawakan nito ang kamay ko at mahigpit iyon nitong kinulong sa mga palad nito. Hindi na ako makapaghintay na makita ito, kapag magkita talaga kami nito ay hahawakan ko ito sa mukha nito, gusto ko lang kasing makasigurado kung totoo ba ito, kasi naman sobrang guwapo nito na para bang hindi na makatotohanan ang itsura nito, at matapos kong masigurado kung totoo nga ba ito ay titingin lang ako sa mapupungay nitong mga mata. "Ms. Santiago." Pagkatapos kong hawakan ang makinis nitong mukha at habang nakatingin ako sa mapupungay nitong mga mata ay magpapasalamat ako dito,. magpapasalamat ako dito, dahil dito ay nagkaroon ako ng inspirasyon na magpatuloy sa mga bagay at problemang dumaan sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko. "Ms. Santiago!"  Tapos matapos kong magpasalamat dito ay... ngunit biglang naputol ang pag-iimagine kong iyon ng halos mabingi ako sa lakas ng pagtawag sa pangalan ko at saka lang ako natauhan na napatingin sa galit na galit na mukha ng Professor namin na tuluyan na palang nakalapit sa akin. Mukha kasing kanina pa ako nito tinatawag at dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko narinig iyon at hindi ko namalayan na tuluyan na itong lumapit sa akin ng hindi pa din ito nakakakuha ng reaksyon mula sa akin. "Ms. Annalise Marie Santiago! You dare to daydream in my class, while I'm discussing in front of the class?! Get out of my class!" galit na galit na sigaw ng Professor namin na si Professor Castro. Hiyang hiya naman ako ng maglakad ako palabas ng kuwarto, pakiramdam ko nga ay sobrang pulang pula ang mukha ko ng mga oras na iyon, sandali naman kaming nagkatinginan ni Carmela ng mapadaan ako sa kinauupuan nito. Napapailing lang ito habang nakatingin sa akin, at kitang kita ko sa mga mata nito na mukhang may hinala ito sa iniisip ko kanina. Matapos tuluyang makalabas ng classroom ay minabuti kong dumiretso na lang muna sa library na nasa loob mismo ng school, doon na din akong nagpasyang hintayin si Carmela, sakto naman dahil after ng klase namin kay Professor Castro ay lunch break na din naman. Imbes na tumunganga na lang ako doon ay minabuti ko na lang na magcomputer na lang doon. May access naman sa internet ang mga computer na naroon. Agad akong dumiretso sa nagbabantay sa mga computer at nagsurrender ng I.D. dito at matapos nga noon ay pumuwesto na ako sa bakanteng computer. Nang maka-log in ay agad akong nagsigned in sa f*******: account ko para tignan post ko para sa contest, bigla naman gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ko ng makita kong nadagdagan ang dami ng naglikes sa video ko na iyon, mukhang malaking tulong talaga ang pangangampanya ni Carmela sa buong school kanina. "Sana nga ay magkita talaga tayo Treyton." piping hiling ko habang nakatingin sa larawan nito na nakita ko sa isa sa mga comments ng video ko. Habang tinititigan ko ang larawan ni Treyton ay para bang mas lalo itong gumuguwapo sa paningin ko, meron talaga atang ganoon na sobrang guwapo na at habang tumatagal ang pagtingin mo ay mas lalo itong gumuguwapo sa paningin mo. Hindi ko na sigurado kung gaano ako katagal sa pagbabasa ng mga comments sa video ko at makailang beses na din akong nagrefresh ng page para makita ang pagbabago sa mga likes sa video ko. "Siraulo ka talaga Annalise!" natigil lang ako sa pagbabasa kong iyon ng laking gulat kong narinig ang sinabing iyon ni Carmela. Wala kasing kaabog abog na lumapit ito sa akin at agad na tumabi sa kinauupuan ko, may kalakasan ang boses nito kaya naman agad itong pinagalitan at pinagsabihan ng librarian.  "Sorry po." paghingi nito nang paumanhin habang nakapeace signed, at matapos nga noon ay agad nitong binalik ang tingin nito sa akin. Naniningkit ang mga mata nito habang diretsong nakatingin sa akin, sandali naman napadako ang tingin nito sa computer screen at ganoon na lang ang frustration na gumuhit sa maganda nitong mukhang ng makita ang page na tinitignan ko. "Naku talaga Annalise Marie, hindi ko ba alam kung tama ba na kinukunsinti kita sa kabaliwan mo na iyan sa Treyton na iyon?" napapailing nitong sinabi, hindi ko naman maiwasang maguluhan kung bakit nito iyon nasabi. "Bakit mo naman nasabi yan Carmela?" nakakunot noong tanong ko dito, alam naman kasi nito kung ano ang epekto ni Treyton sa akin, at kung paano ako nito binibigyan ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay, na kahit na nga ba mahirap ang buhay namin ay nagkaroon ako ng pag-asa na mababago ko at mapagbubuti ko ang buhay namin ng pamilya ko. "Don't get me wrong Annalise, alam ko naman na malaking inspirasyon ang taong iyon sa iyo, pero kasi dapat sigurong gisingin kita mula sa ilusyon na binuo mo kay Treyton, alam nama natin na artista siya at hindi niya totoong pagkatao ang pinapakita niya sa mga movie na pinagbidahan niya." naiiling naman nitong paliwanag. Minabuti kong maglog off na sa computer ng marinig ang sinabing iyon ni Carmela, inaasahan siguro nito na maiinis ako sa sinabi nito, ngunit kabaliktaran ang naging epekto nito sa akin, dahi mas lalo kong nararamdaman ang concern nito sa akin. "Maraming salamat Carmela, naiitindihan ko naman na concern ka lang sa akin, pero hayaan mo na lang ako, dahil alam mo naman na si Treyton na lang ang nagpapasaya sa akin, maliban sayo at sa pamilya ko." nakangiti kong sinabi dito habang diretsong nakatitig sa mga mata ng best friend ko. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang namalayan ko na lang na dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw kung saan ko malalaman ang resulta ng naturang contest kung saan maari kong makita at makadate ang taong iniidolo ko. Kaya naman maaga pa lang ay maaga na akong nagising para lang icheck ng pinost kong video, sa mga nakalipas na mga araw ay patuloy lang kami ni Carmela sa pangangampanya , kahit nga mga hindi ko kilala sa f*******: ay inadd ko na din at nirequest na ilike ang video post ko na iyon. Sinubukan ko ding imessage ang tinutukoy ni Carmela na cybel idol na si Alodia Raymundo, ngunit sa kasamaang palad ay mukhang hindi na talaga ito nag-oonline at hindi na ito nag-aacces sa kahit na anong social account nito, na para bang bigla na lang itong naglahong parang bula, at wala kahit sa sinumang followers nito ang nakakaalam kung anong nangyari dito. "Wow ha, ang aga natin ah." narinig kong sinabi ni Carmela, agad ko naman itong nilingon at nakita kong nakahiga pa din ito sa kama nito at base sa pagkakahiga nito ay mukhang wala pa talaga itong balak na bumangon. "Siyempre naman, sabi nga nila, daig ng maagap ang masupag." nakangiting sagot ko dito, agad ko naman binalik ang tingin ko sa pagtingin sa number of likes sa video. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang banayad na paghinga ni Carmela at nang muli ko itong nilingon ay nalaman kong muli pala itong nakatulog. Muli naman akong nagpatuloy sa ginagawa ko, naging abala na ako sa pagpopost ng video link ko sa mga sinalihan kong group page, patuloy ako sa paghingi ng suporta sa mga taong hindi ko kilala ng dahil sa kagustuhan kong manalo sa contest na iyon at ng personal ko ng makita si Treyton. Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil sobrang katuon ang atensyon ko sa ginagawa kong iyon, hindi ko na din namalayan na wala na pala si Carmela at tuluyan na itong gumising. Nagulat na lang ako ng maramdaman ang kamay ni Carmela sa balikat ko at nang tanungin ko ito ng oras ay saka ko lang nalaman na eleve thirty na pala ng umaga at ilang sandali lang ay magsisimula na ang noontime show kung saan iaannnounce ang nanalo sa contest na iyon. "Mamaya na yan Annalise, kain na muna tayo, hindi ka pa din naman nag-almusal." nakangiting aya nito sa akin, agad naman akong sumang-ayon dito at matapos na ilogged off ang f*******: account ko ay sumunod na ako dito papunta sa kusina. Naabutan ko naman si Tita Carmen na abala sa paghahanda ng pagkain namin, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya lalo na at hindi ko man lang ito natulungan sa pagluluto. "Sorry po Tita kung hindi ko kayo natulungan." hinging paumanhin ko dito ng tuluyan na kaming makalapit dito. "Wala iyon Annalise, huwag mo ng isipin alam ko naman na excited ka lang talaga, and by the way good luck mamaya." nakangiting sinabi ni Tita Carmen, sobrang bait talaga nito, kaya masuwerte si Carmela na naging nanay nito si Tita Carmen. Sobra kasi nitong supportive hindi lang sa akin, kung hindi lalong lalo na sa anak nito. "Bakit anong meron?" narinig kong tanong ni Tito Arnaldo ng makapasok na ito sa kusina, narinig siguro nito ang sinabi ng asawa. "Ito kasing si Annalise sumali doon sa pacontest sa TV, at mamaya maya nga ay iaannounce na kung sino ang nanalo, at malakas ang kutob ko na siya ang mananalo."nakangiting sagot nito sa asawa, bahagya pa itong tumingin sa akin at kitang kita ko ang pagsuporta sa mga mata nito ng mapatingin ako dito. "Ahhh... ganoon ba, good luck na lang kung gaano. Ano bang premyo?" curious na tanong ni Tito. Hindi ko naman napigilan ang pag-iinit ng makabila kong mga pisngi sa tanong nito, hindi ko kasi maiwasang mag-alala na baka isipin ni Tito na sobrang babaw ng kaligayan ko, na sumali ako sa isang contest para lang makadate at makita ang iniidolo kong si Treyton Ocampo. "Ang premyo po sa contest ay ang makadate si Treyton Ocampo iyong sikat na artista." si Carmela na ang sumagot sa tanong na iyon ni Tito, napansin siguro nito ang pagkailang ko sa tanong ng Daddy nito. "Ahhh iyon ba? Naku Annalise huwag ka nang mahiya sa akin, alam mo ba noong magnobyo pa lang kami ni Carmen ay patay na patay din siya sa Gabby at Sharon loveteam, pero alam ko naman na mas naadik siya kay Gabby Concepcion." ang natatawang kuwento nito sa akin. Masaya na din sumali sa usapan si Tita Carmen na inaalala noong mga panahon na nagfan girl din ito sa isang artista na katula dko. Nagpatuloy ang masasayang pagkukuwentuhan namin tungkol sa panahong magboyfriend palang sila habang patuloy naming pinagsasaluha ang niluto ni Tita. Nang matapos kumain ay nagpresinta na akong maghugas ng pinagkainan namin, ngunit tinaboy naman ako ni Carmela at sinabihan akong dumiretso na sa sala, kung nasaan ang TV. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa nalalapit na announcement sa nanalo sa contest, malakas ang kutob ko na pangalan ko ang babanggitin bilang winner, feeling ko naman ay malakas ako kay Bro. Ilang commercials pa ang pinalabas sa TV at matapos ang commercial break ay wakas ay nakita ko na ang nakangiting mukha ni Treyton sa TV screen. "I'm so excited to know, kung sino ba ang mapalad nating winner na makakadate ko next Saturday, ikaw na ba iyon?" nakangiting tanong ni Treyton. "Oo... ako nga iyon." para naman akong siraulong napasagot sa sinabi nito, habang patuloy na nakatingin sa maamong mukha ni Treyton, sigurado ako na kung gaano kaangelic ang mukha nito ay ganoon din sigurado ang ugali at personality nito. Sandali muna nitong binuksan ang envelop na inabot dito, ilang segundo din binasa nito ang nakasulat doon. Pakiramdam ko nga ay kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko habang hinihintay na muli itong magsalita. "Congratulations to our lucky contestant na si..." sinadya pa nitong binitin ang sasabihin nito habang pinaglipat lipat ang tingin sa envelop at sa camera. "Congratulations to... Angeline Robles ng Golden City Cavite!" malakas nitong sinabi. Bigla namang nanglaki ang ulo ko at pakiramdam ko ay para bang gumuho ang pag-asa ko ng ibang pangalan ang narinig kong nanalo sa contest para sa programang iyon. Ni hindi ko na nga napansin ng pinatay na pala ni Carmela ang TV. "Ok ka lang ba Annalise?" nag-aalalang tanong ni Carmela sa akin habang hawak ang balikat ko, at nang tignan ko ito ay kitang kita ko ang simpatya sa mukha nito. Alam na alam kasi nito kung gaano katindi ang kagustuhan kong manalo sa contest na iyon. "Oo naman no, may iba pa namang pagkakataon para makita ko si Treyton." sagot ko dito, pinilit kong ngumiti para ipakita dito na hindi big deal sa akin kung hindi man ako nanalo, pero base sa reaksyon sa mukha ni Carmela ay mukhang hindi ko ito naloko na hindi totoong wala lang sa akin ang pagkatalo kong iyon, dahil ang totoo ay sobrang sama ng loob ko na hindi ko na makikita pa si Treyton ng personal, na hindi ako makakapagpasalamat dito. Hindi na ito nagsalita pa at basta na lang ako nitong niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD