CHAPTER 20

2532 Words
HUMIKAB ako habang naglalakad papunta sa gate namin. Nagising kasi ako dahil sa narinig kong tunog doorbell mula sa gate. Ang aga pa. Mukhang around six pa lang ng umaga ngayon. Nang makarating sa gate ay binuksan ko naman iyon. Bumungad naman sa akin si Mom—kasama ang Dad ni Katie. "Nagising ka ba namin? Si Katie?" bungad na tanong ni Mom. "Nasa kwarto niya, tulog pa yata," sagot ko naman. "May nagpapabigay pala ng box na 'to. Babae siya at saka maganda. Tinanong ko kung kaibigan mo ba, ang sabi ay kakilala lang daw." Inabot naman sa akin ni Mom ang isang may kaliitang itim na box. Kinuha ko namaj agad iyon. "Thanks..." sabi ko saka tumalikod at naglakad papasok ng bahay—pabalik sa kwarto ko. Nang makapasok sa kwarto ay umupo ako sa kama at tiningnan ang hawak kong box. May papel na nakadikit sa itaas nito. Kinuha ko naman iyon at napagtantong sulat iyon. "I just wanted you to have this. Let's see each other in the future," pagbasa ko sa nakasulat. Nakita ko naman ang pangalan ni Tiffany sa ibabang bahagi ng papel. Galing sa kanya? Bakit niya naman ako bibigya ng regalo? Binuksan ko naman ang box at bumungad sa akin ang isang napakagandang bracelet. "A sterling butterfly silver bracelet..." bulong ko. Bakit niya naisipan na bigyan ako? Hindi naman siguro dahil sa nakokonsensiya siya sa ginawa niya sa akin? Bakit nga ba? "Mary, bumaba ka. Nasa baba si Jasper, hinahanap ka dahil may sasabihin daw," rinig kong sabi ni Mom mula sa labas ng pinto. Ang aga naman yata? Saka wala naman siyang sinabi na pupuntahan niya ako rito sa bahay. Tumayo naman ako saka naglakad palabas ng kwarto. Nakasuot pa rin ako ng pajama sana puting sando pero ayos lang, desente pa rin naman ang suot ko. "May problema ba?" tanong ko nang makita si Jasper na nakaupo sa may sofa namin. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa katapat na sofa na inuupuan ni Jasper saka tiningnan siya. "Napagod ka ba?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Nandito lang ba siya para itanong 'yon? "Hindi naman. Nakapagpahinga na ako e. Ano ba ang problema?" "Iniba kasi ang schedule ng activities na magaganap sa main campus. Akala ko ay next month pa iyon o sa susunod pa na mga araw pero sa Monday na raw iyon gaganapin," sabi naman ni Jasper. Napasandal naman ako sa sofa dahil sa sinabi niya. "Sunod-sunod yata ang mga gawain natin ngayon," bulong ko. Hindi na naman bago sa akin ang mahihirap na tasks o nakakapagod na tasks pero sunod-sunod? Hindi talaga iyon masaya. "Alam mo naman na malapit na ang graduation. Gusto ng mga staff ng school na makatapos tayo ng mas maraming tasks para maging motivated ang susunod na papalit sa posisyon natin," paliwanag naman ni Jasper. Oo nga pala, malapit na nga ang graduation. Wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko after graduation. Plano namin ni Dad noon na pupunta kami sa Paris at doon titira. Maraming opportunity roon lalo na't demand and course ko roon. "Monday? You mean bukas? Sunday na ngayon e. Ano ba ang detalye?" tanong ko. Hindi pa niya yata ako nabibigyan ng details sa magaganap na event. "We'll assist the representatives in our school. Tayong dalawa ang guide nila samatanalang 'yong ibang members naman ang bahala sa mga gagamitin ng representatives. Masasali rin sila sa pagtulong para maayos ang decorations and organization ng event tomorrow. Dapat nandoon na tayo sa main campus by seven in the morning," mahabang sagot ni Jasper. "Ang aga naman? Halos isang oras 'yong biyahe papunta roon, 'di ba?" Tumango naman siya. "That's why I'm here. Sinusundo kita at sa bahay ka namin muna matutulog. You've always wanted to visit our home in pagadian, right?" Hindi naman ako nakapagsalita. Yes, I wanted visit their house sa pagadian... dati. "Mom already fixed everything especially your room. She was excited to see you again," dagdag niya. That's right. Ang rason kung bakit medyo ayoko na pumunta sa bahay nila ay dahil sa Mom niya. Mabait naman si Tita Lesley, sobrang bait niya talaga. Last time I remember, we talked about Jasper. She wanted me to be her daughter-in-law. Wala akong nasabi noon pero she expected me na hindi ako tatanggi. Hindi naman sa ayoko kay Jasper o mapili ako. It's just... I treated him as my older brother and I won't take any action that would ruin our relationship. Kapatid din ang turing niya sa akin, sana maintindihan iyon ni Tita Lesley. "Yeah. Kailan ba ang alis?" tanging sabi ko. "May pupuntahan lang ako saglit then I'll be back after lunch para sunduin ka. Was that okay with you?" Tumango naman ako. Tumayo naman siya at nagpaalam na. Napabuntong hininga naman ako bago tumayo at bumalik sa kwarto ko. "WELCOME, Mary!" masayang bati ng Mom ni Jasper sa akin nang makalabas ako ng kotse ni Jasper. "Thank you, Tita," sabi ko naman. Niyakap niya ako at niyakap ko naman siya pabalik. Ilang sandali lang ay kumawala rin siya sa pagkakayakap. "Come. Feel at home, Mary. Huwag kang mahiya rito," sabi ni Tita at naunang naglakad papasok sa magara nilang mansiyon. As what I have expected, malaki nga ang bahay nila. May kulay puti itong pintura sa labas. May mga nakikita rin akong parking area sa gilid at mga halaman sa paligid. Ang laki nga talaga ng bahay nila. Sa bahay nila sa tukuran lang kasi ako nakapunta at mukhang hindi iyon nangangalahati sa bahay nila rito. "Manang, iakyat mo ang gamit ni Mary. Samahan mo ma rin siya sa kwarto niya," utos ni Tita sa isang maid. May maid pa sila? "Magkuwentuhan tayo mamaya. May tatapusin lang ako. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna dahil maaga pa naman para sa hapunan. Sige na. Jasper, samahan mo na lang din siya sa magiging kwarto niya." "Maraming salamat po, Tita," magalang na sabi ko. "You don't have to thank me, okay? Now, rest well, iha." Tumango naman ako at sinundan na ang maid nang mauna na itong maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsabay ni Jasper sa akin sa paglalakad. "Hindi ka ba kumportable kay Mom?" tanong ni Jasper. "Hindi naman. Medyo nahihiya lang ako. Ang tagal kong hindi nagparamdam kahit ilang beses mo na akong inimbitahan na kausapin ng Mom mo," sagot ko naman. "Huwag mo nang isipin 'yon. Naiintindihan ka naman ni Mom. Let's just forget those, ang importante ay ang ngayon." Nang makarating sa ikalawang palapag ng bahay nila ay namangha naman ako sa ganda ng mga decorations sa paligid. Huminto naman ako sa isang kwarto nang huminto ang maid at binuksan ang pinto roon. Pumasok siya sa loob dala ang maleta ko na may lamang gamit ko. "Ito ang magiging kwarto mo. As what have my Mom said, just feel at home. Tawagin mo ako if may kailangan ka, I won't go anywhere," sabi ni Jasper. "Salamat," may ngiting sabi at tiningnan siya. "No worries." "Ma'am, nasa loob na po ang gamit niyo. Maiwan ko muna kayo," sabi ng maid. "Salamat, Manang," sabi naman ni Jasper. Umalis na rin ang maid na mukhang nasa 50's na yata ang edad niya. "Maiiwan na rin kita, Mary. Pahinga ka muna." Tumango naman ako sa sinabi ni Jasper. Nang makaalis siya ay pumasok naman ako sa kwarto. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at namangha dahil sa kalinisan nito. Halos kulay puti lahat ng pintura sa paligid at naayon naman ito sa kalinisan ng loob at labas ng bahay. Umupo ako sa kama at sobrang lambot nito. Nakarating na ako rito sa bahay ni Jasper. Ano na naman kaya ang mangyayari sa pamamalagi ko rito? Bukas na ang punta namin sa main campus at nasisiguro ko na dadating rin ang iba pang student council members bukas... siguro. NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Angel. Anong oras na ba? Seven na ng gabi? Nakatulog pala ako. "Hello?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag. "Mary! Nabalitaan ko ang next task na gagawin niyo, sayang at hindi kami kasali," sabi ni Angel sa kabilang linya. Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga sa kama. "May sasabihin ka ba tungkol kay Nicole?" tanong ko sabay hikab. "Tama! Muntik ko nang makalimutan. Actually, masaya talaga kasama si Nicole. Pasensiya ka na at hindi kita masyadong nasamahan noon sa beach. Nag-enjoy lang kasi ako—" Pinutol ko naman ang sasabihin niya. "Naiintindihan ko 'yon, Angel. Masaya ako at may nakasundo ka na naman." "Well, totoo 'yan kaya lang... may problema." Napakunot naman ang noo ko, "Problema? Anong problema?" tanong ko. "Kinukulit ako ng kapatid ni Nicole! Remember him? Miguel? Hindi niya ako nilulubaya!" Bakas sa boses niya ang pagkainis. "And so? Ayaw mo no'n magkakalovelife ka na? Mukhang ayos naman 'yon, mukha nga lang babaero," sabi ko naman. "Kaya nga! Mahahalata mo talaga sa mukha e! Lalo na sa mga banat niya na punong-puno ng kakornihan." "Just let him. Bigyan mo ng chance, malay mo 'di ba?" "Binubugaw mo na ba ako? Talaga ba, Mary?" Napailing-iling naman ako. "Alam ko naman na kahit anong sabihin ko, kung ano pa rin ang gusto mo ang gagawin mo. Susuportahan naman kita, Angel. Kaya mo 'yan." "Pinagtitripan mo yata ako—" "Angel! Mamaya na 'yan at kakain na tayo," rinig kong sabi ng Mama niya. "Sige, Mary. I'll call you back. Ingat!" Pinatay rin niya ang tawag. Na-meet ko na ang Mama ni Angel at welcome na welcome rin ako sa kanila. Hindi nga lang ako madalas sa kanila dahil mas madalas ako na tambay sa amin. Katamtaman din naman ang bahay nila Angel at hindi naman sila ganoon kahirap—sakto lang. "Ma'am? Bumaba na po kayo dahil handa na po ang hapunan", rinig kong sabi ng kung sino sa labas ng pinto ng kwarto. Baka isa sa mga maid? "Sige, susunod na ako," sabi ko naman. Iniwan ko naman ang cellphone ko sa kama saka tumayo at nalakad palabas ng kwarto. Nang makalabas ay nalakad ako paounta sa may hagdan. Nang marating ang hagdanan ay may naaninag naman ako sa unahan na terrace. Naglakad ako papunta roon at unti-unti namang bumungad sa akin ang view ng city. Sobrang ganda ng lights na nakikita ko sa madilim na gabi sa labas. Nakarinig ako ng mga yapak sa likuran ko kaya napalingon ako roon. Hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang unti-unting pag-init ng pisngi ko. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa gulat at biglaang pangyayari. S-she slapped me—it was Ryne. "P-Para saan 'yon?" halos pabulong na tanong ko. "Malalam mo rin kung para saan iyon," sagot naman niya. "You were Chase's girlfriend, right?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Hindi iyon totoo," may diin na sabi ko. "I know. Jasper told me that." Nakita ko naman siyang tumalikod at humakbang palayo sa akin. Huminto siya at saka nilingon ako. "Hindi rin iyon ang rason kung bakit kita sinampal. You'll figure it out soon. Wala ako sa lugar para magsabi pero kapag nalaman mo na ang rason sa sampal na iyon, let's talk again." Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at may bahid pa rin ng pagkagulat dahil sa nangyari. Wala akong ideya sa sinasabi ni Ryne. Napahawak naman ako sa mukha ko. Ang sakit niyang manampal. Halata sa sampal niya ang galit lalo na sa pananalita niya kanina. Ano ba ang nagawa ko? Wala naman akong maalala na may ginawa akong ikagagalit niya? "I'M grateful that you're finally okay, Mary. Mabuti at nagkita ulit tayo," sabi ni Tita—Mom ni Jasper. Nasa terrace kami dahil gusto niya raw akong makausap. Kakatapos lang namin maghapunan. Si Jasper naman ay kausap ang Dad niya. Si Ryne ay sumabay sa amin maghapunan, tahimik lang siya hanggang sa matapos kaming kumain. Umalis siya at hindi ko na naaninag dito sa loob ng bahay. "Thank you for understanding, Tita," sabi ko naman. "No worries. About nga pala sa napag-usapan natin noon..." Sinasabi ko na nga ba. Ayoko na pag-usapan ang bagay na iyon. Ayokong tumanggi dahil masasaktan ko si Tita pero ayaw ko rin pumayag dahil ayokong masira ang kung ano man ang mayro'n sa amin ni Jasper ngayon. "...kalimutan mo na 'yon. Hindi naman kita pinipilit dati. At saka ayos na ako na nandiyan ka sa tabi ni Jasper palagi. You knew that whenever he's with you, he became active and inspired," dagdag na sabi ni Tita. Naikuwento nga ni Tita noon sa akin na wala naman balak si Jasper na sumali sa student council. Nang makilala niya ako noong first years college pa lang kami ay napagdesisyunan ni Jasper na sumali dahil sasali rin ako bilang vice president. Luckily, nakapasok kaming dalawa kaya sobrang saya ni Tita noon. She always told me that I have change Jasper a lot. Hindi ko naman inisip ang sinabi ni Tita na iyon dahil para sa akin, ang ipinapakita ni Jasper na ugali sa akin ay natural na iyon. I didn't change him dahil kung nagbago man siya... iyon ay dahil desisyon niya na magbago. "Wala po bang napupusuan si Jasper? Hindi na rin niya kasi ako kinikuwentuhan, Tita." "Actually, feeling ko mayro'n e. Tanungin mo kaya? Last time I asked me, he didn't answer. Baka sumagot siya sa 'yo. Pagkatapos ay sabihan mo ako. Wala pa kasi siyang napapakilala na ibang babae sa akin bukod sa 'yo at sa ibang members ng student council. Ikaw pa rin ang palagi niyang bukambibig." "Sige, Tita. Tatanungin ko siya," may ngiting sabi ko. "I'm so excited! Hindi na kasi siya nagiging open sa akin simula noong hindi mo siya pinapansin, but no worries—since you're both okay now, masayang-masaya talaga ako. Please be with him, Mary. As long as kaya mo... please be with him." Tiningnan ko naman si Tita. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Kahit gabi na ay may sapat na ilaw rito sa terrace kaya naman kitang-kita ako ang ekspresiyon sa mukha ni Tita Lesley. She seems... begging. "I will, Tita. But also, please... sabihan niyo ako kung may problema man—" Hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko nang makitang umiiyak siya. "M-May problema po ba? May nasabi ba akong mali?" parang natataranta kong tanong. A moment after, I felt her warm hug. "N-Naiiyak ako sa saya... hindi ko alam kung alam mo ba 'to o paniniwalaan mo ba pero... you've really done a lot to Jasper. I'm so glad dahil nakilala ka niya. Please be patient with my son, Mary..." bulong ni Tita Lesley sa akin. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik. "Marami rin na nagawa si Jasper sa akin, Tita. Don't worry... hindi ko hahayaan na mawala ang kung ano man ang mayro'n kami ni Jasper ngayon. He was precious to and you could always count on be to be on his side whenever he needs me," bulong ko naman. Naramdaman ko naman ang paghikbi ni Tita Lesley sa balikat ko. "Thank you so much, Mary," halos pabulong na sabi niya. No, Tita... thanks to your son—he was always there whenever I needed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD