CHAPTER 50 Pauwi na kami galing sa venue. Hindi na ako sumakay doon sa kotse ni Anton. Patago na lang akong pumasok sa kotse ni Limuel, kahit na galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang awayin sa loob! Bwisit talaga! Alam kong nananadya siya eh! Gusto niya lang talagang malaman kung may epekto ba sa akin ang paglapit ng ibang babae sa kaniya. Oo, matagal na. Pero kung matagal na sana niyang inamin na kapatid niya lang si Talia ay baka matagal ko nang inamin ang nararamdaman ko. Baka matagal na kaming mag-jowa. Naging tahimik ako buong byahe. Panay ang tingin sa akin ni Limuel at panay ang pigil ng tawa. I know that he knew already, bago pa kami lumarga ay nakita ko na magkausap ang dalawang magkapatid. Naghintay pa ako ng oras kung kailan malapit na kami sa bahay para kausapin siya. "Bak

