Episode 13

1103 Words
Chuchay POV, Lumipas na nga ang araw buwan, nabalitaan kung kinasal si Christian kay Syra. Pinukos ko ang sarili ko sa trabaho, pinasok kasi ako ni Ali, sa panahian nila. Hindi na mahirap ang trabaho ko sa panahian dahil kilala ko na lahat nang nagtatrabaho doon, sobrang saya ni Ate Vicky, ng malaman niya na makakasama niya ko sa panahian. Hanggang sa nakilala ang pangalan ko sa buong kompanya nila Ali, dahil sa disenyo ko sa mga damit. Kahit hindi ako nakapagtapos ng high school , ay kinuha parin ako ni Ali, bilang secretary niya. Unti-unti rin nagbago ang mga pananamit ko, at sinanay ko na rin ang sarili ko na laging may maskarang make up sa mukha para maitago ang lungkot ng nakaraan ko. Palihim parin akong pumupunta sa bahay nila Christian, at palihim rin akong pinapasok ni Manang Flor. Kaya nakakasama ko ang anak kung si Cristine, at naaalagaan. Kailangan ko munang tiisin ang ganung set-up samin ng anak ko, dahil sa birth ng anak ko legal niyang ina si Syra. Natatakot ako na baka itakas ko ang anak ko, magkakaroon pa ulit ng dahilan si Syra, na ikulong ako at ilayo ng tuluyan sakin ang anak ko. Alam ko balang araw, mababawi ko rin ng legal ang anak ko. Hanggang sa lumipas na nga ang isang taon. Third Person"s POV, "Sisiguraduhin ko mamayang gabi, maangkin ko si Christian at makatabi sa pag tulog," bulong ni Syra sa sarili. Simula kasi ng ikasal sila ni kahit isang daliri ni Christian, ay di humahawak sa kanya. Lagi kasi siya nitong iniiwasan na para bang may nakakahawang sakit. Sinuot niya ang pinakasexy na pantulog manipis na kita na ang likuran ng puwet sa sobrang sexy at sa harap na halos luwa na ang dibdib nito. Pumasok siya ng room ni Christian, ngunit nasa banyo pa ang asawa kaya nahiga na lang muna siya na mapang akit na pose. Paglabas ni Christian, sa banyo na towel lang ang nakatakip sa baba nito, ay nagulat siyang makita si Syra na nasa kama niya nakahiga. "Syra, anong ginagawa mo dito? labas!" sigaw niya. Pero nag bingi-bingihan lang si Syra at patuloy ang mapang akit nitong pose. Kaya lumapit si Christian, at hinila braso niya para palabasin. Pero biglang yumakap si Syra, sa kanya. "Christian, kahit ngayong gabi lang pansinin mo naman ako, isang taon ka ng ganito. Asawa mo ko." Nang marinig iyun ni Christian, ay dali-dali niya kinuha ang kamay ni Syra at malakas na itinulak at napabagsak ito ng upo sa kama. "Asawa mo lang ako sa papel Syra, pero hinding-hindi kita mamahalin," sabi nito at agad hinila ulit ang kamay ni Syra palabas ng kuwarto niya at pabagsak na isinirado ang pinto. Sa sobrang inis ni Syra, ay agad siyang bumalik ng kuwarto niya at nagbihis ng panglakad. Pagsakay niya sa kotse ay pinaharurot agad ito. Pumasok si Syra, sa isang mamahaling bar, at uminom. Mga isang oras ang lumipas ay dumating si Bryan. Bigla itong hinalikan si Syra. "Your late!" bungad na sabi ni Syra kay Bryan. "Pagpasensyahan muna ko, nag tatampo nga ako sayo eh, naaalala mo lang ako pag stress ka sa asawa mo. Bakit di na lang kayo maghiwalay nandito naman ako, handa kang paligayahin," sabi ni Bryan, habang hinahawakan sa hita si Syra. Si Bryan ang dalawang buwan ng karelasyon ni Syra. Si Bryan ang nagbibigay ng pangangailangang kaligayahan ni Syra, na di maibigay ni Christian sa kanya kahit anong gawin niya. Mahal niya si Christian, kaya tinitiis niya na lamang ito. Ring.. ring.. tunog ng phone ni Chuchay at agad naman niyang sinagot. "Ma'am, nandito po ngayon sa isang bar si Syra may kasamang lalaki," bungad na sabi nito kay Chuchay. "Mabuti kung ganun, sundan mo lang, tawagan mo na lang ako ulit pag may bagong balita kana," tugon niya at agad na ini off ang phone. Umaga araw ng bisita ni Chuchay, sa anak niyang si Cristine, nasabihan na siya ng maaga nila Manang Flor, na pareho daw wala sila ngayon ni Syra at Christian. Kaya pagkapasok niya ng bahay ay kita niya na sinasamahan ni Manang Flor, maglakad si Cristine. Pagkakita ni Cristine, sa kanya ay agad itong tumakbo, agad naman itong binuhat ni Chuchay. "Mimi..!" sabi ni Cristine. Mimi ang pinapasanay niyang itawag sa kanya ni Cristine, para di ito mahalata ni Syra, o Christian, kung sino ang binabanggit na mimi ni Cristine. Nilalaro niya si Cristine sa room nito. Nang humihingal na tumakbong lumapit si Ate inday. "Chuchay, magtago ka dali, si bruhang Syra bumalik." Kaya mabilis siyang kumilos at nagtago sa isang malaking kabinet, sinabihan niya si Ate inday, na kunin si Cristine, baka kasi lumapit ito sa pinagtataguan niya. Maya-maya ay rinig nga ni Chuchay, ang boses ni Syra, na may kausap sa phone. "Puwede ba Bryan, sundin mo nalang ang sinasabi ko, hindi ako puwedeng makipag kita sayo ngayon busy ako sa paghahanda sa nalalapit kong birthday." saad nito sa kausap at umalis ulit ng kuwarto. Ilang minuto lang ay pumasok na ulit si Ate inday. "Chuchay, labas kana diyan, umalis na ulit si bruhang Syra, may naiwan lang kaya bumalik." wika nito kaya lumabas na siya sa pnagtataguan Hapon na ng mag paalam na siyang umuwi. "Manang flor, kayo na po ulit ang bahala kay Cristine, uuwi na po ako baka uuwi na si Christian," tugon niya kay Manang Flor. "Ok, ok, wag kang mag alala Chuchay, kay Cristine, kami na bahala ni ate inday mo kay little princess mo," ngiting sabi ni Manang flor. Marahan namang tumango si Chuchay, hinalikan niya muna si Cristine, bago tuluyan umalis. "Itapon niyo lahat ng basura na yan!" sigaw ni Syra. Gulat naman si Christian, ng marinig ang sigaw ni Syra, nang nasa pinto pa siya. Agad siyang umakyat para tingnan kung anong ginagawa ni Syra. Pero nakita niya sa malaking plastic bag ng basura ang white dress na binili niya para kay Chuchay, na matagal niyang itinago sa cabinet niya. "Syra! anong ginagawa mo?!" sigaw ni Christian. "Tinatapon ang mga basura," agad namang sabat ni Syra. "Wag mo pakialaman ang mga gamit ko." "Gamit? Gamit lang yan ng pesteng Chuchay na yun,na di mawala-wala sa buhay mo!" sigaw nito. Dahil sa sinabi ni Syra, ay agad siyang sinakal ni Christian. "Wag na wag mong matawag tawag na piste si Chuchay, dahil ikaw ang piste sa buhay ko." "Bi-bi-tawan mo ko Christian, nasasaktan ako," nauutal na sabi ni Syra. Agad naman na binitawan ni Christian, si Syra, at iniwang habol sa hininga dahil sa ginawa ni Christian.Pero pilit parin itong sumigaw. "Kahit kailan, hinding-hindi na magiging kayo ni Chuchay!" sigaw ni Syra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD