Isinalya ni Unoh ang kapatid na tuloy tuloy niyang kinaladkad palabas sa kanilang silid na mag asawa. Muntik na itong sumubsob sa sahig. "What the f**k Dhoz?!Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Napangisi lang ito at tumayo mula sa sahig. At ano'ng gusto mo?Ikaw lang ang makinabang?" Nalukot yong mukha ni Unoh. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?Malamang asawa ko siya!" Nagsisimula na siyang mawalan ng pasensya sa kaharap.Hindi niya alam na darating ang araw na pagtatalunan nila ito.Pumitik na rin ang katiting na pagtitimpi mula kay Dhoz at huli na ng mamalayan niyang malakas siya nitong sinapak. "Asawa ko rin siya!Ako ang nagpakasal sa kanya!I have all the f*****g rights!" Pinunasan ni Unoh ang dumugong labi gamit ang kaniyang braso at nanlilisik ang matang binalingan ang kapatid.

