"Akala ko hindi niyo na ako pagbubuksan," nakangiwing bungad ni Ate Shaina. "When was the last time I visited here? Hindi ko na maalala," dagdag niya habang inililibot ang tingin sa palagid. "And you!" turo niya sa akin. "Po?" takang tanong ko. Paano napunta sa akin? Hindi ko nga alam na pupunta siya ngayon dito. Wala namang nasabi sa akin si Nazz. "A-Ako?" "Oo, ikaw! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo dati na huwag mong ipapasagad sa kanya? Ano? Napunit? Namaga?" panenermon niya na mas lalo kong ipinagtaka. Wala akong idea sa sinasabi niya unless—nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Tara na nang ma-check ko kung anong lagay at baka nawasak na 'yan." Napaang ang bibig ko at naiwang nakatulala. Hindi naman ako 'yong may kailangan sa

