Pinilig ko ang ulo para titigan ang mukha niya, tinatantiya kung ano bang magiging reaksyon niya sa magiging sagot ko rito. Tinapunan niya ako ng tingin ngunit mabilis din inilipat ang mata sa unahan. Eyes can't lie. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya para itanong ‘to. Alam kong pinagseselosan niya si Theo dahil sa nangyari noon. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo. “Kapag ba sinabi kong oo, magaglit ka?” “Hindi naman. Hindi naman ako nagseselos.” Bumalanghit ako ng tawa sa naging sagot niya. He sounds so defensive. Hindi ko naman tinanong kung nagseselos siya, bwisit. Salubong ang kilay niyang tumingin sa'kin. “Why are laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” umigting ang panga niya at nanliit ang mata. “I'm not jealous, Avisha.” Mas lalong lumakas ang tawa ko. “Ta

