Kabanata 25

2207 Words

"Mommy, are you okay?" napatingin ako sa anak ko. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at kumandong sa akin. "May problema po ba? Pinagalitan ka po ba ni nanay? Si auntie? It's okay mommy, nandito naman po ako. I'll comfort you." Niyakap niya ako. Huminga ako ng malalim at niyakap din ito pabalik. Mukhang napansin niya na kanina pa ako tulala at wala sa sarili. Nagpaalam sa'kin si Nazz na may pupuntahan sandali kaya kami na lang dito ni Nazaria. No'ng umalis siya, kinausap din ako ni nanay at tita. I was quiet the whole time habang pinagsasabihan at senisermonan nila ako. No'ng una akala ko hindi ako papansinin ni Tita Nadia dahil sa nagawa ko sa kanya pero mukhang hindi naman niya dinibdib. Tingkol naman kay nanay, she just gave me advice not to do that again lalo't may bata sa bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD