"Hey, are you okay?" pakinig kong tanong ni Natalie sa'kin na nasa likuran ko. Marahan niyang tinapik ang balikat bago pumantay sa'kin. "Alam mo ba kung anong mas ikinakabahala ko ngayon? Iyong makita ng anak niyo na may kasamang ibang babae ang daddy niya. Surely, magtatanong 'yon." Mas lalong dinaga ng kaba ang dibdib ko. Natatakot ako sa puwedeng maramdaman ng anak ko. Escape with my child—that's the only plan forming in my head. Pero paano ko gagawin 'yon? Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit hindi ko mahanap ang anak ko, si Tita Nadia at si Sir Nahari. I don't feel like I belong here. I want to go home. Para akong sinasàksak sa puso sa nakikita ko. It felt like the pressure was so intense that it felt my body was being squeezed from all sides. "Gusto mo bang umalis? Puwede kit

