Paul’s POV Nagtaka ako nang bigla niyang tanggalin ang pagkaka-akbay ko sa kanya. “Ano na naman ba boy turon? Parang nagtanong lang.” Umangat ang sulok ng labi ko sa inis. “Suntukin mo’ko,” napamaang ang bibig ko sinabi niya. Nababaliw na ba siya? “Punch me, Paul. Lakasan mo.” Seryosong sabi pa niya. Nasabunutan ko ang sariling buhok. Masisiraan na ata ako ng bait sa lalaking ‘to. Sa tagal naming magkasama, ngayon pa lang siya nagrequest sa akin na suntukin ko siya kaya hindi ko maiwasang magulat. Ako palagi ‘yong punching bag niya, kami ni Haru, which is bonding namin ‘yon na magkakaibigan. Walang samaan ng loob dahil nakakasunt0k din naman ako at natututo. “May ubo ba utak mo ngayon? Bakit ko gagawin ‘yon? Tapos ano? Susuntukin mo’ko pabalik—” “Susuntukin mo’ko o—” hindi ko na siy

