l It’s your smile your face and lips that I miss Those sweet little eyes that stare at me And make me say I”m with you through all the way Cause it”s you Who fills the emptiness in me It changes everything, you see When I know I”ve got you with me Naibato ni RJay ang basong may lamang alak pagkarinig ng awit na iyon. Sumasabay pa sa sintemyento niya. Isang malaking kalokohan ang umasang mahal siya ng mahal niya. Lahat ay pawang kasinungalingan lang pala! Buong puso niya ay inalay sa babaeng iniibig ngunit pakiramdam niya hindi na niya ito lubos na kilala noong huli nilang pagkikita. Durog na durog siya sa pinagdadaanan niya ngayon. Ilang linggo na siyang nagkukulong sa silid. Pinipilit na makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman. Gusto na niyang basagin ang stereo na “yun ng

