At Bernards Restaurant "Hey, untag ni Bernard kay RJay habang nakatulala sa kawalan. A penny for your thoughts?" Dagdag pa nito. Halatang malalim ang iniisip. "I just dont know how to start,"walang buhay na sabi ni RJay. Napabuntong hininga na lang si Bernard. "Dude, nung una gustong gusto mo siya mahanap at makita. Andiyan na siya, ang lapit sayo. Dont waste the opportunity." "Tama ka Bro. I need to do something." Determinado nitong tugon sabay nagmamadaling tumayo at tinungo ang sasakyan. Bumusina na lamang ito hudyat na paalis na. At Annas Place… Araw ng Sabado. Maagang nagtungo si Rosemarie sa bahay ng kaibigang si Anna. Malapit na ang Midterm Exam nila kung kayat busy sa paggawa ng mg presentation at pagrereview ang magkaibigan. "Bessy, paano na ang part-time job mo niyan eh t

