Nagkaroon ng isang kasiyahan ang pamilyang Romualdez sa araw ng pagdating ng kanilang anak upang mag-aral pang muli sa America. Dumalo ang mga kaibigang malalapit sa kanila kasama ng kani-kanilang pamilya. Ginanap ito sa isang high class na hotel sa San Francisco. Ang lahat ay nakasuot ng pormal at ang lahat ng mga panauhin ay pawang into business world. Pumasok ng sabay sabay ang pamilyang Saavedra na naging takaw-atensyon sa mga naroroon. Kilalang kilala ang Saavedra Motors Corporation globally kaya naman madalas silang inaanyayahan ng mga kapwa business experts sa mga okasyon. Bukod kasi sa Saavedra Motors Corporation, meron din silang food manufacturing business na pinamamahalaan naman ng ama ni RJay sa America. Naging abala agad ang mag-asawang Saavedra ng batiin sila ng kapwa bisita.

