PILIT tinatawagan ni Bernard si RJay. Hindi siya mapakali sa ikinilos ni Lucas kung kaya’t minarapat niyang paimbestigahan ang may-ari ng kotseng sinakyan ng lalaki. Matapos niyang malaman ang mga detalye, may kakaiba siyang naramdaman. Panganib. Halos naka-20 beses na siya sa kaka-dial ng numero ng kaibigan ngunit out of reach area ito. “s**t, RJay sagutin mo!” Naibagsak niya ang mobile phone sa mesa at saka napaupo na lamang sa swivel chair. “NANDITO na tayo Lucas!”masayang sigaw ni Allysa ng makarating sa isang bakanteng lugar sa lugar. Ilang mga lalaki ang sumalubong sa kanila sa gate bago tuluyang makapasok sa loob. Lahat ay mapapansing may mga sukbit na baril sa tagiliran. “Bakit dito?”tanong niya habang tinitingnang mabuti ang buong paligid. “Idiot!”tumawa ng malakas ang babae.

