PINAGHALONG galit at sakit ang nararamdaman ni Allysa ngayon. Excited pa naman siya na dumalo sa SGC 40th anniversary na mismong si RJay ang nag-imbita sa kanya. Lalapit na sana siya sa lalaki ngunit umakyat na ito sa papuntang stage. Lalo siyang nanggalaiti sa galit ng magpropose din ito doon kay Rosemarie. Mabilis siyang lumabas. Ayaw na niyang makita pa ang susunod na mangyayari. Ngunit bago pa man siya tuluyang makasakay ng kanyang kotse ay natanaw niya sa di kalayuan ang isang pamilyar na tao. Lumapit siya dito. “Hey! Nandito ka rin pala. I thought ako lang ang nakasaksi ng naganap sa loob.”nakapamaywang na sabi ng babae. “Please leave me alone.” “Oh, are you trying to say that you are a loser?” “Ano”ng sinabi mo?”hinawakan siya nito sa leeg. “Ah! Bitawan mo nga ako!”marahas siy

