PABALIK na sila ng Maynila kinabukasan. Si Bernard ay nasa van na ng mga staff dahil pupunta pa ang magsing-irog sa tinitirhang bahay ni Rosemarie sa Batangas. Nakabunot sa kanila ang isang sasakyan. Nandoon ang mga bodygurads na 24 oras na nagbabantay kay RJay. Delikado na kasi ang panahon sa ngayon. Marami ang nagkakainteres sa kompanya nila. Kahit na pansamantalang pinamamahalaan ng kanyang kapatid ang business nila sa America, patuloy niya pa ring sinu-supervise ito. Ang mga parents naman niya ay nanatili lamang sa kanilang mansion sa San Francisco. Doon ay puno rin ng mga bodyguards sa paligid. Ang aksidenteng tinamo ng kanyang ama ay napag-alaman nilang sinadya at patuloy na nagtatago ang culprit. “Babe, parang ang daming bodyguards na laging nagbabantay sayo.”sabi ni Rosemarie hab

