Alas kuwatro pa lang ng umaga ay gising na si Rosemarie. Kailangan niyang makarating ng maaga sa opisina upang hindi siya maging tampulan ng pansin sa mga empleyado doon. Balak niyang huwag na magpasundo para maiwasan na rin magtanong pa ang kanyang ina na dumating na galing pa ng probinsya kasama ang mga kapatid. Inaayos na niya ang mga gamit ng mapansing bumangon ang anak na si Kurt. Madalas itong biglang nagigising kapag nawawala siya sa higaan. “Mommy, are you going out again?” Pupungas-pungas na sabi ng anak. “Oh my baby Kurt, nagising ba kita?” Lumapit siya dito at kinarga. “Mommy,are you going to work na?”tanong ulit nito. “Yes my baby. Mommy will go to work so please behave here ha? Mamita will take care of you,” aniya. “Okay Mommy but please take care ha?” Napangiti siya pag

