Kabanata 79 Umaga pa lang ay naglilinis na kami ni Caden sa labas ng bahay. Kakatapos lang naming magwalis at ngayon naman ay inaayos na namin ang mga tanim na bulaklak. “We need to make sure everything’s clean,” nakangiting sabi niya habang buhat-buhat ang malalaking paso. “…and in order,” dagdag niya at inilapag ito sa direksyong sinabi ko. “Pagkatapos nating mag-ayos ng mga bulaklak, magbunot naman tayo ng dàmo sa bermuda grass para malinis tingnan,” sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng mga lupa ang ilang paso. “Got it.” Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. Sinabihan niya akong kailangan naming maglinis ng bahay dahil may mga bisita raw siyang darating. Bisita nila ni Hayden, to be exact. “Ang aga-aga, ang ingay n’yo,” saway sa amin ni Hayden na sumili

