Kabanata 76

2112 Words

Kabanata 76 “Lalaine…” Naalimpungatan ako sa malumanay na boses ni Caden. Pagbuka ng mga mata ko ay sinalubong niya ako ng matamis na ngiti. “Bakit?” Bumangon ako mula sa pagkakaunan sa hita niya. Pumikit-pikit pa ako dahil mahapdi pa ang aking mga mata. “Gising na si Tita Marissa,” sabi niya sa akin kaya agad akong napatingin sa direksyon ni Mama at nakita siyang inaasikaso na ng mga nurse. Tumayo na ako at agad siyang nilapitan. Nanamlay pa rin ang mga mata niya, pero nang mapalingon siya sa gawi ko ay kita ko kung paano gumuhit ang lungkot door. Napaatras ako. Bigla akong natakot na baka lumala na naman ang kalagayan niya dahil sa akin. Marahil ay iniisip niya na magtatanong ako agad tungkol sa rebelasyong nalaman ko kanina. Pero matapos kong magmuni-muni ay napagdesisyunan kong i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD