Anna POV Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Art na nakaupo sa kama kung saan ako nakahiga na nakatakilid patalikod sa kanya.Nakaramdam ako ng konsensya sa aking ginawa.Ramdam ko na nasasaktan ito.Pero nagmatigas talaga ako at pumikit na,inaantok na rin ako.Naramdaman ko nalang na dinampian ako ng magaang halik sa noo at kinumutan,bago ako tuluyang nakatulog. Naalimpungatan ako,nakaramdam ako ng uhaw,pagtingin sa orasan na nakakabit sa dingding ng aking kwarto ay ala una na ng madaling araw.Lumabas ako ng aking kwarto at pumanaog ng hagdan para kukuha ng tubig sa kusina pero nabigla ako ng makita si Art na natutulog sa sofa na nakabaluktot. Sira ata ang ulo ng taong ito,bakit dito natulog,marami namang bakanteng kwarto sa taas.Maktol ko sa aking sarili. Pumunta muna ako sa kus

