Anna POV
Habang naglilinis ako sa likod-bahay naulinigan ko ang mga halakhak sa may pool.
Oi Anna,ihatid mo nga itong meryenda sa may pool please,naiihi na talaga ako.Sabi ni ate Leni sa akin.
Sige po ate,ako na ang bahala jan.Sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang tray na hawak nya at agad na nagtungo sa may pool.
Hindi ako magkaundagaga kung saan ako titingin,merong apat na lalaki sa pool na puro mga gwapo,parang Greek God sa kagwapuhan.Kasama na doon si sir Art.
Binilisan ko nalang ang aking lakad,pagdating ko sa mesa sa may pool may narinig pa akong sipol.Hindi ko nalang yon inintindi,pero nabigla ako ng may nagsalita sa aking likod.
Hi Miss,what's your name?Tanong nito sa akin.By the way I'm Adrian,sabay lahad ng kamay.Tinanggap ko naman yon,sobrang sama naman ng ugali ko kung hindi ko ito tanggapin diba?
Anna po sir,sabay shakehands.
Sige po sir mauna na po ako,nahihiyang ngiti ko rito.
Bago ako tumalikod naramdaman kong may mga matang nakakatitig sa akin,nang lingunin ko iyon,nanlilisik na mata ni sir Art.
Nanginig ako pagkakita ko kung paano nya ako tingnan,kulang nalang patayin nya ako,nagmadali akong naglakad pabalik sa likod bahay.
Narinig ko pa ang Sabi ni Adrian bago ako umalis na "see you soon Miss".
Pagdating ko sa kusina para uminom ng tubig dahil para akong mahimatay sa kaba.
Oh Anong nangyari sayo Anna?
Halos tumalon ako sa gulat ng nagtanong si ate Leni.
Wala Naman po ate,nauuhaw lang ako,pagsisinungaling ko sa kanya.
Tumango naman ito at hindi na nagtanong pa ulit.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Pinagpatuloy ko nalang ang naiwan kong ginagawa sa likod-bahay kanina na naantala dahil sa ipinahtid ni ate Leni na meryenda sa pool.
Binaliwala ko nalang ang nangyari,baka ganun lang talaga kung makatingin ang amo naming binata.
Nang bandang hapon na,tahimik lang akong tumungo sa kusina,nakita ko na Doon si nanay Inday preparing some rekados para sa iluluto para sa hapunan. Nakitulong nalang akong maghiwa ng mga ingredients.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos akong maghiwa,Hindi rin naman ako tinanong ng Kung ano-ano ni nanay Inday.
Pagkatapos nilinis ko na ang dining table
at naglagay na ng mga plato,rinig ko pa rin ang ingay ng tawanan sa May pool.
Naalala ko tuloy ang mga gwapong lalaki na nasa pool,ang mga hubad nitong katawan pang itaas,pinamulahan ako ng mukha sa aking naalala.
Nakakahiya ka Anna,ano ba yang iniisip mo?piping kastigo ko sa aking sarili.
Binilisan ko pa ang aking paglagay ng mga plato sa dining table ng may biglang nagsalita sa aking likod.
Hey!your Anna right?Ang masayang mukha ni Adrian ang nakita ko ng lumingon ako sa aking likuran.
Yes po sir,may kailangan po ba kayo?Magalang ko namang tanong rito habang nakayuko.
Just call me Adrian,Anna.nakangiti parin ito ng tumingala ako.
Pero sir....
No buts Anna,besides I'm not your boss here, pwede naman tayong maging--...naputol ang sasabihin sana ni Adrian ng may baritonong tinig ang nagsalita.
What are you doing here? Did you flirt to a maid?!sarcastic na sabi nito pero nakatingin sa akin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
Hey!!easy dude,tinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang sinasabi na suko na ako.
"FLIRT" rinig kong sabi ni sir Art pero d ko nalang iyon pinansin.Nagmamadali akong lumabas sa dining area.