Anna POV Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakalabas ako ng building,wala akong pakialam sa paligid,Ang alam ko lang ay ang sakit-sakit ng aking nadarama ngayon. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagtakbo bigla nalang tumunog ang aking cellphone.Nakita kong ang numero sa Bmbahay namin ang tumatawag.Para akong binagsakan lalo ng sinagot ko ang tawag,nanghina akong umupo habang umiiyak,hindi ako makapaniwala sa aking narinig buhat sa kabilang linya.Binalita sa akin na inatake ang aking ina at namatay. Naramdaman ko nalang na biglang bumuhos ang ulan,parang nakidalamhati pa ito sa aking naramdaman.Nasa kalagitnaan parin ako ng ulan,hindi ko alintana ang lamig ng ulan,ang alam ko lang ang sakit ng sinapit ko ngayong araw.Ano ang nagawa kong kasalanan bakit ganito ang nangyari sa akin?N

