Anna POV Kinabukasan,nagpahinga lang kami,nagbonding kami buong pamilya.Sinulit ang isa't-isa.Nagkwentuhan,nagtatawanan. Naikwento na rin sa aking ni lola na bukas ay ipapakilala na nya ako sa buong Mundo.Na ako ang nag-iisang tagapagmana sa buong business ng Madrigal. Kinakabahan ako,dito pa naman sa mansyon gaganapin ang party.Welcome arty na rin daw.Pinabayaan ko nalang kung ano ng gusto ng aking lola. Kinagabihan,pagkatapos ko maglinis ng aking katawan,nakatulala akong tumingin sa puting kisame.Hindi pa ako handang makilala ng buong mundo.Paano kong madismaya ko lang sila?Kaya ko kaya?Paano kung magkita kami ulit?Paano kung malaman nya na may anak pala kami?Magagalit kaya sya?Mapapatawad nya kaya ako?Magagalit kaya sa akin ang aking anak?Ang daming tanong na gumugulo sa aking isip.

