Art POV Nang pumasok si Anna sa conference room kasama ang kanyang abuela ay napatanga ako sa kagandahan nito.Napakaprofessional na nito at wala na ang kainosentihan nito dati.Napako lang ang aking paningin sa kanya.Hanggang natapos ang meeting ang mata ko ay nasa kanya lang.Ang sakit lang isipin na wala na syang naramdaman sa akin,baliwala na lang sa kanya ang presensya ko sa kanya.Pero pinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat to win her back. Nagkausap narin kami ni Donya Madrigal sa plano kong makuha ulit ang pagmamahal ni Anna.Pero hindi ko naman sya manadaliin.Alam kong galit pa ito sa akin sa nangyari noon.Pero hindi ako susuko dito.Ngayon pa na nakita ko na ito. Laking tuwa ko na ako ang pinasama kay Anna sa pag-ikot sa buong departamento para ipakilala ang bagong CEO

