III

1314 Words
Warning level : SFW "That looks good." Napangiti si Buds sa hitsura nang plating na gawa. Hindi na masama. Mukha namang makakain yon. Nagbunga rin yung online cooking class na pinag-enrollan. This pandemic is taking a toll on him. Not financially though, marami naman siyang investments nung kasikatan niya. Ni hindi pa nga niya nagagalaw ang lahat ng properties at pera na naiwan sa kanya. Ang problema dahil natigil nang matagal sa bahay, kung ano-ano nang ginagawa niya. Boredom is killing him. Buti pa si Steve at Jonson may pamilya na pinagkakaabalahan. Si Dex, vlogging naman kasama na fiance nito. Sa mga ka-banda niya, siya nalang ang natirang single kaya siya ang naiwang mag-isa. Wala tuloy siyang kasama. "Boss, ang dami yata. Pang isang barangay na." Ngumiwi siya sa P.A. niya. Medyo tama naman ito. Punong-puno na yung lamesa ng pagkain. Minsan lang siyang magkaroon ng kasama doon kaya masyado siyang nawili sa kusina. "Kulang nga yung lechon, Dong." Aniya. "Wala ka ba talagang nakuha?" "Sensya na boss. Wala eh. Pang handaan na yon." Huminga nalang siya nang malalim. Mukha ngang mahihirapan talagang makakuha dito si Dodong. Samantalang noong nasa Cebu siya parang normal na putahe lang yon. "Sige. Pwede na to. Pakiayos nalang ng lamesa." Sabi niya. Mabilis naman. itong sumunod. "Swerte talaga ni Doktora sa sayo, Boss." Sambit Dodong. Natawa siya. Ang lakas talagang mambola. "Oo na. Kunin mo mamaya yung pang grocery mo. Na kina Tina na." "Di naman yon boss." Sabi nito. Pero ngingiti-ngiti parin doon sa nasabi niya. They need it. He made sure lahat ng nagtratrabaho sa kanya maayos ang lagay kahit may pandemya. Pati hospital bills kapag nagkakasakit siya na rin ang sumasagot. "Naka-move-on ka na kasi talaga kay Maam Carrie niyan. Nakakatuwa din naman na magkamukha sila si Maam Rose. Kaya lang di ba magpinsan sila? Ok lang ba yon?" "Bawiin ko bonus mo gusto mo? Dami mong sinasabi ah." "Wag naman boss. Biro lang naman eh." Natatawang sambit nito. Huminga lang siya nang malalim. It's been over a year nang magpakasal si Carrie. Sa tingin niya tama naman na nagpaubaya siya. Masaya naman ito kasama na nung asawa. Andoon parin ang what ifs. Kung sana talaga pinaglaban niya. Kung sana gumawa na siya nang paraan. Wala naman siyang magagawa dahil hindi naman siya yung pinili. "Tumawag po pala kanina si Manager Joy. Pinapaalala yung guesting niyo." Sabi ni Dodong. Tumango siya. Mabuti at may trabaho parin. Yung iba wala na talaga. "I know. Next week pa naman yon. Tatawagan ko nalang siya mamaya." "Oh my god. I'm so f*cking late!" Nadinig na niya ang mga nagmamadaling takong na pababa. Heto na naman ang normal mode. "Buds!" Napailing siya nang makita si Rose pagbaba ng hagdan. Basa pa ang buhok at wala pang bahid ng makeup. Mukhang nagmamadali nga. "Breakfast?" "Kailangan ko nang umalis. My god! Yung mga pasyente manganganak na. Bakit naman kasi naisipan pang magsibuo ngayong pandemic!" Napapanic na sambit nito. "I have to be there agad!" "Off mo." "You know my job, Buds. Walang off-off ngayon." Huminga siya nang malalim. Sabi na nga ba. Masasayang na naman ang prinipera niyang almusal. Buti at handa na siya. "I prepared you lunch. Baunin mo nalang." Sabi niya dito. "I have no time for that...I...wait you did what? Lunch?" Sabi nito nang makita ang dalawang malaking lunchbox na nasa lamesa. Parang nagliwanag ang mukha nito. He always knew her weakness. He grinned. Kaya nga siya nag-aral magluto. "Sure! Thank god! Wala pa akong sweldo!" Sambit ni Rose. Agad din yong binitbit ang lunch box niya. Ngumiti siya at bumaling kay Dodong. "Ihatid mo. Gamitin mo yung pula." "Yes Boss." "That's a lambo! Papasakayin mo 'ko doon?!" "And why not? Pina-carwash ko yung puti kagabi, diba? Saka nagmamadali ka diba?" Sabi niya. "Dong alam mo gagawin mo hanggang checkpoint. May frontliner kang kasama. Ako na bahala sa pagbalik." Umirap lang si Rose. "Fine. hanggang kanto lang, doon sa di nila makikita," sabi nito. "You know na bawal mag-display ng wealth ngayon, ma-bash pa ako." Ngumiti siya. Di talaga ma-esplika ang takbo ng utak nito. ”Kung anong gusto mo." Ngumisi ito sa kanya. "Alright. Call you some other time then?" Tumango lang siya dito. "Yep." Lumabas na nang pinto si Rose pero nakasunod parin siya nang tingin. She's really something, huh? Parang walang nangyari kagabi. "Boss, alis kami." Tumango siya. "Ingat." "Ingatan si Maam Rose? Sure po." "Yung kotse ko, Dong. Walang gasgas dapat yan." Tatawa-tatawa naman si Dodong na lumabas. Akala yata biro yon. Mas kailangan pa yatang mag-ingat nito. Rose can take care of herself. Alam niya ang kaya nitong gawin. It's been years since he discovered that. Hanggang ngayon hindi niya talaga akalain. Oo nga't medyo magaslaw talagang gumalaw ang babaeng yon kahit nung mga bata pa sila, hindi naman niya inaasahang magiging trabaho nito. It was on Las Vegas, pinatapon siya lugar na yon ng mga magulang noong nabubuhay pa dahil sa mga kalokohan niya. Naghahanap siya ng babae noon para maparausan sa gabing yon. He never expected to see Rose at a stripclub, dancing on a pole on the stage half naked. Ang alam ng lahat ay nurse ito noon sa Hawaii. But she was there. And she was so damn beautiful that night. Palihim niyang sinundan niya ito nang kunin nang isang customer para sa VIP room. Doon niya nakita ang lahat. Nakita niya kung pano paputukan ng baril na may silencer ni Rose ang tatlong lalaking nandoon na walang abog. Patay lahat. Muntik na rin siyang mabaril, buti at nakilala siya. Binaba lang nito ang baril at ngumiti. "For old times' sake, Salvador. Leave." "But...you killed them..you..." "Like..hello? It's my job kaya. So leave before I kill you din." Natawa pa siya tuwing naalala niya yon. Sa kabila nang lahat parang kaswal lang dito ang lahat. Kaswal lang na tumapos ng buhay. Napauwi siya sa Pilipinas nang di oras. Natakot din siya dahil baka may banta na rin sa buhay niya dahil sa insidenteng yon. Tatlong malalaking druglords ang pinatay noon ni Rose. Isa siyang witness. Ayaw man ang pamilya, mas importante parin sa mga yon ang kaligtasan niya. Hindi naman niya inaasahang umuwi rin si Rose. And he felt something was different. At parang siya lang ang nakapansin sa pagbabagong yon. Hindi lang niya gaanong maalala kung paano sila nag-umpisa sa ibang klaseng relasyon nila. It was just one drunken night. She said she wanted to be tied down. Punished. She actually begged. He had no choice but to oblige. Hindi lang niya alam kung kailan matatapos iyon. O kung papaano. Alam niyang di naman sila magtatagal sa ganoong sitwasyon. Natatakot siyang maging mag-isa. "Ay, Badong. Ba't andami na naman nito?" Sambit ni Manang Trining. Hindi niya napansin ang pagdating nito sa bahay sa lalim ng pag-iisip niya. "Itong batang to, aksayado." Natawa siya. Matagal na ito sa kanila pero lagi nalang itong nagugulat sa mga pinaggagawa. "Ang daming nagugutom ngayon." Sabi nito sabay lapag ng bag sa counter. Inalis na rin nito ang mask at faceshield. Nakuskos na rin ng alcohol sa kamay. Minsan sa isang linggo si Manang Trining kung dumalaw sa bahay niya para maglinis. Mabuti na yon. Baka maeskandalo sa ingay nila ni Rose. "Manang, sa inyo nalang. Pa-pack nalang kapag may natirang pagkain tapos pakipamigay uli sa mga tao labas. Sayang walang lechon." Ngumiti si Manang sa kanya. "Alam ko na yan. Nalulungkot ka naman." Sabi nito. "Di ka naman nag-iisa. Andito naman kami. Di magugustuhan ng Senyora kung magmumukmok ka lagi." He just remembered. Fourth death anniversary na nang mga magulang at ng Lola niya sa isang buwan. They died on a car accident noong nasisimula palang siyang tumino. Sayang at nito nakita ang mga nagawa niya. "Ba't di ka nalang uli bumalik sa Cebu. Buhay pa naman Lola mo doon." Sabi nito. "Matatahimik ka na doon." Ngumiti siya. "In time, Manang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD