X

1108 Words
Nagmamadaling naglakad si Rose sa loob ng hallway ng hospital. Sinigurado niyang nakaayos ang mask at faceshield na suot. Naabutan niya si Carlito na naglalakad paikot-ikot sa harap nang malaking pinto. Agad naman itong lumingon nang mapansing papalapit na siya. Nasa operating room na ang asawa nito. Emergency C-section, thirty-two weeks. Siya dapat ang nagpapaanak pero dahil sa nangyari, napaaga ang labor. Hindi rin siya umabot dahil malayo pa ang pinanggalingan niya. "Osang." Tawag ni Carlito sa kanya. Duguan pa ang damit. May benda ang kamay, mukhang natamaan din pero hindi naman mukhang malala. "Anong nangyari?" "Hindi ko alam. Basta nalang may nagpaputok sa bahay, sa likod siya tinamaan." Sagot nito. "Buti nandoon si Tyang Salen. Siya na rin ang nasa loob." Huminga siya nang malalim. Mabuti naman. She's in good hands. Her Aunt was one of the best doctors here. "May mga pulis na dito kanina. Umalis lang uli. Hindi ko alam kung babalik pa." Tumango siya. Mukhang kailangan pa nito ng dagdag na bantay. "Si Carrie, nakakita din ng umaaligid sa kanila. Buti hindi nakalusot doon sa security nila Leo." I see now. Kaya nagmamadali si Buds. Pati rin pala si Carrie nasali na. Hindi naman niya akalaing ganito kalala ang emergency na yon. "Ang mga Inay?" Tanong niya. "Asa bahay. Hindi sila nadamay dahil nanoon ang mga Tsong. Hindi sila magagalaw don. Bawal din sila dito kaya ako lang." Sagot ni Carlito. Halata sa mga mata nito ang sobrang pagod at pag-aalala. "Hindi ko alam kung bakit nangyayari to. Mga demonyo mga yon. Kapag may nangyari sa asawa at sa anak ko, di ko sila sasantuhin." "Itong, please. Titingnan ko kung anong magagawa ko--" "Xavier?" Napalingon si Carlito sa likod niya. Nakunot pa ang noo. "Bakit siya nandito?" What? Lumingon din siya at nakita niya nga si Xavier na nakatayo ilang dipa sa kanila. Nakasuot ng itim na mask at nakapamulsa. "Hey, long time, no see." Agad na sumugod si Carlito dito. "Putangina ka!" Sigaw nito sabay kwelyo kay Xaiver. Malakas pa itong isinandal sa pader ng hospital. "Bakit ka nandito, ha?! May kinalaman ka sa nangyari, ano?! Magsalita ka!" Naalerto ang ilang nurses na nandoon. Mukhang nagtawag na din ng security. "Itong, kumalma ka. Nasa ospital tayo." "W-why me? Ask Rose." Sambit naman ni Xaiver. Shit. Siya talaga ang tinuro. "Itong, please." Aniya. Agad naman nitong binitawan si Xaiver at humarap sa kanya. "Rosaria anong ibig sabihin nito? Bumalik ka na naman ba dati?" Umiwas lang siya nang tingin. "I'm sorry." "Tangina, nakakagago kayo!" Sambit ni Carlito. Napasuklay ang ito ng buhok. "Osang alam mong may problema sa puso ang asawa ko. Buntis pa yon. Ikaw ang doktor. Wag niyo naman kaming idamay sa mga kalokohan niyo. Kaya hindi ako sumama sa System dahil gusto ko ng tahimik na buhay. Wag niyo naman kaming guluhin." "I..." Hindi na siya makapagsalita. Totoo ang sinabi nito, si Carlito dapat ang papasok sa System noon at hindi siya. Pero hindi ito pumayag kaya siya ang ipinasok ni General, ng Tyuhin nila. Kung sana tumanggi din siya noon. "It was my former handler, Itong." Sabi niya dito. Nakita niyang kumunot ang noo nito. Yung galit sa mga mata napalitan uli ng pag-aalala. "Lucas? Yung Lucas?" He knew what she'd been through. He's one of the few people that knew what happened to her. Kasa-kasama niya ito sa rehabilitation noon. She was even under Carlito's care sa psychiatric ward. Walang nakakalam na ibang kapamilya nila. Ang alam ng lahat, magkatrabaho din sila ni Itong sa hospital na yon. "Panong nakatakas yon?" "We're working on it, Carlito. A terrorist organization was behind him. We added security around here. No one will be hurt again, I promise." Sabi ni Xavier. There's a tone of seriousness in his voice. Mukhang totoo ang sinasabi nito. A terrorist organization then? Hindi niya akalaing papatulan din ni Lucas yun. Ang alam niya sa drug cartels ito nakadikit Bumukas ang pinto sa likuran nila. Lumabas doob ang isang babae na nakasuot din ng PPE. "Tyang Salen, kamusta ang asawa ko?" "She's safe now, but we're still observing her. The baby is fine but he needs to be incubated." Humarap ito sa kanya. "Rosaria." Tapos kay Xavier. "Why are you here, Xavier?" Tanong nito. "Does Ramon know you're here? May nangyari ba?" Umiling nalang siya. Mahirap kung malalaman din ng iba ang totoong nangyayari. "He's just visiting, Tita. We'll see you later." Tumango lang si Tsang Salen at tinuloy ang pakikipagusap kay Ito. Tumalikod na siya at naglakad na papalayo. Pakiramdam niya hindi na siya kailangan. Mas mabuti nang umalis. Naramdaman niyang kasunod naman ni si Xavier. "I haven't met the wife, is she pretty?" "Shut it." Sagot niya dito. "I mean look at Carlito. Mukhang sanggano na nangangain ng tao. How was she? Is she blind or so--" "Blue!" She shouted. Nasa parking lot na sila at nakasunod parin ito. Tumatawa pa na parang nakikipagbiruan. Tinanggal niya ang mask at faceshield niya sa inis. "Hey, Rona's waving." "Motherf*cker. I said shut it." Napahawak siya sa dibdib. Hindi siya siya makahinga. Napahamak na ang pamilya ni Ito dahil sa kanya. Pati si Carrie muntik nang madamay. Sino pa ang isusunod ni Lucas? "Why are you here, Xaiver?" Kanina pa nila tinatanong yon. Bakit ito pumunta din sa ospital. "Got orders directly from the Chancellor. I was tasked with protecting you and the rest. Hindi naman papayag ang Dada mo na mapahamak ka uli. Maybe he threatened them or something. You know how he is. Everyone is still scared of him after what happened to you." She sighed. So her father knew about this. "On the other news, we found Chandra's son. He's alive and well. Nasa foster care na." Sambit ni Xavier. "He's still not safe. Everyone's not safe." Napatigil siya. Everyone around her is not safe. Buds. Napakagat siya ng labi. She had to. She needed to... "We need to find Lucas. Sasama na ako." "No you can't." Hinarap niya si Xavier. "What?" Ito ang kumukimbinsi sa kanya noon tapos hindi na pwede? "Hey, I already got orders. Hindi ka na pwedeng sumali. Pinagbawalan ka na. After everything we found about Lucas, hindi na ito ordinaryong kaso. He's an international threat. My mission has been downgraded. Nandito nalang ako para sa security niyo." Paliwanag nito. "You know what? F*ck you!" Sigaw niya. Hindi naman umimik si Xavier. "After everything he did, you think I'm going to sulk here and do nothing? F*ck you. F*ck you and the System." Lumakad na siya papunta sa sasakyan. "What are you gonna do now, Rose?" Pahabol ni Xaiver. "Where are you going?" Napailing siya. May kailangan lang siyang tapusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD