"Kanina ka pa nag hihintay dyan." Saad sa akin ni Owen.
Nandito ako nag hihintay kay Keros. Simula kasi nung nangyari sa gym kanina hindi pa siya bumabalik.
Kapapasok pa lang niya, vice president na agad siya. I'm so proud of him.
"Baka maya maya nandito na rin 'yon." Saad ko kay Owen.
"I like her." Saad ni Owen kaya napakunot ang noo ko.
"Who?" Tanong ko, nung may makita akong tinitignan n'ya ay tinignan ko rin.
It's president Levine. Levine Erodie Dawnson. The strict president of SSU. She's walking with the other council kasama si Keros. Lahat ay naka ngiti pwera na lang sa kanilang dalawa.
"Huh? Ang bilis naman?" Tanong ko kay Owen ngunit ngumiti lang siya. Hayaan ko na nga, minsan lang naman 'yan mag kagusto.
Evary smile at me so i smile back. She's cute. Ang cute niya kapag naka dikit siya kay president Levine. Parang nanay niya si president Levine tapos si Evary 'yung maliit na anak.
Siya lang ata ang nakaka dikit kay president Levine ng ganon? Sa isang araw namin dito siya lang ang nakikita kong madalas na kasama ni president Levine.
Papunta sila sa direksyon namin, nagulat ako dahil don. Bakit dito sila pupunta?
"Hiii Glea!" Masayang bati ni Evary nung makarating sila rito.
"Uhm hello?" Nahihiya kong sabi, as if naman may hiya ka Glea.
"Pwede paki tawag 'yung iba?" She asked. Tumango ako sa kanya. Tinawag ni Owen sila Kleija.
"Hi." Nahihiyang bati ni president Evi.
"Hello pres." Saad ko at ngumiti.
"Uhm, I'm sorry if ganoon ang bumungad sa inyo kanina." Mahina niyang sabi, president Levine know how to say sorry?
"It's ok lang." Ok lang kasi ang astig niya, lalo na nung tumalon siya.
You know, ang ganda ni president Levine. Like, 'yung buhok niya na may ribbon palagi. Mahaba ang buhok niya na medyo kulot ang dulo. Kulay blue ang mata, may mapulang labi, mahaba ang pilik mata. Sakto ang puti.
Masungit ang mukha niya, palaging naka taas ang kilay. Hourglass body. Sakto lang ang tangkad. Pang girlfriend ideal siya. Her face was on fire.
Wala pa nga yatang make up si pres, she's beautiful without trying! She don't need to wear any beauty products because her beauty is effortless!
"You okay?" Nag aalalang ni president Levine. Tumango lang ako sa kanya. Nakaka inlove si pres.
"What's up people!" Sigaw ni Kleija. Nanlaki ang mata niya dahil nakita niya ang council. I smirk at her, akala niya ba ay kami lang ang tao rito?
"Hehehehe sorry." Nahihiyang sabi niya, ngumiti lang ang council sa kaniya.
"Uhm, kaya kami nandito dahil may sasabihin si pres Lev." Saad nung lalaking medyo matangkad. Jack yata ang pangalan nito? Siya 'yung magulo eh.
"We want to train the students for they're safety and 'yung mag tatrain sa kanila is kayo. Mukhang magagaling kayo eh!" Sabi nung Jira.
"Yes!" Sigaw namin.
"May event din na magaganap bukas, is it okay if you guys will work with the council?" Evary asked.
"Yes, para may silbi kami." Walang emosyon na sabi ni Owen.
"Ikaw lang naman ang walang silbi rito Owen." Kleija said and then she smirk. Owen looked at her. Para siyang kakainin non.
Natawa kami dahil sa sinabing 'yon ni Kleija.
"Stop with that, Glea ikaw ang kapalit ni Ria." Saad ni Evary na ikinalaki ng mata ko, council na rin ako?!
Tila hindi 'yon ma-proseso sa utak ko kaya na patulala ako. Sumasang-ayon ang lahat sa plano namin nila Kleija.
Mga tangang council.
¢
I'm looking at him. The new vice president. Keros Cyden Wilson, parang narinig ko na ang pangalan niya.
He have messy brown hair, green eye. He's taller than me, and all i can is he reach my standard.
Yes, he reach my standard but not the "pinaka standard" word. I mean, sa pag mumukha oo at sa tangkad but not in his personality. Hindi ko pa kasi alam ang ugali niya.
He looked at me and raise his eyebrows, I raised my eyebrows too, ngumisi ito sa akin kaya napairap ako. We're just stare at each other, not breaking our staring contest. Tinanggal ko lang ang pag titig ko sa kanya nang biglang mag salita si Evary.
"Hoy tara na Evi!" Sigaw sa akin ni Evary.
"Later." Nahihirapan kong sabi dahil may kinakain ako, epal talaga ang babae na 'to.
"What time ko ba iaannounce 'yung about sa event bukas?" Tanong sa akin nito habang nag cecellphone.
"3pm." Saad ko at pinag masdan ang mga studyante na kumakain din. They are happily eating and talking to their friends. Magiging masaya pa rin ba sila kapag nalaman nila ang sikreto na matagal ko nang tinatago?
Some of the students are looking at the council in every corner of the table, lalo na sa akin. Mukhang hindi pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina.
Ria is not part of the council anymore. She killed Clara, dapat nga ay kick out na siya. Clara doesn't have parents or any relatives kaya wala akong masasabihan tungkol sa nangyari. Walang mag sasabi kung ano ang pwedeng gawin sa kanya.
Ayon ang isa sa mga rules dito, kapag may mamatay rito at dahil sa studyante ng SSU, hangga't walang relatives na umaangkin sa namatay ay suspension lang ang mangyayari.
"What the hell? 3pm?! Pano pa sila mag papagawa ng gown? Pano pa nila 'yon sasabihin sa parents nila?!" Galit na tanong sa akin ni Evary.
"Bakit mo pa ako tinanong kung mag rereklamo ka lang din?" Masungit ko na tanong.
"So what Evi? Kasi naman, desisyon ako." Natatawa niyang saad kaya napatingin ako sa kanya. Minsan talaga may pagka baliw siya. May lahi ba sila no'n? Tanungin ko nga bukas ang ate niya.
"Oh ayan ka na naman! Nakaka takot ang tingin mo, para mong hinuhusgahan ang buong pag katao ko huhuhu." Um-acting pa siya na para bang umiiyak talaga siya.
"Can someone bring Evary to a mental hospital?" Malakas kong tanong kaya napasimangot naman si Evary. May lumapit samin na studyante at sinabi niya na siya raw ang mag dadala kay Evary sa mental kaya napatawa ako. I'm just joking!
Sinabi ko na biro lang 'yon at humingi ng tawad, kita ko ang pag katulala ng mga studyante sa loob nang cafeteria kaya kumunot ang noo ko, anong meron?
"She laugh."
"Her laugh is so soft."
"Did you heard that bro?"
"President Levine is laughing?"
"Her laugh was for real?"
Bulungan nila na ikinailing ko, pati ba naman pag tawa ko ay bago sa kanila?
"After we eat, tell them 'yung about sa event tomorrow." Saad ko gamit ang seryoso kong boses.
"Ayoko. Hindi mo ako tinawag na Ary tapos sinabi mo pa na dalhin ako sa mental." Kunwaring nag tatampo niyang sabi, iniling iling n'ya pa 'yung ulo niya. Mukha siyang tanga, seryoso.
"Ok." Maikli kong sabi at kumain ulit.
"Eto naman kasi! Ary nga kasi itawag mo sa akin, bahala ka. Iiyak ako sige." Sabi nito na para bang bata.
"Stop being childish Ary, kaya ka iniwan ni Kleon eh." Pang aasar ko kay Ary.
"Hindi 'noh! Dahil sa principal 'yon..." Mahina niyang sabi, she's right. They broke up because of the principal. The love between two of the council or students are not allowed.
I have something on my mind kung bakit na aksidente si Kleon. The principal, hindi pa siya nag papakita simula nung isang taon. Panay lang ang padala niya ng mensahe.
Sa ngayon? Ako ang namamahala rito.