“Hon, relax!” nakangiting nilingon ni Dale ang asawa saka pinisil ang kamay nito. Kadarating lang nila sa mansion at tila ayaw pang lumabas ng sasakyan ni Alison. She wrinkled her nose while looking back at him. Hindi niya maiwasan ang kabahan sa posibleng reaksyon ng mga anak kapag nakita na ng mga ito ang Daddy nila. “Hon, dapat siguro ay kinausap ko muna ang kambal. What if, maghintay ka muna rito saglit para hindi naman sila mabigla?” Tinanggal nito ang seatbelt at nakangiting tiningnan siya. “Don’t worry, Hon, I’m well prepared. I’m sure mababait ang mga anak natin,” kampanteng sambit nito. Kulang na lang ay sabihin niya sa asawa na hindi naman ito ang una nilang pagkikita ng mga anak nila. “Well,” she shrugged. Sigurado naman siya na matagal na nilang gustong makilala ang ama but

