Nakatunganga siya habang nakapamintana. Kagabi pa magulo ang isip niya mula ng masinsinan siyang kinausap ng Daddy niya. Ipinagtapat nito sa kanya na totoong wala na ang lahat ng negosyo nila. At ang tanging natitira na lang ay ang branch nito sa Batangas na sarado na rin ngayon. Ayon dito ay nakahanda na itong lisanin ang mansion at tanggap na ang naging kapalaran. Uuwi na lang daw ito sa Batangas tutal ay medyo malaki pa naman ang lupain nito doon at ipagpapatuloy na lang ang farm na minana pa sa mga magulang na napabayaan na nito nang magtayo ng sariling negosyo. Alam niyang pinipilit lang nito na ipakita sa kanya na maluwag sa loob nito ang desisyon at masaya na sa kalagayan. Pero ramdam niya na sobrang nalulungkot pa rin ito lalo na’t halos mawala sa kanya ang lahat. Kinumbinsi ni

