Magkasalubong ang mga kilay na sinalubong siya ni Dale. Nag-iwas siya nang tingin at akmang lalampasan ito pero mabilis nitong hinawakan ang braso niya. “Ano ba?” singhal niya rito. Naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang makipagtitigan siya rito na ngayon lang niya napansin na namumula sa galit. Napakagat siya labi at akmang babawiin ang braso niya pero mabilis nitong sinunggaban ang mga labi niya. Nagpumiglas siya pero mahigpit siya nitong niyakap. Pilit niyang itinikom ang bibig habang itinutulak ito sa dibdib. “Aaahhh!” impit siyang napatili nang kagatin nito ang labi niya. Sinamantala naman nito iyon at ipinasok ang dila sa bibig niya. He kissed her torridly. Parang uhaw na uhaw at may pagmamadali. Hinapit pa nitong mabuti ang katawa

