“Dad!” humahangos siyang lumapit sa Daddy niya nang makita niya itong nakaupo habang kinakausap ni Joe. Parehong bakas ang pagkagulat sa dalawa nang makita siya. “Thank God, you’re safe,” abot abot ang pasasalamat na mahigpit niyang niyakap ang ama habang hindi mapigilan ang luha. Yumakap din ito nang mahigpit sa kanya habang hinahaplos ang kanyang ulo. “Ssshhh..Stop cr..ying. I..am strong,” mabagal nitong sambit. “I’m so sorry, Dad. Sorry, kung wala ako sa tabi mo nang mga panahong kailangan mo ng karamay. Andito na ‘ko. Hindi ka na ulit mag-iisa,” humahagulhol na sambit niya. Nakangiting tinapik-tapik nito ang likod niya. At masuyong inilayo ang katawan nito sa kanya. “Tahan na..wala kang..pagkukulang..” Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos iyon. “Babawi ako, Dad, sa mga araw

