Masama ang loob na tinungo niya ang main door na mabilis naman nagbukas. Napailing na lang siya habang sandaling nakahawak sa doorknob pagkatapos ay lumingon sa itaas ng bahay. Huminga siya nang malalim saka malungkot na tiningnan ang loob ng bahay. Tahimik na sa loob at marahil ay umuwi na rin sila Nana Celia at ibang tauhan nito. She hardly bit inside her mouth para pigilan ang mga luha na gusto nang pumatak dahil sa pagkahabag niya sa sarili. Hindi ito ang inaasahan niyang magiging resulta ng pagpunta niya rito. Akala niya ay pareho sila ng nararamdaman, na pareho silang nasasaktan at nahihirapan. Na nalulungkot sa mga nangyayari. Pero bakit parang napakaluwag na sa loob nito ang paghihiwalay nila? Ganoon ba kasakit ang mga sinabi niya rito? Ganoon lang ba kababaw ang kagustuhan nit

