Nang nadapa ako ay kaagad ko kinuha ang malaking bato sa gilid ko at tinapon ko sa kaniya. Kaagad ito umiwas, and since medyo malayo-layo pa siya ay sinubukan kong tumayo pero nadapa lang ulit ako sa kadahilanang magpanic ako. Sumang-ayon naman sa akin ang tadhana dahil may umilaw sa daan, at napatingin ito saka tumakbo palayo sa akin. "Heather?!" Narinig kong sigaw mula sa likuran ko kung saan nanggaling ang ilaw. Boses pa lamang ay alam ko na kung sino ito. Napatingin ako sa likod ko at napangiti nang makita ko si mommy. Kaagad siya tumakbo sa akin at niyakap ako. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nandito sa daan?!" Nag-alala niyang tanong nang kumawala siya sa yakap ko. Gusto kong maiyak pero hindi ko alam bakit hindi man lang tumulo ito sa hara

