Chapter 6: Confusion

4178 Words
The steady pitter-patter of the rain upon my window causes me to wake up from deep sleep. I smile and feel the everydrops of the rain on the roof and ground. I don't know, but it is just me that the sounds of the rain brings calmness to my mind and heart? It's like a soothing melody, a natural lullaby that makes me forget all of my problems in life. Rain makes me feel home. Hindi ko alam pero para sa akin, sa tuwing umuulan ay kumakalma ang paligid. You won't hear any noises but only the bird's whimpering and rain's dropping. Everything is at rest. Nakakarelax. I stretched my arms and stood up from bed. A new day has begun, and another life has given a chance. People were asking everyone what was the biggest achievements they have had in their life, and probably-- they were mentioning about finishing degrees, having a brand new car, having a house and lot and everything that money can buy for, however, little did they know that waking up in the morning is already a blessing and a big achievement you couldn't ask for more. It's just simply mean, you survived yesterday and that's more than enough. You are so strong for living again the life he gave you. Not everyone has the chance to wake up in the morning, so if you wake up-- you should start your day with a smile and thank God for giving you another chance to take on. Oh, kay sarap talaga mabuhay. Message! I glanced at my phone on the table beside me and took it. Found out that Logan texted me sixth times already and had three missed calls. Binasa ko ito. "Wake up, sleepy head." "We have class!" "Don't be late!" "I'm gonna ditch you in your house." "Ugh, no. Hatid ko pala si mommy, diretso na lang ako mamaya sa school. Pasok ka ah!" "Hey, sleepy head, I'm already here at your gate!" Napatawa na lang ako. It's been a week since the earthquake happened and I discovered the portal to the parallel universe. At sa loob ng isang linggong ay naging masaya naman ang pagta-travel ko. No one caught me. Kahit si Heather doon ay hindi pa rin ako nakita. And I don't wanna make that happen yet, lalo na nagkakamabutihan na kami ni Asher doon. I love being with Asher. Masaya siyang kasama at kausap, and I would love being with him more. I grabbed the towel and went downstairs. Nakita ko na may nakahanda na pagkain at panibagong note na naman sa ref. As usual, it's Dad's message. Kesyo kainin ko raw hinanda niya at kung hindi man kakainin ay babaonin ko na lang sa school. It may be a small thing for me, but I do really appreciate it. Kaya kahit minsan wala ako sa mood ay kinakain ko pa rin. I don't wanna waste his effort. Kasi kahit papaaano that is the way he will tell me that he loves me. Really, siya na lang ang mayroon ako ngayon kaya sobrang laking pasasalamat ko sa lahat lahat ng ginagawa niya para sa akin. Being a single parent is not easy. Wala kang karamay sa lahat. You will be the one who will do all of the stuff. From looking for money so that you can provide your child or children, and to taking care of them when you are at your rest. I grew up seeing all of the sacrifices of my dad, so I know all of his struggles and sacrifices. Salute to all single parent out there though, do not be discouraged if you feel like what you are doing is not worthy— it is, keep on grinding. Your hard works will be pay off soon. Napatingin ako sa cabinet namin, there I saw one picture frame of a person. And it was her, my mom. I walked towards her and grabbed the frame. Hinawakan ko ang mga mukha nito as if nahahawakan ko rin sa personal. Napapikit ako ng mga mata ko habang inaala ang mga huling sandali na nakasama ko siya. It's been 10 years since she visited me. That was the time when we were so happy, I actually don't know if she was trying to get me as well but— she hugged me and talked to my dad. We did hang out a little bit but as when she left, she brought my sister Sofie. I thought they will gonna come back soon, but days, weeks, months and even years had passed— I no longer see their shadows until now. After that moment, wala na talaga akong balita sa kaniya at sa kapatid ko. They just disappeared out of nowhere. I tried to ask that about it but he always refused to answer. Hanggang sa nasanay na lang ako na wala siya, na wala sila. Hay. Buti pa si Heather doon, nasa kaniya lahat pati pamilya niya. Her family is still complete and happy. How I wish sa akin din. But I know that is too impossible, kasi sa pagkakaalam ko nitong habang palaki na ako ay may pamilya na si mommy. We couldn't be like them or bring the old us back. Namulat ako at pinahiran ang luha ko sa aking mga mata. I looked at the picture of my mom once again. Can I hug my mom and sister there naman, 'di ba? Can I treat them like mine as well, right? Can I borrow them? But upon seeing them, I didn't know what to feel. Especially when I first met them. I was caught off guard. Hindi ko pa alam kung paano magreact at kung ano mga nangyayari. Kaya kahit sila ay hindi ko rin magawang kausapin because I don't know what should I do. Hindi kami naging close rito. Napalayo na ang loob ko sa kanila. Kaya isa rin talaga siguro sa rason kung bakit parang natameme akong makita at ilang sa kanila ay hindi ko alam papaano sila kakausapin. Tumunog ulit ang phone kaya napatingin ako rito. I wiped my tears and put the frame back. Pumunta na ako sa gate at pinagbuksan si Logan. I let him inside and offer him a coffee. "Ang aga mo naman, kakagising ko lang." reklamo ko kaagad kasi totoo naman. Nakakapagod talaga. Balik klase na kasi namin and the school is already okay. Base on the observation ay wala naman may nakitang mga cracks or delikado kaya nag announce na ang school na bumalik na. One week lang nisuspend pero ang prom namin ay hindi na talaga tuluyan matuloy. Well, that is still okay for me dahil may prom naman sa kabila at hindi lang 'yon, kasama ko pa si Asher. Magiging ka-partner ko pa! Excited na ako. Kahit doon man lang ay naging prom date ko siya. Wala na akong hihingilin pa. "Maligo kana uy, ang bantot mo!" Asar nito at tumawa nang napakalakas. Napatingin ako sa salamin sa dining area namin at nakita mukha kong gusot na gusot ang buhok at mukhang may panis laway pa. I rolled my eyes after. Kakainin niya pa sana ang tinapay pero bigla ko itong hinablot kaya nakagat niya dila niya. Bumelat ako sa kaniya. "What's wrong with you?!" Inis niyang sabi na naluluha. Ako na naman ang tumawa. "Yan! Ayan bagay sa madaldal na tulad mo! Che!" "Akin na nga 'yan!" Sabay kuha niya rin pero huli na siya at ako na ang kumagat. "Ay sorry ha. Nakikikain ka lang dito nakuha mo pang asarin ang nagpapakain sa'yo!" Humalagpak siya sa tuwa. "Asim mo!" Saka umiling at kumuha ulit ng tinapay na para bang sa kaniya ito. Gago talaga. Kapag si Logan maka-asar sa akin hindi ko alam kung ano gagawin ko sa kaniya. Titirisiin o ililibing ng buhay?! Iniwan ko siya at tumakbo na ako sa taas para makapaghanda. Sanay na sanay na dito si Logan sa bahay at parang bahay niya na 'to. Saka sanay rin kaming dalawa sa kulitan 'e kasi halos araw-araw inaasar niya ako, kaya wala na akong choice kundi balikan siya ng asar! Hindi naman pwede na siya lang ang mananalo. Nako, nako, ano siya sine-swerte? Walang mahinang nilalang dito. ASA SIYA. "Sa tingin mo magkaklase kaagad si Mr. Johnson?" Tanong ko kay Logan habang nakatulala sa daan. We are on our way to school and si Logan palagi kasama ko pumasok at umuwi. Tumingin siya sa akin saka binalik ulit ang tingin sa daan. He wiped the glass of his car dahil sa sobrang lakas ng ulan ay nagfa-fog ito. Not gonna brag, Logan has his own car. Sana all na lang. Malapit lang naman ang school actually, we can walk if we want tp, but it is raining kaya need namin ng transportation. "I don't know," tipid niyang sagot. Tumingin ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan talaga. Masarap matulog 'pag ganitong panahon, pero may klase 'e. Ngayon pa talaga bumuhos ng ganitong kalakas na ulan kung saan may klase na. Sana ma suspend ulit. Char! Gusto ko sanang umabsent, kaso hindi naman kami pwede umabsent dahil 3 days absent lang, drop out na kaagad. Oo, ganyan ka strict mga teacher namin as if naman hindi sila nanggaling sa pagiging studyante. Kidding, iju-justify ko pa katamadan ko 'e. Speaking of 3 days absents only, hindi ako umaabsent because I don't wanna use it for my laziness. We don't know what might happen in the future, baka mas kakailanganin ko 'yang 3 days. Kaya as much as possible, hindi ako umaabsent. Anways, I wonder if it is also raining in another dimension? Kasi 'di ba, the first day I went there, it was raining so hard but in this Earth, wala naman. So, umuulan din ba kaya doon? Kamusta na kaya doon? Dalawang araw na kasi simula nang hindi na ako bumalik doon. I didn't have the courage to go back. Hindi ko rin alam pero kasi-- oo, inaamin ko, nahuhulog na ako kay Asher. Yes, this is too soon. Sobrang dali, pero ano ba magagawa ko? 'E long time crush ko 'yan. Kahit naman hindi ko pa siya makakasama, makita ko pang grabe na 'yong pagtalbog ng puso ko, ano pa kaya 'yong mga panahong nakakasama ko siya?!! Hindi lang kasama 'yon ha, may pa sayaw-sayaw pa kami. Aaaaaahh! Bakit kasi ang landi ko? Saka crush ko na 'yan 'e, alangan namang hindi ko lalandiin. Hipokrita na ako kung magpapabebe pa ako! Kaya hindi ako nakabalik because I tried to stop myself from loving him. ‘Yon lang, kahit anong gusto ko, pinipigilan ko sarili ko na mas lalong mahulog pa sa kaniya. I am distancing myself. But I guess, the more I distance myself, the more I realize that I want him closer to me. Parang kung may anonv nakatali sa kaniya sa akin na gusto ko siyang hilain papunta sa akin. Damn it, I wanna be with him right now. Namimiss ko na siya. "Lalim ng iniisip mo ah? Nandito na tayo." Napatingin ako sa labas at nakita ang parking lot namin. Nandito na nga pala kami at kaunti na lamang ang ulan. "May payong ka?" Logan asked. Umiling ako. "Huwag na, wala naman ulan 'e." Tumango lang siya at lumabas, gano'n din ako. Hinintay niya ako pasa sabay na kami dumaan sa canopy, pero nang hahawakan niya kamay ko ay iniwas ko ito at nauna na ako. “Ay taray sis ha! Ikaw na nga tinutulongan kasi nadulas ka last year dito sa basa.” Napatingin ako kay Logan at natawa. “Kasi kaya ko naman sarili ko!” At iniwan siya. Totoo naman kasi na nadulas ako doon. Pero sa totoo lang, baka may makakita sa amin lalo na si Asher, edi mas lalong ayaw niya akong lapitan dahil baka mag-assume itong boyfriend ko na si Logan. Nakarating kami sa classroom at halos lahat ng mga kaklase ko nandito na. Mayroong mga nakajacket, may natutulog sa sahig saka pinagtatabi lang ang chair para matulog, mayroon din kumakain, may nag-iingay, at lahat may sariling mundo. Grabe, na miss ko 'to! Ang ingay sa hallway, ang ingay sa kada room at ang kakulitan ng lahat. Lahat-lahat pati na rin ang upuan ko! Tumakbo na ako sa upuan ko saka niyakap ito. Kahit one week lang kasi nakalipas ay nakakamiss pumunta sa school. "Sana all miss,” hirit ni Logan at pumunta naman sa upuan niya. I rolled my eyes at him. “Ikaw lang naman ang hindi namimiss ng upuan mo!” He chuckled. “Bakit niya naman ako mami-miss? It’s just a freaking chair. Ikaw, hindi ka miss ng Asher mo.” Napatayo ako at sumingot sa kaniya. “Don’t ruin my day!” Then I turned my back at him and sat down on my chair. Hindi kami magkatabi ni Logan dahil nasa first row siya at nasa second row ako. Kumbaga 'pag nasa iisang row lang kami ay nasa likuran ko lang siya kaya hindi pa rin kami pantay kahit magkaiba kami ng row. Buti nga ‘yon kasi sobrang lakas niya talaga mang-asar at ayaw ko ‘yong harapin every fvcking minute! Hindi na niya kasi ako tinatantanan everday pati dito ba naman. Hindi ko rin alam sa sarili ko minsan kung bakit naging bespren ko ‘yan ‘e. Char! Pero masaya siyang kasama. Sa kaniya lang naman ako comportable sa lahat. Nilibot ko ang tingin ko at hinanap si Asher. Bigla akong nalungkot nang makita kong wala pa siya. Hay. I already missed him. Nauna pa ako sa kaniya ngayon ah? Baka nasa canteen. Hay. Asher, where na you? Dito na me, let’s go find sugar daddy! Charot. Saktong pagbaling ko ng atensyon sa pintoan ay pumasok din siya. Lumakas ang pintig ng puso ko. ShutanginaAaaa, ito na naman ‘yong pakiramdam na sasabog puso ko sa loob. I felt like my cheek burned because of how he slowly walked towards my direction. Damn. He literally looked like the Asher in the parallel universe. Ang g**o ng buhok niya na para bang bagong gising lang, complete uniform kung saan mas nagiging gwapo pa siya dahil sobrang linis niyang tignan! Argh, I wanna smell his scent again. Mabango kasi siya. Naalala ko naman ‘yong mga araw na nakakasama at kausap ko siya, and now I am back again admiring him from afar. Sobrang gwapo niya talaga. Napakagat na lang ako ng labi. He really looked like the Asher from Parallel Universe. Syempre, other version niya 'yan, bobo ka ba Heather?! Nakakabobo magmahal. Argh! Basta! Bakit mo kasi nabihag puso ko Asher!! Nanlaki mga mata ko nang napatingin ito sa akin. I immediately turned my head to the other side and saw Logan staring at me. I awkwardly smiled at him but I was shocked when he didn’t say a word but looked away as well. The way he looked at me seemed like his eyes were... in pain? I don’t know. What happened? Binalik ko ang atensyon ko kay Asher at hindi na siya nakatingin sa akin at cool na nakaupo na lamang. Sakto naman na pumasok na si sir Johnson, ang english subject namin. Kaya halos lahat ng may kaniya-kaniyang mundo ay nagsibalikan na sa mga upuan nila. Ako naman ay napaupo na lang din at humarap na sa blackboard. For the last time, I glanced at Asher again and he was just looking at somewhere else. Then, I looked at Logan and he was looking at sir Johnson who currently stopped in front. "Good morning, class! Welcome back!" Hyper niyang sabi at nag-ingay ang lahat. Sir Johnson is not a strict teacher, kaya kahit magwala kami sa sobrang saya ay hindi kami takot dahil siya mismo ay sasabay sa amin. It's understood because he is just 24 years old. Bata pa kaya sobrang naiintindihan niya kami. Alam niya kung paano makisama. "Sir, gumwapo ka ah!" Sigaw ni Jason, isa sa pinakakulit dito. "Ganon ba? Ayaw niyo lang siguro magklase ako, 'no?" Paghuhuli nito at naghiyawan naman ang lahat. "Sige na sir, ang gwapo mo kaya! Bukas ka na lang magklase!" Hirit naman ng isa. Juskong mga 'to. Lahat gagawin para hindi lang magklase. Tinignan ko si Asher na tahimik lang sa kanyang upuan. He doesn't really care at all. He doesn't give a damn. Akala ko nga noong una mabait siya pero suplado pala. Kamusta kaya siya buong linggo? Wala naman kasing f*******: 'to kaya hindi ko napopost. I stalked Charleigh account at wala naman akong may nakitang bakas ng pagdalaw niya sa kaniya. Akala ko nagkakamabutihan na sila? Naging busy din kasi ako sa kaniya.. 'Yon lang ibang Asher. Napaiwas kaagad ako ng tingin nang makita siyang bumaling sa akin. Nako naman! Nakakakaba naman 'to palagi! Dati-rati halos walang limitasyon pagsulyap ko sa kaniya pero ngayon nahuhuli na ako. Kainis naman, nakakhalata na ba 'to? "Okay, ssh! Before that, let me introduce to you your new classmate." Napatingin ako sa harap. Sir Jonshon waved his hand, signing the student to enter the classroom. Woaaaaaah. Namangha kami dahil sa ganda ng kakapasok lang. Damn, she's really beautiful! Lahat naman maganda sa mata ko pero kasi itong babaeng 'to, sobrang ganda! AS IN! "Introduce yourself," ani ni sir. "Hiiiiii," she waved her hands cutely, "-- I'm Olivia Adele Zamora." Grabe, pangalan pa lang sobrang bango na at ganda! "I hope we can be friends!" She added and smiled. "Sure! Dito kana umupo oh! Tabi dyan bakulaw!" Jason pushed Karl and everyone laughed. "Ikaw tumabi daganan kita nang hindi ka makahinga 'e." I shrugged. They are best friends but they are so mean with each other. Sila 'yong mga isa sa nagpapaingay at nagpapasaya dito sa classroom. Karl isn't that fat kid, sakto lang naman ang taba niya. Matangkad kasi siya kaya kung titignan, mataba talaga. While Jason is the skinny one. Matangkad na payat. Crush nga 'yan ni Kiara 'e, ang booknerd namin dito na walang ibang ginawa kundi magbasa ng libro. "Dito na lang ako." Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko. Saka ko lang napansin na wala pala akong seatmate ngayon at siya ang kumuha. "Hi, I'm Olivia, can I sit here?" Inosente niyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang mabait naman 'e kaya tumango ako. "Sure," I responded. "Pero hindi lang ako sure mamaya or bukas ah? Absent lang kasi seatmate ko ngayon--" "Sure! Don't worry. I can find another vacant seat naman." She cut me off. "Don't worry, Heather. Pauline transferred school because of family matters. The seat is for Olivia from now on," sir Johnson interrupted. "Ayon naman pala 'e!" She giggled. Nagpresent lang si sir ng mga dapat niyang balikan at iklase. Hindi niya na rin pinatagal at nagdismiss na siya. I received a text from Logan kaya binuksan ko kaagad ito at binasa. "Pick my things up and put it in my locker please. I wasn't able to come back because of an emergency. Nasa bag ang keys ko. Libre na lang kita ng milktea, thanks." I looked behind and saw Logan's back. Nakita ko rin si Asher na tumayo at lumabas. "LQ?" Napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Olivia. "Anong LQ?" nakakunot noo kong tanong. "Lover's quarrel. Away magjowa--" "Nino?!" gulat kong tanong at kahit siya nagulat din sa pagsigaw ko. Jusko naman kasi! Kung ano pinagsasabi nito 'e wala pa akong jowa! No boyfriend since birth! Saka si Logan? Ilang beses na kami napagkakamalan niyan 'e nandidi-- "Ayon 'yong lalaking kakalabas lang. 'Yong maputi na gwapo na may pagkachinito basta gwapo," ani nito. Si Asher? Tumawa ako nang napakalakas kaya nagtaka ito. "Bakit?" tanong niya. "Anong bakit? E hindi nga 'yong namamansin 'e, jowa ko pa kaya?" Hirit ko saka tumawa ulit nang napakalakas. Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko. Sumunod din naman si Olivia hanggang sa upuan ni Logan. "Sorry, kasi naman grabe makatitig, parang may gusto sa'yo." Napatigil ako sa pagkuha ng mga gamit ni Logan. Siya? May gusto sakin? Sakin? "Paano mo nasabi?" I continued picking up Longan's things. Inayos ko ito saka sinukbli sa shoulder ko. "Girl's instinct." Simpleng sagot niya lang at sumunod ulit sa akin. "Sabay na tayo ng lunch! Libre ko!" Hindi na ako nakatanggi pa dahil kinaladkad niya kaagad ako papuntang cafeteria. Madadaanan naman namin locker nila Logan kaya inuna na lang namin ito bago pumasok nang tuloyan. "Bakit ka pala nagtransfer? At ngayon pang last sem na?" usisa ko. Medyo chismosa ako 'e. "Well, it's because my mom and dad transferred here as well! For good! And, nandito naman business lnamin. Saka gusto ko rin dito ano, marami kasing gwapo!" Humalukipkip ito at tila kinikilig. May pagkamakulit at konting maharot naman palang Olivia na 'to. Akala ko talaga sobrang mahinhin dahil sa ganda niyang 'yan. "Ah, business," sabi ko na lang saka kumain. "Yeah, do you want to join our dinner tonight?! Pakilala kita kila mommy at daddy!" She exclaimed happily. She looked like a kid. Sobrang cute at ganda niya talagang tignan. Siguro kung ako, mukhang muntanga na. "No--" She instantly gets her phone and types on it. "Sent! Wala ng bawian!" she giggled again and ate her food. Wala na akong magawa kundi kumain na lang din. "You know what, I'm really shy," simula nito. Nahihiya pa siya sa lagay na 'yan? "Kasi, I'm just new here adn I don't have any friends yet," malungkot niyang sabi. Kinuha ko kamay nito at nginitian ko siya. "Don't worry, you have." Lumiwanag naman ang mukha nito at kaagad tumayo saka niyakap ako. "Really?! Really?!" sobrang saya niyang sigaw. Tinakpan ko bibig nito saka tumango. Pinaupo ko siya. "Oo nga, kung hindi ka lang maganda 'e," I jokingly said. Tumawa rin naman siya. "Bestfriend na tayo ah!" Tumango na lang ako at masaya kaming kumain. I remembered myself in her. Kung wala si Logan, wala rin naman akong makakusap. She's actually the first girl who wants me to be her friend. Siya rin unang kumausap, sumabay sakin at yumakap. My classmates are just my classmates. Wala akong circle of friends hindi tulad ng iba. And as you have noticed when I entered the room, no one even dared to talk to me or just greet me like when their friends have arrived. But, I better want to be alone though. I'd rather have myself than them. I’d rather have Logan, my one and only best friend, than to have a big circle that I will like I am not belong. Saka nandito naman si Logan, he never left me kaya hindi na rin ako nalulungkot at naiinggit pa. He saved me from all of those. He saved me from getting insecure. "Bakit pala hindi mo siya jowa?" Napaubo ako dahil sa tanong nito. Kaagad niya naman ako binigyan ng tubig. "Hala sorry sorry!" Nag-alala nitong sabi. Huminto muna kami sa paglalakad at umupo. Nasa labas naman kami ng classroom kaya madali na lang namin makita kung papasok na teacher namin. "Don't worry, I'm fine," nauubo ko pa rin sabi. Hindi lang pala maganda, makulit, maharot ito kundi madaldal din. Pakiramdam ko ay makaka-get along ko siya kasi sobrang natural lamang ang attitude niya. Hindi ko maramdaman ang kahit anong pilit sa pakikitungo niya sa akin. It’s just a light one, pwede. "So ano na nga?" Natawa ako nang muli niya itinanong. Chismosa rin pala. Pwede talaga maging kaibigan. "Si Asher ba?" she nodded. "Hindi. Crush ko lang siya, pero walang meron sa amin ha. Ni-hindi nga ako pinapansin 'yon saka mukhang may nililigawan na ata. Si Charleigh," diretso kong sabi. "Who's that b***h?" Gulat ako dahil sa sinabi niya. Halata sa boses nito ang pagkainis. Bestfriend na bestfriend ang datingan ah. "Ako, bakit?" Napaharap ako sa liuran ko at nakita si Charleigh. "Ay, siya pala?" Olivia pointed here. "Yeah, and why are you here?!" Matapang na tanong ni Charleigh kay Olivia. Magkakilala sila? "It's none of your business! Basta tandaan mo, nililigawan ka pa lang niya! Maaagaw rin ni Heather si Ash!" Sigaw niya saka hinablot kamay ko. Pumasok kami sa classroom saka tumawa ito. Natawa na lang din ako dahil sa biglaan niyang paganon. Like seriously? Ginano’n niya talaga. Nakakagulat siya! "Magkakilala kayo?" Tanong ko kasi parang nakilala rin siya ni Charleigh. "Yeah, and alam ko kung paano siya asarin--- OMG!" Napahinto ito sa pagsasalita at napanganga ito. Seemed like she was amazed by what she saw. I slowly turned my head back, and I saw Logan is walking towards us. "OMG, I think I found him! I found my 'the one.'" Tinignan ko si Olivia at napatawa dahil sobrang laglag panga nito. Maybe she's experiencing the same I felt before when I first saw Asher. Umiling na lang ako kasi alam kong natataranta na ito deep inside. Kita naman sa kung gaano ka pula ang pisnge niya. Ngunit sa pag-iling ko ay may nahalagilap ang mata ko sa table ko. A piece of note and a flower. Parang bulaklak na nasa garden dahil bagong pitas lang. I grabbed it and read the note. "I can't get you out of my mind. You are confusing me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD