"Logan, please lumaban ka!" Naiiyak kong sabi habang inaalalayan ko siya papuntang ER. Dinala namin kaagad sa hospital si Logan at sobrang critical na ang lagay nito. He is not even answering, at sa pagkakaalam ko dalawang bala ang natama sa kaniyang katawan. Bakit ba kasi niya sinalo! Ako sana dapat sa sitwasyon niya 'e! "Sorry ma'am, hanggang dito na lang po kayo." Naiwan ako dito sa labas ng hallway. Napaupo ako sa bench at tuluyan nang humagolhol. Kasalanan ko 'to 'e! Ako ang may kasalanan ng lahat na ito! "Hey." Naramdaman ko ang pag-upo ni Asher sa tabi ko. Kakarating niya lang dahil siya ang nag-asikaso sa lahat. "Natatakot ako, Ash," sabi ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Nasa mukha ko ang kamay ko at nakayuko, hindi makaangat dahil sa sobrang takot. Hinagod

