Thirteen

2178 Words
After two weeks..... "Mommy...,aren't you coming down with us to the pool?", lingon ni Ianne sa ina na nasa dining table habang lumalakad ito patungo sa pinto kasunod ang yaya. " Susunod ako, sweetheart. I'll make your favorite sandwich first." "Okayyy", wika ng bata. Binuksan ng yaya ang pinto subalit nahinto sa paghakbang palabas nang makitang may taong nakatayo sa tapat nito na marahil ay napigil sa paggamit ng door chime. " May kailangan ho kayo?",ang tanong ng yaya. "Gusto ko sanang makausap si Cassie. Nariyan-----", nabitin sa lalamunan ang sasabihin ni Donya Benita nang makita ang batang kasunod ng unipormadong yaya, in her neon pink bikini. " H-hello!",alanganing bati ng donya sa bata. The child look up and dimpled her a smile."Hello! You wanna see my mom?" Hindi niya agad masagot iyon. May mga anyong salit-salitang naglalaro sa isip niya. Niyuko niya ang bata. " Why, you're so pretty! You must have a pretty name, too." "..course..I'm Ianne." "Ianne? Hmmm, but you're a----" "A girl.", she giggled. Na para bang ikinatuwa pa nitong isang intriga ang pangalan nitong tila panlalaki. ".. tually, my name's Ianne Louise." "Ianne Louise..?Ianne...", usal niya. May kabang unti-unting bumabangon sa kanyang dibdib. Ang mga anyong nagsasalimbayan sa isip ay nagkakaroon ng linaw." You have a very nice name.. But surely, you have a last name?" "Yes..It's Ga---Gra---", hindi mabigkas bigkas na sagot ng bata. " Garcia, Ianne..Ianne Louise Garcia",dugtong ng yaya para dito. She must have swayed dahil agad na inabot ng yaya ang braso niya at inalalayan siya. "B--bakit ho, ale? Namumutla ho kayo!" Napahawak siya sa hamba ng pinto. Muling niyuko ang bata na ang mumunting kilay ay nagsasalubong sa pagkakatitig sa kanya. "I'll guess, you're...four years old and more", aniya at pinilit na ngumiti. Nahawi ang kunot sa noo ng bata. Namilog ang mga mata nito. " You're right!",.itinaas nito ang kamay at apat na daliri ang ipinakita sa kanya. "How'd you guess?" "I..i just know... My name's Benita Garcia. We both have the same last names." Lalong namilog ang mga mata nito. "Really?". Lumingon ito sa loob at sumigaw. " Mommy!" "Sino ba ang kausap niyo at hindi pa kayo buma----?", Cassie stopped in mid-sentence at tinitigan siya, bago bumulalas. " Donya Benita! "Kumusta ka na, Cassie?". Nalilitong pinaglipat lipat ni Cassie ang mga mata sa kanya at kay Ianne. Pinanawan ng lahat ng kulay ang mukha nito. " I'm tired, Cassie. Pwede ba akong pumasok?",si Donya Benita habang nanghihina pa ring nakasandal sa gilid ng pinto. "S--sure. Tuloy po kayo", sagot ni Cassie. Parang tinatambol ang dibdib niya sa kabang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Agad na itinaboy niya ang anak at ang yaya. "Mauna na kayo sa pool. Susunod ako kaagad." "Mommy, we have the same last name", pahabol pang sabi ni Ianne habang inaakay na ito ng yaya palabas. Isang wala sa loob na tango ang ginawa ni Cassie. Sinundan ng tingin ni Donya Benita ang apo at ang yayang kasama nito. Kung siya ang masusunod gusto niyang yakapin ang bata...yakapin nang napakahigpit. "Siguro'y kailangan nating magkalinawan, Cassie.", wika ni Donya Benita nang makapasok at makaupo na ito. Naupo siya sa katapat na sofa. " Wala ho akong alam na dapat nating linawin , Donya Benita. You're wrong if you think---", "She's my granddaughter.", wika nito sa marahan at kontroladong tinig. Gayunma'y natitiyak ni Cassie na sa ilalim ng tinig nito'y naroon ang determinasyong malaman nito ang buong katotohanan. And that started to scare her. " My god, she even have Edward's eyes...and you can't hide her undeniable resemblance to my son." Itinakip ni Cassie ang dalawang nanginginig na kamay sa mukha niya at sinikap na pigilin ang takot at luhang sama-samang gustong umalpas. Minsan ma'y hindi niya naisip na mangyayari ang sandaling ito. Nang lokohin at pagtaksilan siya ni Edward kay Yvette kinalimutan niya na ang mangarap at umasam. At sa ikalawang pagkakataon, nang umalis siya sa Punta Verde mahigit nang apat na buwan matapos ang kasal ni Jenny ay natiyak niyang tuluyan nang naglaho sa buhay nilang mag ina si Edward. Ang inalok nito sa kanya'y sapat upang dapat na niyang isantabi ang anumang damdaming meron pa siya para dito. The proposition was disgusting! It made her feel cheap and low. Bagaman hindi niya rin ito masisisi kahit paano dahil sa mga balitang kumakalat na hindi naman niya pinasusubalian. But she wasn't ready for this confrontation. Hindi niya iyon napaghandaan. Sa sandaling iyon ay umasam siyang sana'y naroon ang ama. Matutulungan sana siya nitong pakiharapan ang sandaling ito. Kinakabahan at natatakot siya sa maaring kahinatnan ng pagkakaalam ni Donya Benita tungkol sa anak niya. "What happened, Cassie?", untag ni Donya Benita sa pananahimik niya. Pagtataka at kalituhan ang nasa tinig. " We we're made to believe that you aborted your child over five years ago ." Marahas siyang nag angat ng mukha. "Aborted!", she exclaimed. " Sino ang nagbigay sainyo ng ideyang iyan?" "Oh...God..!..", nanlulumong napasandal ito sa sandalan ng sofa. Her whole body trembled. " So many years have been wasted. " Tila biglang tumanda ang donya sa mismong harap niya nang mga sandaling iyon. Kauna-unahang nakita niya itong nanlumo at nanlupaypay na tila ba may mabigat itong pasan sa balikat. Magkahalong awa at kalituhan ang naramdaman niya para dito. Humugot ito ng panyo sa bag at pinunasan ang mga matang unti unting nahihilam na sa luha. "What are you talking about, Donya Benita? At bakit kayo naririto? Paano niyo nalaman ang lugar na ito? Si Jenny ba?" Mabilis itong umiling. "Walang kinalaman si Jenny rito, Cassie. Pagkatapos ng kasal nila ni Jake ay hindi na kami nagkita pang muli hanggang sa bumalik sila ng Taiwan", muli itong nagpunas ng mga mata at tumuwid ng pagkakaupo. " Bakit ka umalis ng Punta Verde sa panahong nakatakda na ang inyong kasal at nagdadalang tao ka?" Naguguluhang tinapunan niya ito ng tingin. "Ano bang uri ng tanong iyan? Hindi pa ba ninyo alam kung bakit?" "Kung iyong tungkol kina Edward at Yvette ang dahilan, you could have talked to me. I would listen....." "So it is my fault now.", puno ng pagdaramdam ang tinig niya. " No..Wala akong sinisising sinuman sainyo ni Edward. Subalit kung ano man ang naging problema'y nagawan sana ng solusyon kung hindi ka umalis",mahinahong saad ni Donya Benita. "Magdamag at maghapon akong naghintay. At isa pa uling magdamag, subalit walang Edward na dumating", kulang na lang ay isigaw niya iyon kay Donya Benita. Pero para ano pa?Para saan pa? Maraming taon na ang lumipas at hindi na maibabalik pa ang lahat. " Bakit kailangan pa ninyong buksan ang sugat at sugatang muli, Donya Benita?",naghihirap ang kalooban niyang tanong. "Dahil diyan nakasalalay ang kaligayahan ninyo ng aking anak!" "Kaligayahan?", patuya niyang sabi. " I don't care what Edward has made out of his life! " "Siya pa rin ang ama ng anak mo, Cassie. Hindi mo maipagkakaila iyan!" "Ama? Nang magtaksil siya sa akin ay tinapos niya ang obligasyong iyon!", she said furiously. And she'd rather entertain anger. Doon niya lang mapagtatakpan ang takot sa pagkatuklas ni Donya Benita Garcia sa anak niya. " Anyway, it's water under the bridge now",she said in a force calm. "Matagal nang tapos ang lahat sa amin ni Edward at maayos na ang relasyon nila ni Yvette. Kaya ang hinihiling ko'y pabayaan na----" "Wala silang relasyon ni Yvette at kahit kailan ay hindi naging sila!", pahayag ni Donya Benita na nagpasinghap sa kanya. " What?" "Nagkakamali ka kung iniisip mong may relasyon sila. Kaibigan lang si Yvette para kay Edward." Napakurap si Cassie. "I---I don't understand!" "Talk to my son, Cassie. Give him the chance. Give your love a chance. You still love him, don't you?". Walang katiyakan ang expression na makikita sa mukha ng matandang babae. Umiwas ng tingin si Cassie. " My feelings for him doesn't matter. Hindi iyon ang pinag uusapan dito." Muling namuo ang luha sa mga mata ni Donya Benita. "Edward took to drinking when you refused to take his proposal---." "Proposal?", she echoed angrily. " You called that proposal? It was a proposition, Donya Benita!" Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Donya Benita. "I don't know what gave him the idea to offer you that. Perhaps he was desperate to have you back. He hasn't been the same since then. Pati trabaho sa kapitolyo ay napapabayaan niya na rin. Lalo pang nadagdagan ang depression niya nang magtungo siya rito at makita kayo ng...ng matandang iyon sa labas nitong bahay mo." "Nagpunta si Edward dito?", tila mauubusan ng hangin ang baga niya dahil sa sunud-sunod na revelation. " Upang kausapin kang muli at sabihin sayo ang totoong estado ng relasyon nila ni Yvette. He was planning to offer you marriage for the second time around.. para lang makasama ka niyang muli. Subalit napatunayan niyang totoo pala talaga ang lahat ng balitang nababasa niya sa mga magazines. At siya mismo ang nakakita kung gaano ka kasaya sa piling ng...ng matandang iyon. Nasaktan siya nang malamang nagsinungaling ka nang sabihin mong hindi kinikilala ng...ni...ng ama nito ang anak mo." "I wasn't lying when I said that!" "Now I knew. ", mapait itong ngumiti. " You were referring to Edward as Ianne's father.", Her face softened as she gazed at Cassie. Titig na puno ng pasasalamat at pagmamalaki. "Ipinagamit mo sa apo ko ang apelyido ni Edward. You don't know how much it had made me so happy. At alam kong mas ang kasiyahan na mararamdaman ng anak ko. Labis kitang pinasasalamatan dahil doon, Cassie. Hindi mo naman ipagkakait sa akin at sa ama niya ang bata hindi ba?", gumagaralgal ang tinig na tanong ni Donya Benita. " Please.., Donya Benita----" "Ako ang nakikiusap sayo, Cassie. Kung anuman ang naging pagkukulang sa bahagi ng anak ko natitiyak kong isa iyong pagkakamali at hindi niya ginusto. At bago pa siya mawala sa atin-----" "Mawala?", she echoed. Napaangat siya mula sa pagkakaupo. " Ano ang ibig ninyong sabihin?" Hindi maiwasan ni Cassie ang mag alala para kay Edward dahil sa nalaman mula sa ina nito. "Tulad ng sinabi ko sayo, Edward has been drinking since you left Punta Verde for the second time. Nahirapan siyang tanggapin na magkasama at masaya ka sa piling ng...ng...matandang iyon", pahayag ni Donya Benita. Then she waived her hand and shook her head. Kanina pa niya napapansing nahihirapan itong tukuyin ang salitang iniuugnay sa kanila ni Fernando Rivera. Na para bang ang mabanggit lang iyon ay isa nang malaking pagkakasala. Matabang siyang ngumiti dahil doon. " Isang gabing pauwi siya galing sa kapitolyo ay naaksidente siya. Lasing na lasing siya at hindi niya na agad namalayan ang paparating na truck. Mabilis ang takbo niya kaya nang sinikap niyang umiwas, nabunggo sa isang malaking puno ang kotse niya." "No!", she was horrified. " He wasn't badly hurt, was he?" " Two broken ribs at isang maliit na sugat sa may bandang noo. Maliban doon ay mga galos at gasgas sa may bandang dibdib at tagiliran",nanggigipuspos na wika ng matandang babae. "Tatlong araw lang siya sa hospital sa halip na dalawang linggo ayon sa doktor. Tumanggi siyang lagyan ng cast ang dibdib niya . And he's working and drinking himself to death now, Cassie. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya!" "Kayo na mismo ang nagsabi na mahirap kausapin si Edward ngayon. Isa pa ay galit siya sa akin. Kaya paano kayong nakatitiyak na pakikiharapan niya ako?", malumanay na wika niya sa donya. " He hurled angry words at me the last time we talked, Donya Benita." "He loves you, Cassie...have always loved you. Paniwalaan mo sana ang katotohanang iyan." Sana nga'y kaya niyang paniwalaan iyon. She opened her mouth to say something. Subalit parehong natuon ang atensiyon nila sa pagbukas ng pinto. Patakbong pumasok si Ianne suot pa rin ang tumutulong bikini. Kasunod nito ang yaya at si Fernando. "Ayaw hong magpatuyo, ma'am", wika ng yaya na dala-dala ang tuwalya. Akmang tatayo si Donya Benita para lapitan ang apo nang makita ang matandang lalaki. Pumormal ang mukha nito at muling naupo nang tuwid. " May bisita ka pala",ani Fernando at sinulyapan ang matandang babae. "Papa, I want you to meet Donya Benita Garcia, Ianne's grandmother... Mrs. Garcia, meet my father, si Fernando Rivera." The old woman's jaw dropped. Sa nanlalaking mga mata ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Y--your father! This dirty old---this multimillionaire businessman is your father? Your biological father!?" "How are you, Mrs.Garcia? I'll forgive that "dirty-old--"part if only for my daughter." he said in his usual amused charm that won millions of women's heart during his prime. "Hindi ko alam kung bakit maraming idiots ang pinaniniwalaan ang lahat na lang ng nababasa..tsk tsk tsk! mga tao nga naman."Fernando said mockingly. Napasinghap ang matandang babae. Fernando Rivera smoothly insulted her. Kaya nang ilahad nito ang kamay sa kanya ay hindi niya iyon pinansin. " If only for Cassie and my granddaughter, I'll forgive you that "idiot" part, Mr. Rivera",Donya Benita countered stiffly.. Fernando Rivera laughed. Ipinaypay ng donya ang panyo sa mukha at humarap kay Cassie. "I need a drink, Cassie. You haven't even offered me one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD