Seven

3215 Words
Tumayo sya para salubungin ang parating na dalaga.Looking at her now,wala talaga siyang maipipintas dito kahit kailan.Sandra Alvarez is gorgeous and sexy as ever.Very class and sophisticated. But before he reach the smiling woman,Allen saw a familiar figure standing."Gov.Edward Garcia...Ikaw pala!",Allen said to greet the governor of Punta Verde. "Oh...Mr. Salazar..It's nice to see you here in our town", Edward answered.He recognized this man automatically.He is the only son of Senator Ramon Salazar.At hindi lang sila nito miminsang nagkikita sa mga okasyong may kaugnayan sa pulitika.Sa mga pagkakataong yun ay nakilala nya si Allen bilang isang mabuting tao.Tuwing nagkakatagpo sila ay natural na lang sa kanila ang magkwentuhan at magkumustahan. " Masyado naman yata tayong formal...So..,kumusta.,Edward?",nakangiting sambit ni Allen.Napansin nya nga rin ang formalities sa kanilang tawagan. "Heto,ayos lang...Ikaw, 'bro?Hindi ko ini-expect na makita ka dito.Nasanay akong sa mga meetings at gatherings tayo nagtatagpo eh", aniya kay Allen.Nakita nya nang bumaling ito ng tingin sa paparating. " Honestly, may pinuntahan lang ako diyan sa karatig-bayan niyo.At naisipan kong dumaan dito because of a dear friend... ",paliwanag ni Allen.So may katagpuan pala ito kaya nandun. " Actually, she's here.Bro...excuse me first",dugtong pa ng binata at lumakad para salubungin ang kaibigan nitong dumating. Tumango na lang siya at sinundan ito ng tingin.Napatda siya nang makita kung sino ang kaibigang tinutukoy nito..So....she is the so called dear friend pala ha!!!He decided to walk away. She smiled sweetly when she saw Allen walked to meet her.Iniwanan nito ang lalaking kausap at sinalubong siya.She didn't recognized the guy dahil nakatalikod ito mula sa kanyang kinaroroonan.Then she saw him walked away..Marahil ay aalis na. "Gorgeous...", Allen exclaimed as he reach her.Admiration was visible in his eyes. " Thank you",she managed to smile at his compliment.Kumapit siya sa braso nito habang naglalakad papunta sa kanilang reserved table.Sakto namang malapit na sila sa lalaking kausap nito kanina ay tinawag ito ni Allen. "Bro...Don't tell me you're leaving this soon.?", Allen said na nagpalingon sa lalaki.Ngumiti ito sa binata.But when he look at her direction, his smile vanished from his lips.His handsome face was void of emotion. " Ah..,yes bro..Palabas na din ako kanina nang makita mo ako.",maiksing sagot ni Edward.Kung maaari lang ay ayaw niya nang magtagal sa loob. "Oh come on...Why don't you just join us?Besides I'd like to introduce you to this beautiful lady", Allen tried to make Edward stay.Gusto niya rin itong makakwentuhan and he was sure Cassie won't mind. " Anyway.., Sandra, this is Gov.Edward Garcia.,the governor of this town.And bro, I'd like you to meet Sandra Alvarez.I'm sure kilala mo siya..,knowing her status in showbiz world",may pagmamalaking wika ni Allen.Sino nga ba ang hindi makakakilala sa kanya?Her name made a huge impact in television industry. "So you're back..Days ago, I've heard that you're really coming", Edward barely glance at her." Nice to see you again, Miss Alvarez",he added.May pakiramdam ang dalagang napilitan lang itong bigkasin ang huling sinabi. "Nice to see you too, Gov.Garcia.",Cassie said.She don't know what to feel right now.A mixture of sad and happy memories crept in her mind.Then,anticipation filled her..."What was she anticipating?"she thought. Hindi niya inaasahang dito sila unang magkakaharap ni Edward after five long years.Alam niyang malaki ang posibilidad na magkita sila at pinaghandaan nya na iyon.But seeing him in front of her now is different. Malaki ang ipinagbago nito.Tila hindi lamang limang taon ang nadagdag sa edad nito.His face has aged more than his body.May mga pinong linya sa sulok ng mga mata nito.But his body was as she remembered him.Lean and without an ounce of fat. Edward had always been tall.Mas masasabing maputi ito kaysa kayumanggi.Kapag nanatili ito sa arawan ay namumula lamang ang balat. And attractively handsome. Wala syang natatandaang estudyanteng hindi nag ukol dito ng pangalawang pansin kapag pumupunta ito noon sa university para sunduin siya.He was twenty six then.But now he's thirty one. Now she came face to face with the man she had been dreading to meet.And for a brief moment,muli nyang naramdaman ang hapdi at pait ng kataksilan nito.Sa nakalipas na mga panahon ay napakadali sa kanyang itaboy ang damdaming iyon.But seeing him unexpectedly was something else entirely. Napaatras siya nang masalubong ng tingin ang mga mata nito.His eyes were pitch black as they surveyed her features coldly. " Hey...Wait...What do you mean "again"? Did you two, met before?", naguguluhang tanong ni Allen at pinaglipat lipat ang tingin kina Edward at Cassie. " Yes, bro.We've known each other a longtime ago...Five or four years maybe...Hindi ko na gaanong matandaan.Didn't she told you that she grew up in this town?",Edward's eyes glance at her in scrutiny. Tila napaso siyang muling umiwas ng tingin. "Well,..good to hear that you already knew each other. Join us, bro...para naman magkakwentuhan na din kayo.I'm sure Sandra won't mind.", Allen insisted him. " Why not.!But, won't you really mind if I join,Cassandra?",Edward asked as he look straight in her eyes.Hindi nya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.Dapat sana ay tatanggi siya.But part of his heart was telling him to stay.Na pahabain pa ang paghaharap nila ni Cassie. Wala nang nagawa ang dalaga kundi tumango na lang.She just hope this night will end fast and soon. "O-of course...Y-you can join us",.Damn her for stammering.Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa presensiya nito.Allen guided her on her way to the table.Nang lingunin nya si Edward ay nakatingin din ito sa kanya.Was it contempt that she saw in his eyes.? Allen was a very good host.Sa buong oras ng pagkain ay hindi ito nauubusan ng kwento.They talked about business and their personal lives. " When I saw you kanina,I thought you have a date",wika ni Allen at sumulyap kay Edward."Who are you with,anyway?",dagdag pa nito. "I'm with Xander,bro..Nagpaalam na ako sa kanyang uuwi kanina,but it seems mas naunahan nya pa akong lumabas.Well, what can I do?I've been trapped",tumatawang sagot ni Edward.Sinulyapan nito ang dalagang tahimik na kumakain. " I see...Akala ko nga si Yvette ang kasama mo eh.How is she,anyway? ",Allen asked.He'd met Yvette once nang kasama ito ni Edward na mag attend ng Charity Ball. Cassie cough upon hearing the name.Hindi sinasadyang nasamid siya. " Are you alright, Sandra?",her friend Allen asked.Nilingon siya nito at inabutan ng tubig."Here..drink this ". " Thank you ",aniya pagkatapos uminom. " Sorry for that...nasamid lang ako".,Cassie added apologetically. Habang patuloy sa pagkukwentuhan sina Allen at Edward ay nakikinig na lang siya.She barely speak and she's very much aware that Edward is intently looking at her.And she's starting to feel conscious and uneasy. "How about you, Cassandra? How are you coping with your career?", Edward managed to ask her.Kanina pa niya napapansing hindi komportable ang dalaga. "I'm ok.. I'm good...Masaya...Enjoying the freedom of my personal life although there's no freedom when it comes to press", sagot niya sa tanong ni Edward.Malupit at mapanghusga ang media/press kadalasan.Pati personal niyang buhay ay pinanghihimasukan. " At least you're happy with what you're doing. Di ba yan naman talaga ang gusto mo?Freedom...Without having responsibilities and obligations. ",he mocked her.And she honestly didn't know what he mean when he said that. Hindi na lang siya kumibo sa sinabi nito.She shrugged her shoulder and decided to go to the powder room. " Excuse me.I think I need to go to powder room",aniyang tumayo at tuluy-tuloy nang lumakad. She can't help but think.Hindi niya maintindihan kung bakit ganito siya pinakikitunguhan ni Edward makalipas ang limang taon.Nagagalit ito sa kanya na para bang umalis siya ng may malaking kasalanan dito. It was the other way around!!He was the guilty one!Kung tutuusin,siya dapat ang magpakita nang ganung pagtrato dito.At ang inaasahan niyang gagawin nito kung hindi man repentant, at least polite and civil. Perhaps this little scenario had to be a hallucination. When Cassie return to their table, inabutan nyang may kausap si Allen sa phone. "Yes dad?..When?You mean right now?Ah...,ok..ok", is what they hear from Allen.Then he looked at them. " I am so sorry 'bro...Sandra...but something came up and I badly need to go.",paalam nito sa kanila."Mauna na ako sainyo". "It's alright,Allen..I need to go also", Cassie answered. Nang makita nyang tumayo si Allen ay sumunod na rin siya.She'd rather leave kaysa maiwang kakwentuhan ni Edward. Kung tutuusin ay kanina pa nga dapat siya nagpaalam. " Of course..Uwi na rin naman ako",narinig nyang sabi ni Edward pero ni hindi niya na ito pinagkaabalahang lingunin.Tuloy tuloy na siyang lumakad palabas. When they reached the parking area of the restaurant ay sandaling napahinto si Allen at tiningnan sya. "Come on,I'll drop you by sa hotel na tinutuluyan mo.I know you haven't brought your car", yaya ng binata sa kanya.Agad naman siyang tumanggi dahil alam nyang nagmamadali na ito. " No need...I'll be fine.Mag-re-rent na lang ulit ako ng taxi.". "Are you sure?What if.......?", Allen ask with hesitation. Pano kung may makakilala sa dalaga at pagkaguluhan ito.Natatandaan nyang minsan nang nangyari yun.Na lumabas itong mag isa at pinagkaguluhan ng mga fans at press people. " Don't worry...probinsya 'to at bihira lang marahil ang nakakakilala sakin dito.Matutulungan ako ng scarf na ito para makauwi ng safe",nakangiti niyang saad at itinaas ng bahagya ang scarf na ginamit kanina para ipakita kay Allen. "I'll take her to the hotel 'bro...Don't worry.Ako nang bahala...", si Edward na hindi niya namalayang nasa likod niya na pala. " Ok...Thank you then, bro.",ani Allen at sumakay na sa kotse nito saka nagmamadali nang umalis.Naiwan siyang naguguluhan at nakatingin kay Edward. "Hop in...Ihahatid na kita", Edward said while opening the door of his car para papasukin siya. " Thanks but no thanks Gov.Garcia",tanggi ng dalaga.Naglakad siya ng bahagya palayo sa binata. "It's already late at mahirap ang mag commute pag ganitong oras, Cassie.Madalang na ang sasakyang pumaparito", ani Edward sa dalaga.Siya na nga tong nag aalok ng tulong ay ayaw pa nitong tanggapin. " Then I'd rather walk kaysa sumabay sayo.".She doesn't care if she was acting childish.Kanina pa siya naiinis dito. "Walk!?", he growled." Don't be silly, Cassie. Isang kilometro ang layo nito sa bayan.",wika ng binata sa paraang tila sya batang nag-ta-tantrums. "Grow up Cassie and stop acting like a child....Hop in", he doesn't care if it sounds like a demand.Naningkit ang mga mata niya nang makitang hindi man lang tuminag sa kinatatayuan ang dalaga. "Never...Sanay akong maglakad so leave me alone, Edward. Kaya kong umuwing mag isa.", pakikipagmatigasan niya dito.Sarcasm laced her voice. Tumalikod na siya at inumpisahang maglakad.Bakit ba kasi walang dumadaang sasakyan para makauwi na siya at makalayo sa mayabang na lalaking ito. Instinctively, inabot siya nito at hinawakan sa braso.Sa isang sandali ay natilihan si Cassie.Hindi niya inaasahan yun.Furiously, nag angat siya ng mukha dito.For a fleeting moment,they stared at each other.And in his eyes,she saw a reflection of the torment she was feeling. Pagkuwa'y binitiwan din siya ni Edward.Nalilito siya nitong tinitigan. Paano nito naisip na gugustuhin niyang magpahatid dito pauwi.Another minute with him and she'd scream blue murder. Gumuhit ang kasiyahan sa dibdib niya sa nakitang reaksyon ng binata.If he thought she was still the same nineteen-year old girl five years ago..,then he should think again. " You're being ridiculous, Cassie",anito.,his obvious surprised had turned to anger. Ang galit nito'y hindi na bago sa kanya.Nang huli nya itong makita ay yun ang nasa mga mata nito.And yet,it wasn't just anger that she saw in his eyes now.Ang naroon ay pait at paninisi at panghihinayang.Hindi siya maaaring magkamali. May ilang sandaling natigilan si Cassie. The urge to touch him was too strong.Na kahit siya'y gustong mamangha sa sariling damdamin. No...She wouldn't be fooled again.Tama na ang minsan. "Good bye, Edward.", she said in a cold and distant voice." I hope we'll be civil with each other next time we meet". "Civil?", he almost choked on the word." You expect me to be civil after what you've done?". Napasinghap siya."What I've done?My god, Edward, ako ang..----". "Shut up and get in the car, Cassandra.",wika ni Edward sa kanya.Hindi siya nito pinatapos sa dapat sana ay sasabihin niya.Bakit?Dahil ba ayaw nitong ipamukha nya dito ang ginawang kataksilan. Cassie's eyes glazed with tears.At bago pa makita ni Edward yun ay tumalikod na siya at humakbang. " Cassie.... ",she hear him call her name. " Leave me alone, Edward ",sagot niyang hindi lumilingon at binilisan pa ang paglalakad. " Damn you Cassie...I wish you hadn't come back.",he swore.Enough for this nonsense argument.Bahala ang babaeng ito umuwi mag isa.At naiinis nang pinaharurot ni Edward ang kotse. Cassie bit her lip.Parang patalim ang salitang yun na humiwa sa dibdib nya.Sinikap niyang pigilin ang luhang kanina pa gustong pumatak.Hindi lang ito ang umaasam na sana'y wala siya sa lugar na ito.Na sana'y hindi na lang sila muling nagtagpo. Now she's left alone in the deserted road.Wala nang mga dumadaang sasakyan dahil mag-a-alas onse na ng gabi.She wanted to curse Allen for this.Ang dami namang restaurant na malapit lang at nasa kabayanan ang pwede nilang puntahan ay dito pa nito napiling magpa reserved. She started to walk.Palingon-lingon at nagbabaka sakaling may dumaan kahit tricycle man lang.Subalit halos tatlumpong minuto na siyang naglalakad ay wala pa rin.Malayo pa ang lalakarin niya bago siya makarating sa bayan.Nangangalay na siya sa kakalakad,lalo pa at rough road ang kanyang dinadaanan. Nagulat siya sa paghinto ng kotse sa harap nya."Get in",Edward said.Binalikan siya nito.At bago pa siya makakilos ay inabot na nito ang passenger door ng kotse. She opened her mouth to say something but Edward beat her to it."Get in and don't be stubborn, Cassandra.",salubong ang kilay na ulit ng binata.Subukan lang nitong huwag sumunod at hindi siya mangingiming buhatin ito at ihagis sa loob ng sasakyan.Kung hindi lang talaga alanganing oras at delikado ay hindi niya na babalikan ang dalaga. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.Without a word,lumakad sya patungo sa nakabukas na pinto at pumasok. Isang ismid ang lihim na pinakawalan ni Cassie. Just like Edward.. So arrogant..So sure of himself.Muli niyang nilingon ang paligid.Edward was right. Baka talagang abutin siya ng umaga bago may dumaang sasakyan.And it was Allen's fault. Kung saan na marahil napunta ang isip niya dahil hindi niya nakuhang isara ang pinto pagkapasok.Dumukwang si Edward at inabot iyon. She bit her lip and closed her eyes tightly as his scent assaulted her.At napasinghap siya nang masagi ng braso nito ang dibdib niya. "Sorry", wika nito but didn't sound like it. Ilang sandali pa ay tumatakbo na sa mahabang kalsada ang sasakyan.Edward drove smoothly. Wala siyang imik at nahahapong isinandal ang katawan.Ramdam niya ang pagod hindi lang ng katawan kundi pati na ang kanyang isipan. " Are you ok?",tanong ng binata makaraan ang mahabang katahimikan sa pagitan nila.Ni hindi nito inaalis ang paningin sa kalsada."You look very tired",dagdag pa nito.His voice laced with surprised gentleness. Hindi siya sumagot.,sa halip ay nagkibit lang ng balikat.Muling namagitan ang mahabang katahimikan.At pagkuwa'y ,"Tell me, Cassie.,Did you really love that DOM?". Nagdikit ang mga kilay na nilingon niya ito. "What are you talking about?", she hissed. " Let's not play games,Cassie.",he said sharply. "Hindi miminsang lumabas sa peryodiko at mga magazine ang larawan ninyo ng multi-milyonaryong matandang iyon.Karamihan ay humula na hindi kayo magtatagal.But you surprised them all dahil hanggang ngayon ay kayo pa rin.And I doubt kung may plano man lang siyang iwan ka...Tsk...tsk...ang nagagawa nga naman ng mga batang katulad mo.". Nilingon nya ang labas ng bintana..Sa mga nagtataasang gusali na puno ng ilaw.Pagkatapos ay tiningala ang madilim na kalangitan at pinuno ng hangin ang dibdib. As much as possible, iniiwasan nyang magbasa ng kahit na anong peryodiko at magazine.Hindi siya interesadong mabasa roon ang anumang tsismis tungkol sa kanila ni Fernando Rivera. " Sana'y naging matalino ka Cassie.That businessman would have made you very rich.Didn't he propose on you and offer you marriage? ",pakiramdam niya ay puno ng pang iinsulto ang tono ng pananalita ng binata. " Wala kang pakialam sa buhay ko,Edward ",she hissed.Nananahimik na siya ay ayaw pa rin nitong tumigil. " Hindi ba at may anak kayo?". Marahas na napasinghap si Cassie.Wala sa loob na napahawak nang mahigpit sa door handle na tila ba doon nakasalalay ang buhay niya.Natitiyak niyang tinakasan ng kulay ang mukha niya. "You have a child with him,haven't you", patuloy pa nito."Paanong nangyari yun?Hindi ba tumalab ang mga pills na pampalaglag?he said violently.Naglabasan ang mga ugat nito sa kamay habang nakahawak ng mahigpit sa manibela. " O sadya kang nagpaanak sa matandang iyon,knowing na mas mapera siya.Akala mo siguro'y mabibigyan ka niya ng mas marangyang kasal". With a trembling hand,she covered her mouth.Halos bumaon sa pisngi niya ang kanyang mga daliri para pigilin ang sarili sa pagsigaw....from telling this hateful bastard that the child he was talking about was his own flesh and blood. Gustong mahilo ni Cassie sa mga pinagsasabi ni Edward.She can't believe this man was thinking the worst to her.Ganun pa man ay pinili nya na lang manahimik. "Say something, you b***h!", halos humiyaw ito nang manatili siyang hindi nagsasalita.Pinukpok ng kamao ang steering wheel. The car swayed a little over the edge of the road and Cassie almost screamed. Subalit agad ding nakontrol ni Edward ang manibela and smoothly went back to the road. For a while,Cassie closed her eyes tightly.Pagkuwa'y nagmulat at nilingon ang gilid ng daan.May kalaliman iyon at kung sakaling nahulog sila ay sa bangin sila babagsak.Huminga siya ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib.Her heart was pounding fast on her chest. Nilingon niya ang binata pagkatapos."What else do you want me to say, Edward?", she said in a quavering voice." You seemed to know a lot about me.Hindi ko akalaing inaabala mo ang sarili mo sa pagbabasa ng mga tsismis tungkol sakin.",patuya niyang wika habang tinitingnan ito.Nakita niya ang pagbaba-taas ng dibdib nito na tila ba pinipilit ding kalmahin ang sarili.Marahas itong bumuntong hininga habang patuloy sa pagmamaneho. "And I don't understand you at all...!You and Yvette were now together. Ano pa ba-----....", " Leave Yvette out of this Cassandra.",mariing putol ni Edward sa sasabihin niya. Muli ay ibinaling nya sa labas ang paningin.Tumingala siya at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. Then she spoke calmly. "Hindi ako nagpunta rito sa sarili kong kagustuhan,Edward.Kung ako ang masusunod,hindi na ako aapak sa lugar na ito kailanman.Pero ipanatag mo ang sarili mo dahil pagkatapos kong magampanan ang dahilan kung bakit ako nandito ay babalik agad ako ng Maynila.I wouldn't even wait until the reception's over. So..,can we agree on a truce?", Cassie said. Isang tango lang ang isinagot nito sa kanya.Ipinagpatuloy na nito ang tahimik na pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa Heaven's Hotel.Agad bumaba ng sasakyan si Cassie. " Thank you",marahang usal ng dalaga at tumalikod na para pumasok sa hotel.Walang imik na sinundan ng tingin ni Edward ang papalayong dalaga.Ito ang unang beses nilang paghaharap makalipas ang limang taon.Pero nakakapagod isipin na ngayon pa lang ay mainit na sagutan kaagad ang namagitan sa kanila. Nang mawala na sa kanyang paningin ang dalaga ay pinaandar nya nang muli ang sasakyan.He badly needs to rest.Sumasakit ang ulo niya sa mga pangyayari. Pagdating ni Cassie sa kwarto ay wala sa loob syang naupo sa kama.Sana'y hindi na sila muling magkita ni Edward hanggang sa bumalik siya ng Maynila.Kung palaging ganoon din lang ang mangyayari tuwing magkakaharap sila ay tiyak na hindi niya kakayanin.Isang araw at kalahati na lang naman siyang mananatili sa lugar na ito.Titiisin niya na lang at iiwasang lumabas para hindi na sila magtagpo pa ni Edward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD