Five

1853 Words
She was awakened by the ring of her cellphone. It was Edward. "Hello....Good morning!",she answered his call.The thought of what happened yesterday and last night flashed in her mind.Humingi ng dispensa sa kanya ang binata dahil nakalimutan nito ang usapan nila.Kahit medyo masama pa ang loob nya ay nakipag reconcile na lang sya para hindi na humàba pa ang gulo. Napaaga naman yata masyado ang tawag sa kanya ng binata ngayon.It's now 7:00 am.Ngayon sila pupunta sa couturier. "Babe... 'Morning too...Sorry for waking you up this early",si Edward sa kabilang linya. "No..,it's ok.Bakit?".,she asked.Bumangon na sya at naupo sa kama. "I think I can't go with you today ,Babe..Nagkaron kasi ng emergency sa Davao branch.I need to fix it personally kaya...",he explained.Hindi nya natapos ang sasabihin dahil narinig nyang nagsalita ang dalaga sa kabilang linya. Gustuhin man nyang samahan si Cassie ay hindi talaga pwede.Hindi nya maaaring ipagpaliban ang pagpunta sa Davao.Wala din syang ibang puwedeng utusan o pakisuyuan.His dad is out of town dahil may inaasikaso din ito doon.And Xander is currently out of the country. "It's ok.Kaya ko namang pumunta dun mag isa.Fix the company problem first...Ako na ang bahala dito.I promise I'll be ok",she answered softly. Alam nyang malaki ang responsibilidad ni Edward sa kompanya at naiintindihan nya yun.At least it's not about Yvette this time. "No..Sasamahan ka daw ni Mama pagpunta dun.Hintayin mo na lang sya dyan,ok?",he said.Hindi sya papayag na mag isang pupunta dun si Cassie kaya pinakiusapan nya ang ina na samahan ito."And...Babe..thank you so much for understanding". "Ok...I'll just wait for Tita Benita here.. Ingat ka,ha?I'll miss you",malambing na sabi ni Cassie.He smiled...maswerte sya dahil maunawain ang dalaga at marunong magdala ng sitwasyon. "Yes,I will...I'll miss you more Babe...I love you",he said before ending up the call.The beautiful image of his wife-to-be flashed in his mind. Pagkatapos ng tawag ni Edward ay tumayo na si Cassie para maghanda sa pag alis nila ng nanay nito.Hindi nya nga pala naitanong sa binata kung kailan ito babalik... ??????????????? Mag-a-alas sais na ng gabi ng maihatid sya ni Donya Benita sa bahay nila.Maaga sana silang makakauwi galing sa pinuntahan nilang couturier.Subalit pinilit pa sya ng ginang na dumaan sa hospital dahil nag aalala ito nang sabihin nyang sumasakit ang puson nya.Ayaw nya sanang magsalita pero habang tumatagal ay lumalala ang sakit na kanyang nararamdaman kaya natakot na din sya sa maaring mangyari sa dinadala nya. Stress and over fatigue ayon sa doctor na tumingin sa kanya.Nagkataon kasing wala si Dr. Lopez kaya ibang doctor sa kanya ang nag examine.Pagkatapos ay agad na syang ihinatid nito sa kanila. Kinagabihan ay sinubukan nyang tawagan ang binata pero hindi ito sumasagot.Busy pa marahil,naisip nya.,dahil ni wala nga ito kahit text man lang maghapon. Hatinggabi na nang mag text ito. "Why?", according to his message. Nanibago sya sa text nito.Ni hindi man lang sya kinumusta.Nung una ay inisip nyang baka pagod lang ito kaya wala sa mood mag text.Hindi na lang sya nag reply dito. Nang mag aala una na nang madaling araw at hindi pa rin sya makatulog ay nagpasya syang tawagan ito ulit.Magbabaka-sakali sya kung gising pa ito.Kukumustahin at tatanungin nya kung kailan ito makakabalik.She missed him already. Tatlong ring bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello!..Sino'to?",a familiar voice of a woman answered.Yes...,A Woman...Her voice is husky na malamang galing na sa pagtulog."Hello..!!". "H-h-hello...",her heart is beating fast while tears stung in her eyes."Is Edward, there?",she asked.,trying hard to make her voice sounds normal. "Yes,..Edward's with me right now but he's sleeping. Pagod sya at hindi pwedeng gisingin.Who's this,anyway?",the woman on the other line said. Hindi na sya makapagsalita.Pinatay nya na ang cellphone habang nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. She can't be mistaken... The woman was no other than Yvette Villarama....Ano ang ginagawa nito kasama si Edward?Are they sleeping together?At bakit hindi man lang sinabi sa kanya ng binata na kasama pala nito si Yvette sa Davao.Bakit kailangan nitong itago yun sa kanya? She was consumed with jealousy now.Her instinct was telling her that she can't trust that woman.Pilitin nya mang intindihin at hanapan ng logic ang ginawa ni Edward ay mahirap.Hindi nya maintindihan kung bakit magkasama ang dalawa?Kung dahil lang sana sa trabaho ay walang problema.Pero hindi...pati sa pagtulog ay magkasama ang dalawa....in one room.At si Yvette pa ang may hawak sa cellphone ng binata.Ayaw nyang magduda pero hindi nya maiwasan.What is going on between Yvette and Edward? Halos magdamag syang hindi nakatulog sa kakaisip.Wala syang ginawa kundi ang umiyak.Ano ba ang nangyayari sa kanila?Bakit nitong mga nakaraang araw ay madalas magkasama ang dalawa? Hanggang kinabukasan ay wala pa rin syang natanggap na tawag mula kay Edward. Though she's hurt she still want to give him the benefit of the doubt. She wants to hear his side of explanation. She don't want to jump in a wrong conclusion. She dialed his number but he didn't take her call.Sinubukan nyang i-text si Yelena para tanungin kung dumating na ang kuya nito.Pero ayon sa dalagita ay hindi nito alam dahil hindi pa naman umuuwi sa mansion si Edward. Hapon na nang makatanggap sya ng message mula dito na dumating na daw si Edward.Hindi daw pero ito umuwi sa mansion dahil may ibang pinuntahan.Naisip nya,saan kaya ang maaring puntahan ng kasintahan?Baka naman dumiretso na si Edward sa bahay nito. Mabilis syang nagbihis at inayos ang sarili.Kailangan nya itong makausap para mabigyang kasagutan ang mga tanong na nasa kanyang isipan.Pupuntahan nya ito sa bahay nito. Dahil kilala na sya ng guard na naka duty sa main gate ng village ay hindi na sya nahirapang makapasok.Pagdating nya sa tapat ng bahay ay nakita nyang naroon ang sasakyan ng kasintahan.Kung ganoon ay nandito nga tumuloy si Edward. Diretso na syang pumasok dahil hindi naman naka lock ang main door.Bagay na ipinagtaka nya dahil kilala nya si Edward at hindi nito ugaling iwanang hindi naka lock ang pinto. Pagpasok nya sa sala ay nakita nya ang bag at attaché case nito na nakapatong sa sofa.Tumingala sya at dahan dahang pumanhik ng hagdan.Marahil ay nasa silid nito si Edward nagpapahinga. Kumunot ang noo nya nang mapansin ang isang bag na kulay pula sa may gilid ng hagdan.Bag ng babae...!!!?Kaninong bag ito???Does it mean na nandito si Yvette??? At sa umaalong dibdib ay nilingon nya ang kwarto ni Edward. Mabigat ang mga hakbang na lumakad sya patungo doon.Tila hindi nya alam kung ano ang gagawin. At sa banayad na kilos ay lumapit sya.The door was partly opened. Narinig nya ang tinig ni Edward. It was more of a groan.Lalo nang parang mabibiyak ang dibdib nya sa matinding kaba.Itinulak nya pabukas ng pinto. She saw them.Parehong nakatayo sa may paanan ng kama.Edward has nothing on but his black boxer shorts.Sa isang kamay ay may hawak na kopita ng alak.Samantalang ang isang kamay nito'y nakahawak sa balikat ng babae.Ang mukha nito'y nakakulong sa mga kamay ni Yvette...Naka tuwalya lang ito at litaw ang makinis at maputing binti. Unang lumingon sa pinto si Edward. Inaasahan nyang mamamangha ito pagkakita sa kanyang nakatayo roon.Or she would see guilt on his face.Subalit wala syang makitang alinman sa dalawang reaksyong kanyang inaasahan mula rito.His eyes were empty as he looked back at her. Nang lingunin nya si Yvette,tumalikod ito na tila ba hindi nito gustong makita nya sa mukha nito ang kasalanang ginawa.,she even groaned and sobbed.Then she saw her walk to the bathroom with head down facing the floor. "A-anong ibig sabihin nito Edward?",sinikap nyang itanong bagamat nanginginig ang kanyang tinig. "Get out of my sight, Cassandra...Hindi kita gustong makausap.!!!Get out!!!!!!",he shouted her in a strange tone. Then she was shocked... hindi nya alam kung ano ang gagawin....kung ano ang sasabihin.Gusto nya itong lapitan...sampalin...saktan...Gusto nyang ipadama dito ang sakit na nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Hinang-hina ang kanyang pakiramdam sa natuklasan.Tila nawala lahat ng lakas nya.Kung paano sya nakalabas at nakaalis sa lugar na yun ay hindi nya alam.Parang gusto syang takasan ng katinuan.Parang mababaliw sya sa mga nangyayari. Namalayan nya na lang ay nasa burol na pala sya.Ayaw pa ring tumigil ng luha nya.Matagal syang naupo sa damuhan at umiyak nang umiyak.Umaasa syang susundan sya ni Edward para magpaliwanag.Para sabihin nito sa kanya na hindi totoo ang lahat ng 'to.Subalit inabutan na sya doon ng hatinggabi ay walang Edward na dumating. Pinilit nyang kalmahin ang sarili.Kailangan nyang makauwing ligtas kahit para na lang sa buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan.Paano na sya ngayon?Kailangan nyang magpakatatag para sa anak nya. Pagdating nya sa bahay ay inabutan nya ang tatay nyang naghihintay sa kanya. "Bakit ba ginabi kang masyado,bata ka?",nag aalalang tanong nito at tinitigan syang mabuti."May problema ba ,anak?Nasaan si Edward? Hindi ka ba hinatid?",dugtong pang usisa nito.Tutuloy na sana sya sa pag akyat sa kanyang kwarto subalit tumayo ito at hinawakan sya sa balikat. "Sabihin mo sa akin kung anong probema ,anak.Tatlong araw na lang ay ikakasal ka na...bakit parang may mabigat kang dinaramdam?". Dahil sa pagkakabanggit ng ama tungkol sa nalalapit nyang kasal ay muling dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi. Niyakap sya ng kanyang Tatay Diego at marahang hinaplos ang kanyang likod para aluhin sya.Pinipilit sya nitong magsalita at sabihin kung ano ang problema ngunit nanatili syang tahimik.Sa ganoong tagpo sila nakita ni Nanay Lourdes.Lumapit ito sa kanila at tulad ng tatay nya ay tinatanong sya kung ano ang nangyari..,subalit hindi sya umiimik at nanatili lamang sa tahimik na pag iyak. Hanggang sa pumanhik sya sa kanyang silid ay wala syang sinabi sa mga magulang.Parang hindi sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kinabukasan ng umaga ay natanaw nyang huminto sa tapat ng bahay nila ang sasakyan ni Edward.Dali-dali syang tumakbo pababa para salubungin ito.Kasalukuyang nasa palengke ang tatay at nanay nya. Hindi nya alam kung bakit sa kabila ng sakit na pinararamdam nito sa kanya ay ayaw nya pa ring sumuko.Gusto nyang maniwalang maaayos pa nila ang lahat. Mahal nila ang isa't isa,..alam nya yun. "Cassie...I'm sorry if you've found out that way.Believe me,..I didn't mean to hurt you..At si Edward..",wika ni Yvette sa kanya.She thought it was Edward who arrived. "Where is he?",she asked unemotionally, ni hindi nya gustong lingunin o tingnan man lang si Yvette.She smelled her expensive perfume.Natitiyak nya kung gaano ito kaganda nang umagang iyon. At hindi nya kayang humarap dito nang matagal sa itsura nya ngayon.Kahit isang sandali ay wala syang itinulog magdamag.Ang mga mata nya'y namumugto sa kaiiyak.Ang ilong nya'y namumula.Pagtatawanan sya nito sigurado.And she couldn't take it. "Nasa bahay...tulog pa siya nang iwan ko",Yvette answered in her voice filled with remorse. "Makakaalis ka na Yvette.",pagtataboy nya dito. "Forgive me Cassie... Forgive us",ani Yvette sa kanya.Narinig nya ang paghikbi nito.She sneered. Nang makaalis na si Yvette ay muling kumawala ang luha nya.Umakyat sya at maghapong nagkulong sa kwarto nya.Gusto nyang umalis.Magpakalayo-layo.Pero ayaw naman ng puso nya. Maghapon pa muli siyang naghintay at nagbakasakali na darating ang binata at magpapaliwanag.Subalit hanggang sa muling gumabi ay walang Edward na dumating.Tuluyan na bang tinapos nito ang lahat sa pagitan nila? Alas tres ng madaling araw nang magising sya - and wished with unbearable pain in her heart na sana'y hindi na siya nagising pa...Na sana ay makatulog na lang siya habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD