18

1510 Words

“WHO’S your father?” tanong ni Anne kay Nigel habang pabalik na sila sa villa. Naalala niya ang ilang mga sinabi nito sa kanya. Tumimo sa kanya na isa sa mga kuya ng binata ang tunay nitong ama. “Kuya Pepe,” kaswal na tugon ni Nigel. Walang kahit na anong pait o hinanakit sa tinig nito. “Paano nangyari?” Nagulat siya sa kanyang nalaman. Kung ganoon, panganay itong apo ni Mama Ancia at hindi talaga bunsong anak. Bakit hindi sinabi sa kanya ni Nigel ang bagay na iyon dati? Nagkibit-balikat ang binata. “Hindi handa si Kuya Pepe noon na maging isang ama. I was just an accident, produkto ng one-night stand. Ni wala ngang relasyon ang mga magulang ko noon. Pero inamin ng totoong mama ko na sinadya niyang may mangyari sa kanila ni Kuya Pepe sa pag-aakalang gaganda ang buhay niya. Nagkamali siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD