Kinabukasan ay pumasok na si Kiara sa university. Because of color coding hindi niya dala ang kanyang sports car at ang driver ng kanyang daddy ang naghatid sa kanya. Inayos niya ang kanyang suot na uniporme. It was a white long sleeves with a black necktie and a black knife pleated short skirt. Pinaresan iyon ng black lady tube above the knee socks.
Malayo pa lang siya, natanaw na niya si Misty at Cielo na nakatambay sa isa sa mga bench ng university habang naghihintay sa kanya.
"Kiara!" Misty called her at kumaway-kaway pa.
She waved back and began walking towards them. "Hello girls," she smiled while posing, showing her new haircut.
"What the hell did you do to your long hair Kiara!" Misty exclaimed.
"Isn't it obvious? Of course she did cut it," natatawang tugon ni Cielo.
"No, I mean why did she cut it?"
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago umupo sa gitna ng dalawa. "For a change…" she answered at pareho silang tinapunan ng tingin.
After she and Misty exchanged texts yesterday. Naisipan niyang pagupitan ang kanyang buhok. Since she decided to move on with her stupid affection towards Helios the jerk, she cut her long hair into a C-bob cut. The stylist told her na bagay naman iyon sa kanya since she had a small heart shape face.
Oh diba, daig pa niya ang totoong jowa na hiniwalayan!
Humarap siya kay Misty na sinisipat siya ng tingin. "Hindi ba bagay sa'kin?" Bahagya pa siyang napasimangot.
"Hindi naman sa ganun. Looking at you now made me realize that the saint-like face Kiara is gone and transformed into a bitchy woman."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ni Misty. Nilingon naman niya si Cielo para tanungin. "How about you? What can you say? Is my hair fine?"
Cielo raised a thumbs up. "You look hotter in that hair, Kiara. I'm sure tulo laway na naman ang mga admirers mo lalong lalo na si Finn Jarvis." Tukoy nito sa isa sa mga heartthrob ng university na manliligaw niya.
"Baliw! By the way Misty, you told me we have a new professor. What's his name?" Tanong niya.
Nakita niya kung paano maglupasay sa kilig si Misty nang mabanggit niya ang tungkol sa bago nilang professor.
"Oh my God Kiara! Ang gwapo-gwapo niya talaga. I'm sure magugustuhan mo siya. You said you like someone who's a lot older than us, particularly, like Prof Laxamana, right?" Tukoy nito sa crush ni Laura.
Tumango naman siya.
"Well this is it! Grabe talaga. Ang ganda-ganda ng mga mata niya. I never knew that black orbs existed," Misty dreamily said.
Nais na niyang mapairap. Of course black orbs exist. Helios has it. Ugh! That man again!
"Speaking of our new Math professor, he's here!" Cielo whispered at napadako ang tingin sa pathway patungong faculty room.
She followed Cielo's gaze at ganun na lang ang
panlalaki ng kanyang mga mata nang mamataan ang pamilyar na pigura ng lalaking nais na niyang kalimutan! What the heck is Ghost Helios Moretti doing in their university?
"See? Kahit ikaw natulala sa kagwapuhan niya diba?" Kinikilig paring puna ni Misty.
Nilingon niya ang kaibigan. "S—siya ba ang new professor natin?" Paninigurado niya.
"Yes! He's Prof Moretti. Balita ko taga-Italy daw yan pero nasa Pilipinas siya ngayon. Gosh! Ano kayang feeling kapag nasa loob ako ng matitipuno niyang braso—aw!"
Natigil sa pagsasalita si Misty nang batukan ito ni Cielo. "Tumigil ka nga . Nakikita mo ba yang si Miss Pastrano?" Tukoy nito sa English professor nila na kasabay ni Helios na naglalakad.
Napahimas si Misty sa ulo. "Bakit? What about her ba?"
"Narinig ko sa faculty room kahapon na boyfriend niya iyang Math professor natin," Cielo answered.
Naniningkit ang kanyang mga mata na nilingon si Cielo? "Are you sure about that?"
"Yup! Narinig ko mismo sa bibig niya girl kaya wag na tayong umasa dyan. Kung tutuusin wala tayong panama dyan kay Ma'am Amanda kahit na maganda pa tayo. She's too gorgeous tapos Maria Clara pa kung kumilos at successful pa kaya ekis na tayo dyan."
Napakuyom ang kanyang kamao sa narinig. So kaya pala ayaw nito sa kanya dahil si Ma'am Amanda ang gusto nito. So Amanda has all the qualities that Helios wants which she didn't have? Sa isiping iyon ay hindi niya mapigilang mapairap.
"Ano bang gwapo dyan, Misty!" Pagtataray niya. "Look at his jaw, it's too square. Mukha siyang libro honestly, tapos masyado siyang maskulado. Mukha siyang bouncer sa club. Alam mo bang kadalasan sa malalaki ang katawan maliit ang etíts niyan? Duhhh! Who knows two inches lang ang alaga niyan. At isa pa, he's too old. I'm sure yung mga tipo niya amoy efficascent oil at white flower na gaya ng sabi ko noon. Hindi din siya mukhang masarap gaya ng sabi mo. Mas masarap pa tingnan si Johnny Sins dyan eh," nakangiwi niyang sambit.
"The hell! Masyado ka namang mapamintas Kiara." Hindi makapaniwalang wika ni Misty.
Inirapan niya ang kaibigan. Wala siyang pakialam kahit na marinig pa siya ni Helios. She was too mad. Super duper mad at what she discovered. Padabog siyang tumayo sa upuan at inayos ang kanyang bag bago nilingon ang dalawa na nagtataka sa pagbabago ng kanyang mood.
"Tara na nga," naiinip niyang aya sa mga ito.
Mabilis namang tumayo ang dalawa at sumunod sa kanya. They entered their room at pumuwesto na sa kani-kanilang upuan. The whole class is so boring lalong lalo na ng si Miss Amanda na ang nagtuturo. Umiinit ang kanyang dugo. Ma'am Amanda was too good to be true. Mukhang hindi makabasag pinggan ang mukha at boses nito. She admits it. She was super jealous. Mabuti na lang at sa wakas natapos na ang oras nito.
"Hey Kiara, are you alright?" Kunot noong tanong ni Cielo.
Tamad siyang tumango sa kaibigan.
"You really don't look well. Mukha kang sinusumpong. May dalaw ka ba at mukhang mainit ang ulo mo?" Untag naman ni Misty.
She was about to answer nang bigla na lang pumasok ang lalaking laman ng isipan niya sa loob ng classroom nila. Ghost Helios Moretti was now in front of the class roaming his eyes around, scanning the whole room until his eyes landed on her.
Nahigit niya ang kanyang paghinga nang magtama ang mga mata nila. Muntik na nga niyang makalimutan na nangako siyang mag-momove on na. When she remembered her promise, siya ang unang nagbawi ng tingin dito at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang mga mata.
She won't get affected just because he's here. Hindi lang siya ang lalaking masarap sa mundo. Marami pang iba. Who knows that his Italian baby monster isn't meant for her Greek pearl.
"Kiara Emiliana Castellanos?" Tawag nito sa pangalan niya. His husky deep voice was so good to hear.
"Present…" Tila hindi interesado niyang sagot.
The whole room went silent. Napalingon siya kay Helios na ngayon ay Math professor na nila. Mataman itong nakatitig sa kanya. She unconsciously raised one of her brows. Nakita naman niya ang bahagyang pag-iling nito bago nagpatuloy sa pagtawag sa iba niyang mga kaklase.
Helios was now discussing different formulas of the said topic pero wala doon ang atensyon niya kundi sa mga labi nitong nakakaakit kapag nagsasalita. Ilang beses na siyang sinaway ng kanyang utak subalit nahuhuli pa rin niya ang kanyang sarili na napapatulala sa lalaki.
"Hays, sana hindi na lang nag-end ang Math subject natin. Kahit na buong araw pa basta si Prof Moretti lang ang magtuturo, okay lang," nakapangalumbabang sambit ni Misty.
Kasalukuyan silang nasa canteen ng university para magmeryenda. Hindi naman ganun karami ang estudyante dahil ang iba ay nasa mga benches nakatambay.
"I thought you like Neon, Misty. Bakit ngayon si Prof Moretti na naman ang gusto mo?" Kunot noong tanong ni Cielo.
"Duh! Eh, hindi nga namamansin eh," pairap naman nitong sagot.
Cielo chuckled. "Di ka nga pinansin ni Neon si Prof Moretti pa kaya."
"Excuse me, Miss Castellanos, may nagpapabigay po pala sa inyo," ani ng isang staff sa canteen.
Kunot noo niyang tinanggap ang kulay pink na paper bag mula sa staff. "Kanino galing to?" Tanong niya.
Though she's used to this since her admirers kept giving her any present, nakasanayan na talaga niyang magtanong sa staff na nagdadala ng mga ganito.
"Sabi po ng nagpadala kilala niyo na daw po siya," magalang nitong sagot.
She nodded at the staff before turning her gaze at the paper bag. Sinilip niya ang laman nito at nakita ang isang cute pink container. Marahan niya itong binuksan at napasinghap nang makita ang super creamy moist cake na paborito niya!
Pinagmamasdan pa nga lang niya iyon ay naglalaway na siya.
"Wow ang sarap, kanino ba galing yan?" Usyuso no Misty.
She read the small sticky note with a very neat handwriting tagged along the cover.
'Enjoy your snack Emiliana…—H.'