MATURE CONTENT! Pagbaba namin ng bangka ni Rocky ay namangha ako dahil sa angking ganda ng paligid. Napamaang ako nang makita ko ang isang malaking bahay sa aming harapan, ito na siguro ang sinasabi niya na pagmamay-ari nila. Isa siyang mayamang tindero ng isda sa palengke na hindi ko aakalaing isa pala siyang Montealegre. Nagduda ako noong una pa lang dahil hindi naman siya mukhang ordinaryong tao base na rin sa kaniyang pananalita. Pero hindi ko naisip na isa pala siyang Montealegre at sila ang nagmamay-ari ng iba't-ibang lupain dito sa Quezon. Hinawakan ni Rocky ang isang kamay ko at pinagsiklop ito kaya nag-angat ako nang tingin sa kaniya at nakangiting sinulyapan naman ako. Hindi ko naman lubos na maisip na ang lalaking inakala ko na tindero lamang ng isda ay mamahalin ko ng gani

