“HI! CAN I join you?” Isang mapang-akit na tinig ang narinig ni Evo hindi kalayuan sa kanya. Sa isang club sa Makati siya nagpapalipas ng oras, Umiinom ng alak mag-isa. Gusto niyang magpalipas-oras dahil sa napaka-toxic na trabaho. Isa pa, nahihirapan siya na wala si Serene sa tabi niya.¬¬¬ “No, sorry . . . I’m with someone,” pagtanggi niya sa babae. Maganda naman ito, sopistikada, at maihahalintulad kay Ivanna Alawi ang hitsura. Iyon nga lang, wala siya sa mood para patulan ito. “Okay,” wika ng babae at umalis na. Gusto lang niyang mapag-isa at mag-isip. Naguguluhan pa rin kasi siya sa nararamdaman niya kay Serene. Nagtataka siya kung bakit ganoon kabilis niyang naramdaman iyon na para bang nahuhulog na siya rito. Pakiramdam niya tuloy sa sarili ay isang asong naglalaway sa buto s

