“CONGRATULATIONS, Evo,” bati ni Serene kay Evo matapos ang kanyang presentasyon sa mga foreign investors. “Thank you, Hon,” wika naman ni Evo. Nilapitan niya ito at hinawakan sa baywang. “I am so proud of you,” ani Serene na may halong ngiti sa kanyang labi. “All of these is because of you,” sambit ni Evo sabay halik sa labi ni Serene. “Is she your wife?” tanong ng isang foreign investor nang mapansin ang paglalambingan ng dalawa. “No! Not yet! But I am hoping for it,” ani Evo at tumingin kay Serene sa huling mga salitang sinabi niya, wari’y sinasabing handa siyang pakasalan ito ano mang oras. Tinaas-baba pa niya ang kilay na para bang nagsasabing maging handa ito. Hindi mawari ni Serene ang ngiti nito na may pagkahulugan. “You, guys, look good together,” sambit naman ng isa rin sa

