LABIS ang kasiyahang nararamdaman ni Evo dahil sa wakas, sinagot na rin siya ni Serene. Opisyal na silang magkasintahan kaya naman nagbigay pa siya ng mas mahambang panahon para makasama ang kasintahang si Serene. Kasalukuyan silang nasa pool at ini-enjoy ang malamig na tubig sa gitna ng napakagandang gabi. Umiinom sila ng champaigne at wari mo’y mga batang nagtatampisaw sa tubig. Pero hindi nakatakas ang maiinit na eksena sa dalawa. Magkayakap na nakangiti sa isa’t isa. Ninanam ang masayang oras na magkasama silang dalawa. Walang oras na hindi sila magkasama na para bang kahit na sino ay hindi magagawang paghiwalayin ang dalawa. Ganito nga yata ang totoong umiibig, hindi namamalayan ang oras na kasama ang taong mahal at kahit ang oras ay hinihiling na huwag nang magwakas. Walang iniisip s

