“HINDI kaya buntis ka?” Ito ang katanungang bumulaga sa isipan ni Stella. May mga araw kasing nakakaramdam siya ng mga senyales ng pagbubuntis ngunit pilit din niyang iwinawaksi sa isipan iyon. Wala kasi sa isipan niya ang magkaanak agad dahil hindi pa siya handang iwan ang career na tinatahak. “This is not going to happen!” Nangingilid niyang pinagmasdan ang tiyan. “Stella, we have to be sure kung tama ang teorya ko. Baka mali lang ako,” saad ni Keeno. “The right thing to do now is to check. Kailangan nating mag-pregnancy test para makasigurado tayo,” dugtong naman ni Lindsay. Kaagad ngang bumili ng pregnancy test kit si Lindsay. Maraming katanungan ang pilit gumugulo sa isipan ni Stella nang mga oras na iyon. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman niya. Pero iisa lang ang sigurado s

