Kabanata 26 "Ade?" "Anong ginagawa mo dito? Why are you with a girl?" Tumingin ako sa kasama n'yang babae na hindi makatingin nang diretso sa akin. "Is she?" At mukhang na gets niya naman ang ibig kong sabihin. "No, Ate!" Napasapo siya sa noo niya. Hindi pa ako handa maging tita at bata pa ang kapatid ko. Mukhang sasakit lang lalo ang ulo ko kung 'yon man ang ipinunta nila dito. "Ma-upo na muna kayo dalawa." Lumingon ako kay Jacky. "Pabili nang meryenda para sa kanilang dalawa, please." Saka siya umalis sa silid. "So, what are you both doing here?" Looking at the girl's chart, Nathalie Anderson is her name. So, she must be related to the Anderson's. "Do you know Tyler Anderson?" Tanong ko sa kanya. Biglang lumiwanag 'yong mukha niya. "He is my brother Doktora." Smiling brightly. "

