Kabanata 4
".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust that time except for Alcantara of course."
And I was shocked by that revelation.
Now everything makes sense to me.
"Eh? Bakit hindi si Doc 'yong pinatahi mo sa sugat mo? Alam mo naman na malapit ka ng maubusan ng dugo at pinatakbo mo pa ako ng malayo." Irap sa kanya habang ininom na 'yong inorder na kape.
"We were just strangers that night Tyler. How can you easily trust me?" Tumingin siya sa'kin na parang nagulat siya sa sinabi ko.
"W-Why?" Nauutal niyang tanong sa'kin ako naman nagulat sa inasal niya. Hindi na niya sinagot 'yong tanong ko sa kanya.
"Anong why?"
"My name." Seryoso niyang tingin sa'kin.
"Tinanong ko lang kay Doc, kung ayaw mong ipagkalat 'yong pangalan mo ay okay lang I can keep it as a secret just like last time."
Hindi na siya nagsalita pa. Nag-iba 'yong mukha niya nang banggitin ko 'yong pangalan niya. Naka sense na ako na baka sekreto lang 'yong totoo niyang pangalan. Naalala ko rin kase na marami siyang kalaban sa industriya.
Tahimik na kaming uminom ng kape. Hindi na rin ako nag -salita. Wala rin naman akong ma topic sa usapan namin. Baka akalain niya nagiging sipsip ako dahil alam ko na may ari siya ng pinagtatrabahoan ko.
Ngayon ko lang din na realize na siya 'yong lalaking kasama ni Doc nung araw na promote ako. Ang dahilan kong bakit ako na promote.
"No, it's not a secret name you can call me Tyler but I prefer to be called Tee." Binasag niya 'yong katahimikan namin.
"Now I remember, is it okay to call you by name? I mean boss kita."
"You already call me by my name earlier, ngayon ka pa nagtanong." Sabay tawa niya.
"Sorry naman." Sabay inom ng kape ko.
Nagkwentuhan na kaming dalawa. Hindi ko alam pero ang komportable niya kausap. Ito 'yong unang beses na may kasama akong lalaki sa day off ko maliban kay Adam. Pakiramdam ko parang matagal ko na siyang kilala.
Kinwento niya rin 'yong dahilan ng pagkasaksak niya. Nangyari daw 'yon sa parking lot papunta na sana siya sa kotse niya nang inabangan siya ng lalaking naka maskara ng itim kaya hindi niya daw nakita 'yong mukha.
"Pina-iimbestigahan na namin kung sino pero may ideya na kami kung sino. Mainit kase pangalan ko especially sa medical industry. As you can see I'm young yet the owner of one of the prestigious hospital. After I gradated, my father immediately appointed me as the CEO. Kaya maraming galit at gusto ipabagsak 'yong hospital."
"May I ask ba't hindi ka nagpapakita sa mga employees mo? I mean during the appointing ceremony, wala ka." Tanong ko naman sa kanya.
"It's not I am hiding pero..." Nagdalawang isip siya kung sasabihin niya ba
"If it's confidential no need to tell me, sorry for asking." Sabay tawa ko. Ayoko nang makisawsaw pa sa kung ano mang problema niya ngayong hindi na kami strangers, boss ko siya.
"I just don't want to talk about that here in public baka may makarinig na iba." Explain niya naman.
"Ohh, I see." Wala na talaga akong masabi.
"Ahmm, where are you going after this?" Pagtanong niya ay napatingin ako sa relo ko at tinignan kung anong oras na. It's already almost 6. Ilang oras na pala kami nagkukwentuhan dito.
"Pupunta ako nang Night Market, bakit?" Sagot ko naman.
"Sabay na ako sa'yo. Wala na rin kase akong pupuntahan pagkatapos natin dito. Ma-bobored lang ako sa condo ko." Sabay lagay ng dalawang kamay niya sa kanyang bulsa.
"Let's go to my car." Sabay alok niya sa'kin. Hindi nako nagdala ng kotse ngayon kase gusto kong mag commute lang. I like adventure.
Tahimik lang 'yong byahe namin with matching acoustic music. Nakatingin lang ako sa bintana na parang nasa isang music video lang. Ayaw kong matulog sa byahe. Sinusulit ko 'yong tanawin sa labas. Kahit na lagi akong nagagawi sa Intramuros ay nababagohan pa rin ako sa ganda ng lugar na'to.
Medyo matagal rin kami nakababa sa kotse dahil naghahanap pa kami ng parking lot kase halos lahat puno. Sunday kase ngayon kaya maraming tao at mukhang kakatapos lang rin misa. Maraming dumidiretso dito sa night market pagkatapos ng misa.
"Ayon, salamat naman at may pagpaparkingan na tayo." Kanina pa talaga kase umiikot tung sasakyan para lang makahanap ng parking lot. Timing rin na may sasakyan na aalis kaya do'n na pinarking 'yong sasakyan niya.
Bumaba na kami ng sasakyan at nagsimula nang maglakad patungo sa night market. Nang nakapasok namin ay sumalubong sa amin ang napakamaraming tao. Hindi ipagkakaila na napaka sikat nito na lugar.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko sila Eli, Ashley, at Adam na kumakain. Mga traydor talaga hindi man lang nagsabi na mamasyal rin pala sila.
"Adi babes nandito ka pala hehe." Sabay kamot ni Eli sa ulo niya. Masama pa rin tingin ko sa kanilang tatlo.
"Hindi kasi na inform na may lakad pala kayong tatlo." Seryoso kong sabi sa kanila.
"May kasama ka rin naman ah? Pogi pa." Ashley
"Kailan ka pa natuto makipagdate, Adi." Adam
Oh s**t! Muntikan ko na makalimutan si Tyler. May kasama pala ako.
"Mamaya na usap bili una kami ng pagkain. Lagot kayong tatlo sa'kin mamaya." Panakot ko sa kanila.
Pagkatapos ng usapan naming 'yon ay naghanap na kami ni Tyler ng pagkain. Mukhang hindi sanay sa night market tung lalaking 'to. Hindi alam kung anong gagawin niya.
"Nakapunta ka na ba dito?"
"It was my first time here eating." Lumilingon pa siya sa lugar.
Bumili na kami ng pagkain pagkatapos ay bumalik na sa inuupuan nila Eli kanina. Habang kumakain kami ay binasag ni Adam 'yong tahimik ko na pagkain.
"Before ka magsalita Adi, nagkita-kita lang rin kaming tatlo dito. Unexpected meet up lang 'to so h'wag ka nang magtampo." Explain ni Ashley at tango lang binigay ko.
"Adi, sino yang kasama mong lalaki?" Si Adam na nakalagay pa ang dalawang kamay sa dibdib nito.
"Tyler" Tipid na sagot ko.
"Adi babes, sorry na." Eli lagi naman. Hindi lang naman ito 'yong unang pagkakataon na umalis silang tatlo na wala ako. Naiintindihan ko rin naman kase sabi ko na may lakad ako ngayong araw.
"Saan mo nabingwit 'tong pogi Adi? Akalain mo nga naman 'yong ayaw sa lalaki may jowa na ngayon." Humalakhak na sabi ni Ashley at napansin ko rin an napatingin si Tyler sa'kin.
"He's not my boyfriend for god's sake, Ashley." Inis na sagot ko naman.
"Then, sino siya? Ba't magkasama kayo?"
Bago ko sagutin ang tanong ni Ashley ay nagtanong muna ako kung pwede ko bang sabihin kong sino siya at tumango lang siya. Tinignan ko ulit 'yong tatlo tila nagtataka.
"Tyler John Anderson, CEO at may ari ng hospital na pinagtatrabahuan natin."
Pagkasabi ko non ay napabuga si Eli sa inumin sa gilid, si Ashley naman ay nahinto sa pagsubo niya sa pagkain at si Adam naman ay naka nganga lang. Kumain nalang kaming dalawa ulit. Tahimik lang naman si Tyler, hindi siguro sanay. Hindi ko lang alam kung bakit masyado siyang komportable sa akin.
"Adi" Sabay na wika nilang tatlo.
"Bakit?" patuloy lang ako sa pagkain.
"IKAW NA ANG PINAGPALA GIRL!" Sabay palakpak nilang tatlo.
Mga abnormal talaga tung tatlo. Nilalagyan na nila ng malisya 'yong pagsasama naming dalawa.
"Alam niyo mga malisyoso kayo." Sabay tingin kay Tyler na kakatapos lang kumain.
"Baka gusto mo mag alita jan? Okay ka lang?" Ang tahimik niya kase. Ayaw ko rin ma out-of-place siya.
"No, it's okay. Nawiwili ako sa mga kaibigan mo." Sabay ngiti niya.
So 'yon na nga, nagkwentuhan na lang kaming lima. Tinatanong na rin ni Ashley si Tyler, sumasagot naman ito. Puro mga walang kwentang tanong lang naman ang tinatanong ni Ashley. Kung may jowa na ba ito, edad pati address tinanong na niya. Napa iling na lang talaga ako dahil sa mga tanong ni Ashley.
Napansin ko na humikab si Tyler ng patago pero nakita ko pa rin. Mukhang pagod na ata at gusto na matulog. Pagtingin ko sa relo ko ay malapit na pala mag 11. Ganyan ka bilis 'yong oras.
"Guys, una na kaming dalawa." Paalam ko sa kanilang tatlo.
"Ayaw mong magstay dito, Adi?" Adam
Gustuhin ko man na manatili ay ayoko ko rin pauwiin si Tyler na mag-isa. Ako nagdala sa kanya dito kaya sasabay na kami uuwi.
"Hindi na, iinom rin lang naman kayo kaya uuwi nalang ako." Partly true. Kaya nga nand'yan si Adam na tagabantay nila.
"Tara na, Tyler." Tumayo na kaming dalawa at nagsimula na maglakad papunta sa kotse niya.
"Where do you live? Ihahatid na kita sa inyo." Alok niya sa'kin.
"Ihatid mo na lang ako sa Anderson's Condominium." Hindi na rin ako tumanggi, gabi na rin kase. Sayang rin 'yong libreng sakay no.
"Oh, same condominium lang pala tayo."
"Malamang sa inyo 'yon eh." Sabi ko sa sarili ko.
Hindi na rin ako nagsalita pa. Sumakay na rin kami sa kotse niiya. Tahimik pa rin 'yong biyahe at hindi rin naman siya nagsasalita
"Addison wake up, we're here." Hindi ko pala namalayan na nakatulog pala ako.
"Sorry, nakatulog pala ako. Kanina pa ba tayo dumating?"
"Nope, kakarating lang natin."
Inalis ko na ang seatbelt ko saka bumaba na rin sa kotse. Sabay rin kaming sumakay sa elevator. Nalaman ko na nasa babang floor lang pala 'yong condo niya. Siya kase una bababa. Akala ko nga sa top floor siya naka tira dahil may-ari siya, it turns out na ayaw niya pala sa masyadong mataas na lugar.
"Thank you for today Addison. I enjoyed your company." Pasasalamat niya sa'kin
"You're welcome." At ngumiti ako.
Kahit naman sabihan ko siya na h'wag siyang sumama ay ipipilit niya parin 'yong sarili niya na sumama. Hindi naman ako gano'n ka sama sa mga lalaki. I can be friendly to them pero hanggang do'n lang 'yon. No romantic feelings.
Hindi sa nagyayabang pero maraming nagtangkang manligaw pero ni isa walang nakalusot dahil nga ayaw ko magkajowa. Inakala rin nila na babae ang gusto. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na magmahal ng iba maliban sa mga kaibigan ko. I just don't want myself to be hurt by someone.
Sapat na sa akin 'yon mga kaibigan ko. Alam ko naman na makahanap sila ng mamahalin nila. I just want to be with them as long as I can. I will always stay with them unless they tell me to go.
Matutulog na sana ako ng may tumawag sa akin. Unknown Number
"Hello, sino 'to?"
Hey, it's Tyler." Huh? Bakit niya alam number ko?
"Saan mo nakuha number ko uy!"
"In your resume Adi. Sorry kung kinuha ko nang walang paalam."
"Ay oo nga pala. Bakit ka pala napatawag?"
"I just want to say thank you for today and good night."
"Nagthank you kana kanina. Pero good night rin."
Siya na nag-end ng call mga ilang seconds bago niya binaba 'yong tawag. Sinave ko na 'yong number niya sa phone. Baka makalimutan 'yong number niya at mali 'yong matawagan ko.
Tumunog na naman cellphone ko. Pagkakita ko may text na naman galing sa kanya
Good night and sweet dreams, Ads.
Paulit ulit tung lalaking 'to. Naggood night na'to kanina.
Ads? It sounds familiar to me.
Sumakit bigla 'yong ulo ko. It feels like may nakalimutan ako sa childhood ko. Hindi naman ako nabagok o naaksidente noon pero the name Tee and Ads seem familiar.
Dalawang oras na akong nakatunganga sa ceiling. Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip nung dalawang pangalan at bakit magaan 'yong loob ko sa kanya. Sumama pa siya sa akin sa intramuros na mukhang alam niya ligtas siya pagkasama ako. Lumabas na muna ako ng kwarto at uminom ng fresh milk umaasa na makatulog.
NAGISING ako sa tunog ng tawag sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na sa sala na pala ako nakatulog. Pagbaling ko ng tingin sa cellphone ko ay nakita kong tumatawag si Eli sa akin.
"Madam Adi, saan kana hoy? May emergency dito sa hospital. I mean may emergency meeting dito ngayon, lahat ng head doctors ay dapat nandito."
Emergency meeting? Bago 'yon ha.
"Bakit ano bang problema?" Nilagay ko 'yong cellphone sa gitna ng balikat at ulo ko habang nagbibihis ng damit.
"Mukhang malala 'to te at mukhang may kinalaman kay Dr. Alcantara tung nangyayari at parang may rebelasyon na magaganap ngayon."
----------
Read.Vote.Comment
© michiekelss