Chapter 66 Sobia's PoV Hindi pa man natatapos ang executive meeting, biglang muling tumayo si Drei sa harap ng mesa. Halos lahat ay nag-aayos na ng gamit, naghahanda nang tumayo, pero pinigilan niya sila. “One more thing,” sabi niya, kaya lahat ay napatingin muli sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumingin diretso sa akin. “I know this isn’t exactly the place for personal matters…” Umiling siya nang kaunti, napangiti. “But I want you all to know that I intend to marry Sobia.” As expected, dumagundong ang bulungan sa paligid. Hindi ako makapag salita sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala na mag announce agad si Drei ng kasal, I mean, tototohanin pala talaga niya ang eksenang gaya nito na sa isip ko lang pwedeng mangyari. Napatingin ako sa kanya, pero ngumiti lang siya. “Althoug

